Napagkasunduan ng karamihan sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-donate ang 75 percent ng kanilang buwanang suweldo sa pondo ng gobyerno.
Ito raw ay upang makatulong sa mga programa sa pagsugpo ng COVID-19.
Inanunsiyo ito ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Spokesperson Karlo Nograles ngayong Sabado, April 4.
Iniulat ang kanyang anunsiyo ng Philippine News Agency (PNA) na umere sa government station na PTV-4.
Pahayag ng Cabinet Secretary: “Majority ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte ay boluntaryong ibibigay ang malaking bahagi—75 percent ng kanilang buwanang sahod—upang ilaan sa mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang COVID-19 sa loob ng panahong ipinapatupad ang Bayanihan Law.”
Ang Bayahihan Law o mas kilala bilang Bayanihan to Heal As One Act (Republic Act 11469) ay ang batas na nagbibigay kay Pangulong Duterte ng "additional authority" at emergency fund na Php275 billion para malabanan ang COVID-19 crisis.
Mula sa nasabing pondo, ang Php200 billion ay dapat mapunta sa mga mahihirap— mga 18 milyong pamilya—na apektado sa Enhanced Community Quarantine.
Ang Php75 billion naman ay nakalaan sa pagbili ng medical supplies para sa mga ospital.
UNTIL DECEMBER
Ayon pa kay Secretary Nograles, kabilang siya sa mga miyembro ng Gabinete na boluntaryong magbibigay ng bahagi ng kanilang suweldo.
Sa ulat naman ng ABS-CBN News Online, sinabi ng Cabinet Secretary na, "Ilan sa ating mga kasamahan ay boluntaryong babawasan ang kanilang mga sahod hanggang Disyembre pa ngayong taon para sa mga programang ito."
Hindi naman pinangalanan ni Secretary Nograles kung sinu-sino ang mga Cabinet officials na magbibigay ng donasyon.
DUTERTE’S CABINET SECRETARIES SALNs
Noong 2018 Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng mga miyembro ng Gabinete na isinumite sa Malacañang, dalawa sa kanila ay masasabing miyembro ng "billionaire's club" ng bansa.
Narito listahan ng ilan sa kanilang mga SALNs:
Public Works and Highways Secretary Mark Villar - P1,407,459,436
Energy Secretary Alfonso Cusi - P1,355,632,637
Finance Secretary Carlos Dominguez- P338,123,873
Transportation Secretary Arthur Tugade - P303,233,620
Communications Secretary Martin Andanar - P158,819,858
Health Secretary Francisco Duque - P120,138,954
NEDA Secretary Ernesto Pernia - P109,000,741
Chief Presidential Legal Counsel/Spokesman Salvador Panelo - P71,498,976
Executive Secretary Salvador Medialdea - P51,804,120
Trade and Industry Secretary Ramon Lopez - P49,800,000
Presidential Adviser on Peace Process Jesus Dureza - P49,054,011
Environment Secretary Roy Cimatu - P26,503,447
National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. - P25,245,000
Interior and Local Government Undersecretary Eduardo Año - P20,158,900
Housing Secretary Eduardo Del Rosario - P19,464,640
Labor Secretary Silvestre Bello - P15,750,000
Justice Secretary Menardo Guevarra - P14,329,499
Presidential Legislative Liaison Office Secretary Adelino Sitoy - P9,662,811
MMDA Chairman Danilo Lim - P8,000,000
Defense Secretary Delfin N. Lorenzana - P7,657,141
Science and Technology Secretary Fortunato De La Peña - P7,561,000
Education Secretary Leonor Briones - P6,668,136
