Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ethel Booba disowns Twitter account with 1.6 million followers

by Arniel C. Serato
Apr 10, 2020
Ethel Booba disowns @IamEthylGabison Twitter account as "fake" eight years after it was first created. In 2016, the sexy comedienne authored a book containing a collection of tweets from the Twitter account that she is now disowning.
PHOTO/S: Courtesy: @ethelbooba on Instagram

Itinatwa ni Ethel Booba, 43, na siya ang may-ari ng Twitter account na may handle na
"@IamEthylGabison."

Kahapon, April 9, inanunsyo ni Ethel sa kanyang official account sa Instagram na @ethelbooba na hindi kanya ang @IamEthylGabison account sa Twitter.

Tinawag niya itong "FAKE," at ginagamit lang daw ang kanyang pangalan para magkalat ng "fake news."

Sabi niya sa kanyang post: “BEWARE of this FAKE! twitter!"

Nilagyan ito ni Ethel ng hashtags na "#StopUsingMyName, #fake, #fakenews, at #peke" para idiin na hindi kanya iyon.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansing disabled ang comments section sa kanyang Instagram post.

Kaya hindi roon direktang makapagtanong ang netizens kung ano ang dahilan ng biglaan niyang pagtatwa sa Twitter account na @IamEthylGabison.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ito ay sa kabila na makailang-beses siyang nag-promote sa TV interviews niya noon na @IamEthylGabison ang kanyang official Twitter account.

On record, sinabi noon ni Ethel na personal siyang naglalagay ng kanyang tweets doon.

Pero sa hindi malinaw na dahilan, binabawi na ito ni Ethel.

May hiwalay ring pahayag ang sexy singer-comedienne sa kanyang Facebook page na may username na @ethelbooba2020.

Dito ay hinikayat ni Ethel ang kanyang followers na i-mass report ang "fake" raw na "@IamEthylGabison" Twitter account.

Sabi ng sexy comedienne (published as is): "Paki report nga to nakaka bwesit na eh

"Tagal na ginagamit ang pangalan ko neto eh

"Daming kuda di na lang manahimik

"Check out Ethel Booba (@IamEthylGabison):"

Continue reading below ↓

ETHEL CONFIRMS DISOWNING TWITTER ACCOUNT

Pati sa bagong vlog ni Ethel sa YouTube ay may comments ang netizens na nagulat sa anunsiyo niyang "fake" ang ilang taon nang pinaniwalaang Twitter account niya.

Pang-uusisa ng netizen: "Hoy, address mo muna chika mo sa IG!"

Sagot ni Ethel: "Maka hoy ka sino ka ba?"

Pinilit ng netizen si Ethel na bigyang-linaw ang Twitter issue.

Pang-aakusa ng netizen, "massive fraud" ang ginawa ni Ethel sa mga taong naniwalang siya si @IamEthylGabison sa Twitter.

Hamon ng netizen: "Di ka ba puedeng kwestyunin? Sagot muna, bago magmamaldita!

"Puede kang makulong for massive fraud if you don’t address the people you’ve profited from!"

Sa puntong ito ay sumagot si Ethel na wala siyang kinalaman kay @IamEthylGabison sa Twitter.

Biktima rin daw siya ng "fake" at "profited" na Twitter account para makapanloko ng ibang tao.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Ethel, hindi niya nagustuhan ang paggamit sa kanyang pangalan para mag-post ng mga umano'y hindi kanais-nais na opinyon ngayon pa namang may COVID-19 pandemic.

Nagbanta rin siyang sasampahan ng reklamo ang taong nasa likod ng nasabing Twitter account.

Pahayag ni Ethel (published as is): "wala ako pinagkakitaan kahit sino sa inyo

"sumobra na lang ang panggamit nya pati current situation na meron tayo ginagawa nyang biro at ako ang nadadamay

"sue if u want thats what im gonna do pagkatappos ng quarantine

"papahanap ko kung sino man yang taong gumagamit sa name ko."

Bahagyang kumalma ang netizen sa paliwanag ni Ethel.

Saad nito, "Thanks for the reply. Please elaborate na lang sa media. Your followers deserve an explanation. A long one to be specific."

Sagot ni Ethel, "i have a clean conscience what ever this persons intentions its way beyond my control at sumobra na lang talaga sya."

Continue reading below ↓

WHY IS ETHEL SPEAKING UP NOW?

Tuluy-tuloy pa rin ang pagtatanong ng netizen kung bakit ngayon lang nagsalita si Ethel kung totoong hindi nito pag-aari ang @IamEthylGabison Twitter account.

Pang-uusisa ng netizen: "So why did you enable him to profit from you?

Continue reading below ↓

"May batas po at mukhang di naman kayo agrabyado at nagdarahop para di sya kontrahin.

"Ano pong rason para hayaan nyo sya sa 'panggagamit' sa inyo?"

Sabi pa ng netizen, hindi raw kailang nakinabang si Ethel sa Twitter account na iyon.

Lalo pa't nang sumikat ang "charot" tweets ni Ethel ay naging daan ito para magkaroon ng libro si Ethel na ito mismo ang may akda.

Ang librong #CHAROTISM the wit and wisdom of Ethel Booba ay naglalaman ng collection ng sikat na tweets ni Ethel tungkol sa politics, showbiz, love, at beauty tips.

Published iyon ng Viva Books noong January 2016.

Saad ng netizen: "Pakipaliwanag din po na paano kayong nagamit (against your will ha) if you’ve promoted a book based on the activities on that Twitter account?

"Mahirap paniwalaan na nakapunta ka kung saan-saan and may 'threat' pala sa inyo."

Ang tanging sagot ni Ethel ay hinahayaan lang daw niya noon ang sinumang may hawak ng @IamEthylGabison Twitter account.

Continue reading below ↓

Saad ni Ethel (published as is): "di ko sya masyado pinagpapansin

"Ill make a vid regarding this to clarify lahat kung san sya nagsimula at lahat ng questions nyo ill answer it one by one."

THE TWITTER ACCOUNT IN QUESTION

Habang isinusulat ang artikulong ito, deactivated na ang Twitter account na @IamEthylGabison.

Continue reading below ↓

Tinatayang mayroon iyong 1.6 million followers.

Sabi sa bio nito, taong 2012 ang petsa kung kailan ginawa ang Twitter account.

Pero bandang 2016 lumikha ng ingay si @IamEthylGabison.

Kinagigiliwan ng netizens ang pinaniniwalaang Twitter account ni Ethel dahil kuwela pero may tapang ang tweets ng sexy comedienne.

Madalas ay may tweets mula rito na tungkol sa iba't ibang isyu—mapa-showbiz man o politika.

Naging trademark din doon ni Ethel ang pagbitaw ng salitang "charot," slang term na ang ibig sabihin ay "joke lang."

Huling nag-trend sa Twitter ang pangalang "Ethel Booba" noong March 19.

Dahil ito sa pagtatanggol ni @IamEthylGabison kay Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa batikos mula sa Facebook account na Mocha Uson Blog.

Pinaniniwalaang pagmamay-ari ng dancer-blogger na si Mocha Uson ang Facebook account na iyon.

Hindi nag-deny si Mocha na kanya iyon, pero may paghugas-kamay na sinabi nitong marami silang administrators o namamahala sa Mocha Uson Blog Facebook account.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw siya ang may-akda ng post na umaatake kay Mayor Vico.

Hindi naman maintindihan kung bakit niya pinayagan, o hinayaan, ang pag-atake sa iba mula sa blog na taglay ang pangalan niya. Liban na nga lang kung ganoon din ang kanyang sentimiyento.

ethel's GHOST WRITERS?

Noon lamang November 2019 ay nabanggit pa ni Ethel na kanya ang Twitter account na @IamEthylGabison.

Continue reading below ↓

Celebrity guest siya sa "Showtime Online"—It's Showtime na online—kunsaan tinanong ang sexy comedienne tungkol sa kanyang "witty tweets."

Inamin dito ni Ethel na marami siyang administrators sa Twitter account na iyon.

Natatawang kuwento niya, "Maraming ano 'yan, maraming pagmi-meeting 'yan."

Kapag mga seryosong isyu na may kinalaman sa pulitika, pinag-uusapan daw nila muna ito bago i-tweet.

Pero pag mga patawa o parody, siya na raw ang direktang nagpo-post sa Twitter nito at may salitang “charot” lagi sa dulo ng tweet.

Sa artikulo na lumabas sa www.starcinema.abs-cbn.com noong March 8, 2018, nagkuwento rin ang komedyana tungkol sa nasabing account.

Wala naman daw siyang “ghost writers” kundi “ghost tweeter.”

Saad niya, “Buhay pa sila hindi sila ghost. Umamin? Sa memes and edited pics, may friend ako taga-edit.

"Sa English post, minsan pinako-correct ko sa kaibigan.

"Sa opinyon, nagbabasa-basa muna ako. Wala akong staff kasi wala akong pambayad.”

Inamin naman niyang may tao na nagtsi-check ng grammar niya kapag English ang kanyang itu-tweet.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, “Siyempre yung iba diyan na English may nag-correct na or translate na.

"Minsan nga natatanga pa din ako sa paggamit ng ON, IN, and AT.”

Dagdag niya, “To be honest, ako nag-iisip.

"Then save ko sa draft, then minsan bago ko tweet pa-check ko sa kapamilya or kaibigan kung tama ba term gamit ko.

"Pinayuhan na din kasi ako na di na puwede gaya noon, na basta-basta na lang tweet, dapat ginagamitan na ng isip."

Na-feature rin ang witty tweets ni Ethel sa Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA-7 noong November 2016 at sa Pareng Partners ng ABS-CBN noong July 2018.

NETIZENS react

Sa ngayon, nag-trend sa Twitter si Ethel dahil sa pag-amin niyang hindi umano siya si @IamEthylGabison.

Ngayong araw, April 10, nasa ika-anim na spot siya sa Top Trending topics sa bansa.

Continue reading below ↓

Marami namang haka-haka ang netizens kung bakit biglang kumalas si Ethel sa kontrobersiyal na Twitter account.

May mga nagsasabing may kinalaman diumano ang pagtuligsa ni @IamEthylGabison sa gobyerno kaya nawala ang Twitter account nito.

Ang huling tweets ni Ethel noong April 2 ay may kinalaman sa hirap tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Ani Ethel, malaking pasakit na ang "monthly subscription," o pagbabayad ng buwis kada buwan, ay hinihingan pa rin ang mamayan ng "ambag."


Continue reading below ↓

Komento naman ng isang netizen sa pagkawala ng Twitter account ni Ethel:

"But in the middle of a global pandemic, TROLLS at the Tyrant's Propaganda Dep't have succeeded in making the popular comedienne w/ 1.6M followers disown her own Twitter account.

"SHE IS BEING SILENCED!"

Dagdag ng isang netizen: "There's something fishy about Ethel Booba claiming her Twitter account is fake.

"May mga videos pa siya doon e.

"Feels like may gumigipit sa kanya."


Continue reading below ↓


Habang ang iba naman ay nagsasabing posible raw na nagkasira si Ethel at ang administrators ng kanyang Twitter.

Saad ng isang netizen, "Sa mga ngtataka why nawala ang @IAmEthelGabison na Twitter acct. ni Ethel Booba: Nag-away po si Ethel at mga admins/ghost writers nya sa PERA.

"PERA ang dahilan!

"Maypa-'Ethel was silenced' 2× pa kayong nalalaman."

Continue reading below ↓


Teorya naman ng iba, baka sadyang fake account lang daw talaga si @IamEthylGabison.

Ayon pa sa isa pang netizen: "Deactivated na daw po yung. acct. Hirap sa mga yan dahil nawala isisisi na agad sa gobyerno!

"Ethel Booba herself is saying its a fake account.

"Or she's aware of its existence kasi matagal nang acct daw yan pero she's now denying her involvement dahil sa mga fake news doon."

Continue reading below ↓

NEW TWITTER ACCOUNT

Inanunsiyo naman ng komedyana na gumawa na siya ng bagong Twitter account.

Base ito sa kanyang post sa Facebook kahapon, April 9.

Pahayag ni Ethel (published as is), "to na guys gumawa n ko ng account ko sa twitter di yung kung ano ano ang naririnig ko pakireport na lang yung isang masyadong maraming alam."

Continue reading below ↓

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba disowns @IamEthylGabison Twitter account as "fake" eight years after it was first created. In 2016, the sexy comedienne authored a book containing a collection of tweets from the Twitter account that she is now disowning.
PHOTO/S: Courtesy: @ethelbooba on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results