JM de Guzman "humbly asks for prayers" for Sylvia Sanchez, husband Art Atayde

by Jet Hitosis
Apr 7, 2020
Actor JM de Guzman (left) appeals for prayers for his Pamilya Ko co-star Sylvia Sanchez and her husband Art Atayde (right) who are currently being treated for COVID-19: “I humbly ask for your prayers for tito Art and tita Sylvias fast and smooth recovery. thank you."
PHOTO/S: @1migueldeguzman, @sylviasanchez_a on Instagram

Humihingi ng dasal si JM de Guzman para sa mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Patuloy pa sa pagpapagaling sina Sylvia, 48, at Art, 54, sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa Instagram post ni JM nitong Lunes, April 6, humingi ng dasal ang aktor sa kanyang two million followers para sa mabilis na paggaling ng veteran actress at asawa nitong businessman.

Tampok sa post ng 31-anyos na aktor ang litrato ng mag-asawang Sylvia at Art.

Magkatrabaho sina JM at Sylvia sa ABS-CBN teleserye na Pamilya Ko.

Sa serye, gumaganap sila bilang ang mag-inang Luz at Chico.

Caption ni JM (published as is): “Hello.

“I humbly ask for your prayers for tito Art and tita Sylvias fast and smooth recovery. [heart, flexed biceps, praying hands emojis].

“thank you.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, dumagsa ang mga nagpaabot ng panalangin para sa mag-asawa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang ibang Instagram followers ni JM, nagbigay ng direktang mensahe kay Sylvia gamit ang pangalan ng character ng aktres sa Pamilya Ko, ang Nanay Luz.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"Mabunga" ang apelyido ng mga karakter nina JM at Sylvia sa Pamilya Ko.

Isang netizen naman ang nagpaabot ng words of encouragement kina Sylvia at Art.

Ayon sa netizen, sigurado siyang magiging maayos ang mag-asawa, tulad ng kanyang mga magulang na kapwa COVID-19 survivors.

Continue reading below ↓

JM IS A CLOSE FRIEND OF THE ATAYDES

Bago pa nagkatrabaho sa Pamilya Ko, malapit na si JM sa pamilya ni Sylvia.

Sa katunayan, matagal nang nali-link ang aktor sa pangalawang anak nina Sylvia at Art, ang aktres na si Ria Atayde, 28.

Gayunman, kapwa itinanggi nina JM at Ria na may romantic relationship sila.

Sinabi ni Ria na malapit niyang kaibigan ang aktor.

Para naman kay JM, “special” sa kanya si Ria.

Hanggang ngayon, nananatiling mabuting magkaibigan sina JM at Ria.

Sa katunayan, makikita sa Instagram Stories ni JM ngayong Martes, April 7, na naka-video chat pa niya si Ria kasama ang iba nilang mga kaibigan.

Katabi ni Ria sa frame ang nakatatandang kapatid na si Arjo Atayde.

Nakausap din nina JM, Ria, at Arjo sina Angelica Panganiban, Joross Gamboa, Kean Cipriano, Ketchup Eusebio, at ang mag-asawang Vandolph at Jenny Quizon.

Continue reading below ↓

SYLVIA AND ART STILL RECOVERING

March 31 nang ianunsiyo ni Sylvia sa Instagram na nagpositibo ang COVID-19 test nilang mag-asawa.

Nakasaad sa post ng aktres na nagpa-swab test sila nitong March 24 matapos makaramdam ng sintomas.

Dumanas ng chills si Sylvia, habang inubo at nahirapang huminga si Art.

Kaagad naman daw nag-isolate ang mag-asawa matapos magpasuri sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, April 1, naglabas ng official statement sa Instagram ang panganay nina Sylvia at Art na si Arjo.

Tiniyak ng 29-year-old Kapamilya actor na bagamat mabagal ang recovery, tuluy-tuloy na bumubuti ang lagay ng kanyang mga magulang.

Sinabi rin ni Arjo na siya at ang mga kapatid niyang sina Ria, Gela, 17, at Xavi, 10, ay pawang walang sintomas ng COVID-19.

Nagpasalamat si Arjo sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

Isang malapit na kaibigan ng pamilya ang nagsabing tuluy-tuloy ang pagbuti ng lagay ng mag-asawa.

Ilalathala ng PEP.ph ang update sa pagpapagaling nina Sylvia at Art kapag isinapubliko na nila ito.

Ayon sa Department of Health (DOH), inaabot ng dalawang linggo ang gamutan sa COVID-19.

Kailangang dalawang beses na magnegatibo ang COVID-19 test ng pasyente bago maideklarang magaling na ito sa virus.

As of April 7, may kabuuang 3,764 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Eighty-four na ang gumaling, habang 177 ang binawian ng buhay.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor JM de Guzman (left) appeals for prayers for his Pamilya Ko co-star Sylvia Sanchez and her husband Art Atayde (right) who are currently being treated for COVID-19: “I humbly ask for your prayers for tito Art and tita Sylvias fast and smooth recovery. thank you."
PHOTO/S: @1migueldeguzman, @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results