Is this Rhap Salazar's boyfriend?

by Bernie V. Franco
Apr 14, 2020
Rhap Salazar posts a throwback photo of him and a mystery guy, whom he describes as his "favorite person." Last February 14, Valentine's Day, the singer revealed that he was in a relationship.
PHOTO/S: @rhapsalazar on Instagram

Love wins in the midst of the COVID-19 crisis.

Ito ang mensaheng namumutawi sa netizens matapos mag-post ang singer na si Rhap Salazar ng larawan niya kasama ang isang matipunong lalaki.

Noong April 6, tatlong throwback photos ang ipinost ni Rhap sa Instagram at Twitter.

Kuha ang mga ito sa isang beach.

Sa pangatlong larawan, kasama ng 24-year-old singer ang isang lalaking hindi niya pinangalanan.

Gayunpaman, base sa kanyang caption ay matutukoy na espesyal kay Rhap ang lalaki.

Tinukoy niya ito bilang kanyang “favorite person.”

Nami-miss na rin daw niya ito.

Caption ni Rhap: “Throwback to this wonderful place with my favorite person. Nakakamiss ang dagat [wave emoji].. at ikaw”

Continue reading below ↓

"SANA ALL" / "LOVE WINS"

Bumuhos naman ang mga positibong reaksiyon mula sa netizens.

Karamihan ng mga komento nila ay “sana all” at “love wins.”

Continue reading below ↓

RHAP REVEALS HE HAS A BOYFRIEND

Noong February 14, 2020, Araw ng mga Puso, ibinahagi ni Rhap sa unang pagkakataon ang estado ng kanyang love life sa pamamagitan ng social media.

Sa unang pagkakataon din ay inamin ng singer ang kanyang sexual orientation.

Nag-post siya ng larawan ng dalawang lalaking natalikod, magkaakbay, at nakatingin sa waterfall.

Continue reading below ↓

Matutukoy na ang lalaking nasa kaliwa ay si Rhap.

Makahulugang caption ni Rhap: “Today, let us celebrate LOVE [heart emoji].”

Noong February 27, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhap via direct messaging.

Inamin niyang boyfriend nga niya ang kasamang lalaki sa larawan, ngunit nais daw niyang bigyan ng privacy ang relationship nila.

Continue reading below ↓

"I don't wanna tell more details po sana about my partner and our relationship.

"Gusto pa rin po namin ng privacy kahit papaano," mensahe ni Rhap.

Pero tila unti-unti nang nagbabago ang isip ni Rhap.

Handa na ba siyang isapubliko ang identity ng kanyang special someone?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhap Salazar posts a throwback photo of him and a mystery guy, whom he describes as his "favorite person." Last February 14, Valentine's Day, the singer revealed that he was in a relationship.
PHOTO/S: @rhapsalazar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results