Hindi lang si Niña Jose, 31, at ang kanyang mister na si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao, 65, ang tinamaan ng COVID-19 sa pamilya.
Nagpositibo rin sa COVID-19 ang mga magulang ni Niña, at dalawang malapit na kamag-anak.
Sa kanyang Facebook post noong April 3, Biyernes, ikinuwento ng dating aktres ang matinding pagsubok na pinagdadaanan ng kanyang pamilya.
Pero pinatatag daw nito ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.
Pahayag ni Niña (published as is): “I just want to say, how miraculous and loving and merciful our God is.
“The past few weeks has been such a rollercoaster of trials and testing of faith.
“‘My husband, both my parents and people I consider my 2nd parents were tested positive for Covid...
"nevermind Me... but the people I love.”
Pagsisiwalat pa niya, “Then I lost 2 of the people I loved.....”
Hindi nagdetalye si Niña tungkol sa dalawang taong sinasabi niyang nawala sa kanya.
Pero nitong huling bahagi ng Marso, may posts siya na nagpapaalam sa dalawang taong malapit sa kanya—una, ang kanyang Tito Henry; at pagkalipas ng isang linggo, ang kanyang Tita Julie.
Base sa kanyang post, malapit si Niña sa dalawang taong ito na mag-asawa.
Dahil sa mga pangyayari, nasubok daw ang kanyang pananampalataya.
Saad niya, “I was going crazy...
"To be isolated in different places and be alone for days that seemed to be months was so life changing.
“The days I was all alone, I got closer to God.
“He was the only one with me and Mama Mary.
“I was drawing strength from them with everything that was happening.
“Asa Kanila ka Lang talaga kakapit.
“You realise nothing else matters in life, but God and the people you love.”
Kasunod nito, inisa-isa ni Niña ang patron saints na kanyang dinadasalan.
“…they were all with me and my Loved ones.... each and every day is a miracle.”
NIÑA ON THE LESSONS FROM THE PANDEMIC
Mula sa pinagdaanang pagsubok, naniniwala si Niña na may matututunan sa kinakaharap na pandemic.
Lahad niya: “Hug and kiss your loved ones.
“Forgive each other.
“Say sorry to your enemies.
“Love.
“Love everyone.
“Everyone is equal in the eyes of God.
“What he is teaching us with this situation I think is that we should all love each other and go back to him... we forgot him for a while.”
Pagpapatuloy niya, “We were too much into work, businesses, fads, politics, material stuff etc that we forgot what’s really essential in life... family.
“True friends.
“Love.
“Good health.
“And HIM.
“When we have HIM we have everything.
“Nothing is lacking.
“I am forever grateful to you God, Sacred Heart of Jesus, the Divine Mercy and Immaculate Heart of Mary and Infant Jesus of Prague for everything.”
Panghuling mensahe ni Niña: “Thank you to everyone [who's] been continuously praying for us.
“God bless you all.
“Believe in miracles!!!!
“Prayer and faith are the number one weapons in life...GOD is good all the time.... also pls stay home.
“Stay clean.
“Stay safe.
“Pray for our frontliners, they are truly heroes.
“Thank you frontliners, all the doctors, nurses, cooks, drivers, janitors, cleaners. Guards, all of you... i salute you all.
“God bless you all”
Sa statement ni Mayor Quiambao noong April 1, sinabi nitong bagamat nagpapagaling na silang mag-asawa, sasailalim pa rin sila sa 14-day quarantine para matiyak na magaling na sila.
Nagpadala ng direct message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Niña nitong Lunes, April 6, at ngayong Martes, April 7, para makakuha ng karagdagang detalye.
Pero hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.
Nakipag-ugnayan din kami sa ilang dating kasamahan niya sa trabaho, na nagsabi sa aming susubukan nilang makipag-ugnayan kay Niña para sa amin.
Kaagad kaming mag-a-update sa oras na makatanggap kami ng sagot.
NIÑA'S PRIVATE LIFE
Unang nakilala si Niña nang pumasok siya bilang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006, kung saan si Kim Chiu ang itinanghal na Big Winner.
Ka-batch din niya sina Gerald Anderson at Matt Evans.
Pinasok niya ang showbiz paglabas sa Bahay ni Kuya.
Napabilang siya sa maraming teleseryeng panghapon ng ABS-CBN, gaya ng limited series ng Your Song Presents at Precious Hearts Romances.
Gumawa rin siya ng ilang pelikula, ngunit maliliit lamang ang roles niya rito.
Tuluyan niyang tinalikuran ang showbiz nang magpakasal sila ni Mayor Quiambao noong November 17, 2017.
Ang alkalde ay isang bilyonaryong businessman na nagmamay-ari ng information technology company na Stradcom Corporation.
Sa isang interview noong March 2019, sinabi ni Niña na bagamat nami-miss niya ang showbiz, mas pinipili niya ang kanyang pamilya.
Aniya: “To be honest, nami-miss ko din talaga ang showbiz but my desire to focus on my family and supporting my husband is stronger."
Sa ngayon ay kuntento na sa pribadong buhay bilang First Lady ng Bayambang, Pangasinan si Niña.
May isa na siyang anak kay Mayor Quiambao, ang 3-anyos na si Antonio.
