Rhap Salazar confirms posting photo of boyfriend: “Yes, that’s him.”

by Bernie V. Franco
Apr 14, 2020
Singer Rhap Salazar confirms to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that the fellow with him in this Instagram post is his boyfriend.
PHOTO/S: @rhapsalazar on Instagram

“Yes, that’s him.”

Ito ang pagkumpirma ni Rhap Salazar sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang kasama niyang lalaki sa isang Instagram post ay ang kanyang boyfriend.

Noong April 6 ay nag-post ang 24-year-old singer ng throwback photos na kuha sa isang beach.

Kabilang sa mga larawang ito ni Rhap ay kasama ang isang non-showbiz guy.

Sa caption ay inilarawan ng singer ang lalaki bilang kanyang “favorite person.” Nami-miss na raw daw niya ito ngayong quarantine.

Ngayong Martes ng hapon, April 14, kinumpirma ni Rhap sa PEP.ph na boyfriend nga niya ang lalaki sa larawan.

“Yes, that’s him [smile and blushing emoji]”

Inusisa ng PEP.ph si Rhap kung paano niya napapayag ang boyfriend na isapubliko ang larawan nila.

Pag-amin ng singer, noong una ay may agam-agam ang kanyang karelasyon, pero pumayag din daw ito.

Saad ng Kapamilya singer, "At first he was thinking a lot because he’s not really into showbiz, but he said it’s fine with him."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Rhap: “Love wins.

“We are blessed and happy to have each other.”

Hindi naman binanggit ni Rhap ang pangalan ng kanyang boyfriend.

RHAP CELEBRATES LOVE

Eksaktong dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang aminin ni Rhap ang kanyang sexual orientation at estado ng love life.

Continue reading below ↓

Valentine's Day, February 14, 2020, nag-post ang singer ng larawan ng dalawang lalaking nakatalikod, magkaakbay, at nakamasid sa waterfalls.

Caption ni Rhap: “Today, let us celebrate LOVE [heart emoji].”

Noong namang February 27, muling nag-post ng larawan si Rhap ng nasabing lalaki habang namimili sa isang grocery store.

Pero hindi pa rin kita ang mukha ng lalaki.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Rhap noon sa PEP.ph na hindi pa siya handang ipakilala ang kanyang boyfriend sa publiko.

Gusto pa raw nila noong magkaroon ng privacy.

Hanggang sa dumating ang panahong ipinakita na ni Rhap sa social media ang mukha ng boyfriend.

Patunay lamang itong proud ang singer sa kanyang love life, at sa pagiging miyembro ng community ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transsexual, queer, intersex, asexual).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Rhap Salazar confirms to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that the fellow with him in this Instagram post is his boyfriend.
PHOTO/S: @rhapsalazar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results