Isabelle de Leon ikinuwento dahilan ng paglipat sa ABS-CBN at muling pakikipagtrabaho kay Coco Martin

by PEP Multimedia Team
Published Apr 17, 2020

Ilang linggo matapos na mapanood sa Madrasta ng GMA-7 at maging sa Miss Multinational Philippines 2019, sa ABS-CBN naman napanood si Isabelle de Leon.

Naging isa sa tatlong bagong miyembro ng Task Force Agila si Isabelle, bilang Police Lieutenant Mariel Lascano, sa Kapamilya series na FPJ's Ang Probinsyano.

Kaya't nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) staffwriter na si Jimpy Anarcon si Isabelle sa PEP Live appearance nito kamakailan, natanong ito kung bakit siya lumipat sa ABS-CBN mula GMA-7.

"Kasi sa ngayon, freelance artist ako, and si Ms. Beegee kasi nakatrabaho ko na siya before," banggit pa ni Isabelle sa executive producer ng series na si Roselle Beegee Soldao-Gannaban.

"Sinabi niya, 'O, naghahanap kami ng Task Force Agila...'

"E, siyempre naman, talagang na-excite ako nung malaman ko na Ang Probinsyano pala yung hawak niyang show, and it's truly an honor to be part of that show.

"So, through Ms. Beegee kaya ako napasok sa Ang Probinsyano."

Ikinuwento ni Isabelle kay Jimpy ang experience niya sa pakikipagtrabaho sa cast ng Ang Probinsyano.

"Sobrang humble nila... sobrang light, sobrang fun nung set," saad ni Isabelle.

Naibahagi rin ni Isabelle ang nakakatuwang pagkikita nilang muli ng bida at direktor ng show na si Coco Martin.

Nagkatrabaho raw kasi sila noon ni Coco sa ilang indie films.

Para sa kabuuang video ng PEP Live interview ni Isabelle, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=lOGWoBSkiZI

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results