PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion keeps her cool with netizen who called her "gaga" over a simple pasta recipe

KC Concepcion's "pasta night" spoiled by irritated netizen.
by Arniel C. Serato
Published Apr 11, 2020
KC Concepcion to netizen calling her "gaga" for posting ingredients of her Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini: "Gaga na agad ako nag share lang ng totoong niluluto sa bahay… hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin."
PHOTO/S: Courtesy: @

Nanatiling mahinahon si KC Concepcion, 35, kahit tinawag siyang “gaga” ng isang netizen dahil lamang sa recipe ng isang pasta dish.

Kagabi, April 10, ibinahagi ni KC sa kanyang Instagram ang recipe at paraan ng pagluluto niya ng "Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini."

Ilan sa ingredients ng kanyang niluluto ay white garlic, salmon, tomatoes, chili, salt, pepper, cayenne, paprika, coconut sugar, seasoning, tomato sauce, almond flakes, at noodles.

Simpleng caption niya rito: “Pasta Night”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit isang netizen ang tila nairita sa post ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ayon dito, hindi raw praktikal ang pagluluto ng pasta na ang ingredients ay hindi mabibili sa palengke.

Partikular na tinukoy ng netizen ang "paprika," isang ground spice na gawa mula sa pinatuyong capsicum annum.

Pagsumbat pa ng netizen, hindi nakakatulong si KC sa mga kababayan nating sa palengke nagpupunta para sa kanilang pagkain.

Tila ang tinutukoy rito ng netizen ay ang kasalukuyang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Tinawag pang "gaga" ng netizen ang aktres.

Buong komento ng netizen (published as is): “Dislike! Sana bibili ang mga ingredients kung sa palengke lang ang punta nila.

“Be practical hindi ka nakatutulong, sa mga kabayan na sa palengke lang ang takbo..paprika?! Gaga!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KC'S CALM ANSWER

Kalmado naman ang tono ng sagot ni KC sa iritableng netizen.

Tanong ng aktres: "Hindi ko na ba ishare ung mga niluluto ko gamit ang laman ng pantry ko ate kung bad mood?

“Pati gluten free pancakes, cinnamon powder, chocolate spread, hindi na ba pwede ishare sa followers ko?"

Dagdag ni KC: “Gaga na agad ako nag share lang ng totoong niluluto sa bahay… hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin.

“Hindi ko pa nga napost ang quinoa at ube pandesal galit ka na agad.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinuyog naman ng ibang followers ni KC ang netizen.

Ayon sa kanila, malaki ang galit nito sa mundo kaya nakapagkomento nang ganun.

Pinuri rin nila si KC dahil hindi ito nagmahadera sa kanyang sagot sa netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion to netizen calling her "gaga" for posting ingredients of her Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini: "Gaga na agad ako nag share lang ng totoong niluluto sa bahay… hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin."
PHOTO/S: Courtesy: @
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results