Maging totohanan kaya ang kilig sa pagitan nina Ivana Alawi at DJ Loonyo?
Ayaw paawat ng dalawa sa pagpapakilig sa netizens matapos nilang magpanggap na magkarelasyon.
Si Ivana ang Kapamilya actress na sumikat dahil sa kanyang sexy at kuwelang vlogs sa YouTube.
Si DJ Loonyo, o Rhemuel Lunio, ay isang choreographer/dancer/professional DJ na kasalukuyang nakabase sa China.
Pasado alas-dies ng gabi ng April 8, Miyerkules, panay pa ang biruan nina Ivana at DJ Loonyo sa Twitter.
Tweet ni DJ Loonyo, "Hi @ivanaalawi Question."
Kunwa'y nahihiya pa ang binata at naglagay ng blushing smiley at takip-mukhang emoji.
"Yes ano un?" sagot ni Ivana.

Tanong ulit ni DJ Loonyo, "Camera ka ba?"
Panunukso naman ni Ivana, "Bakit napipicture mo na ba buhay mo sakin? Hahah."
Sabay bumanat ng biro si DJ Loonyo tungkol sa madalas na pag-post ni Ivana ng sexy bikini pictures sa Instagram.
Ani DJ Loonyo, "Haha di 'PA' naman
"Pero everytime I look at your pictures, I can’t help but...... smile."

Tweet ni Ivana, "Ambot sa imo! Behave ka naaaa lagot ka kay mama."
Kalakip ng takip-mukha at hug emojis, tila pa-cute na sabi ni DJ Loonyo, "Okay behave na po Ayoko mastress si 'Mama' Haha Goodnight "

IVANA'S BOYFRIEND PRANK
Ang pagtawag ni DJ Loonyo na "Mama" sa ina ni Ivana ay may kinalaman sa ginawa nilang boyfriend prank video noong Martes, April 7.
Ipinakilala ni Ivana si DJ Loonyo bilang nobyo para asarin ang ina niyang si Fatima Marbella.
Napaniwala si Mommy Fatima. Bahagya pa ngang nagalit nang malamang nagdiriwang na ng "monthsary" sina Ivana at DJ Loonyo.
Sumbat ng ina ni Ivana, "Wow ha? January pa?
"So, January pa hindi mo sinasabi sa akin, ha? Bakit di ko nakikita?
"Siya nga yung napapanood ko sa TikTok, hindi kayo marunong magsabi nang maayos?
Depensa ni Ivana, natatakot daw ang binata.
Nangako naman si DJ Loonyo na "pagkatapos ng quarantine" at kapag na-lift ang travel ban ay lilipad ito ng Pilipinas para personal na magpakilala sa ina ng dalaga.
"Pumunta ka! Siguraduhin mo, ha?" sagot ni Mommy Fatima.
Binalaan din nang husto ni Mommy Fatima si DJ Loonyo na huwag lolokohin ang anak dahil tiyak na tigok daw ang binata.
Panakot pa ng ginang, kaya niyang sugurin ang binata na mala-wrestler na si "Undertaker."
"Kahit ginagaya ko yung TikTok-TikTok mo na 'yan, sisipain kita.
"Gusto ko makita mukha mo pagkatapos ng COVID-COVID na 'yan...
"Nasa China ka? Wala kang syota diyan?"
Sabi pa nito tungkol sa anak na aktres/YouTuber: "Sobra magmahal 'yan, a. Huwag kang magkakamali,"
Sa huli, inamin ni Ivana sa ina na prank lang ang lahat.
KILIG NETIZENS
Ang pagsasanib-puwersa nina Ivana at DJ Loonyo ay kinakikiligan ng kani-kanilang social media followers.
Kung si Ivana ay sumikat sa YouTube, naging viral naman ang Facebook Live video ni DJ Loonyo tungkol sa personal niyang karanasan nang nag lockdown sa China.
Nakilala rin si DJ Loonyo sa kanyang patok na dance cover videos sa TikTok, isang app para sa short-form mobile videos.
May mga netizens nang bumuo ng love team daw nina Ivana at DJ Loonyo, na tinawag nilang #LooVana at #IvaNyo.
TEAM IVANYO




TEAM LOOVANA
Nabanggit ni Ivana na matagal na niyang kilala si DJ Loonyo bilang professional DJ, dahil mahilig daw magsayaw sa bar noon ang sexy star.
Pero hindi pa man personal na nagkikitang muli ang dalawa ay ginawan na rin sila ng memes na magkatabi sila sa edited pictures.




