PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DJ Loonyo posts photo of video call with Ivana Alawi

Ivana Alawi attempts to hide video call with DJ Loonyo, but she fails.
by Rachelle Siazon
Published Apr 19, 2020
DJ Loonyo tells Ivana Alawi during their video call: "Hello. Ang ganda mo ngayon."
PHOTO/S: Cove Manila via @djloonyo / @ivanalawi Instagram

Huli sa akto si Ivana Alawi na patagong kinakausap sa isang video call si DJ Loonyo.

Si DJ Loonyo, o Rhemuel Lunio, ang dancer-DJ na nagpanggap bilang nobyo ni Ivana sa isang prank video na ginawa ng actress-web star.

Sabado ng gabi, April 18, nang i-post ni DJ Loonyo sa Twitter ang screenshot kunsaan makikitang magkausap sila ni Ivana sa video chat.

"Caption this," simpleng tweet ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reply ni Ivana, "OH SYET."

Sabi pa ng dalaga, "Buti naman walang twitter si mama."

Asar-talo kasi si Ivana sa ina niyang si Fatima Marbella.

constant communication with dj loonyo?

Si Mommy Fatima ang unang nagbuking na may private communication pa rin ang aktres kay DJ Loonyo.

Base ito sa YouTube vlog ni Ivana noong April 16.

Habang nasa harap ng hapag-kainan, tinukso ni Mommy Fatima si Ivana.

"Nakikita kita. Lagi mong ka-video chat si DJ Loonyo hanggang ngayon," hirit ng ginang.

Sinegundahan naman ito ng nakababatang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey.

"Narinig ko kayo sa speaker!" natatawang pang-aasar ni Mona.

Ang wari'y nahihiyang komento ni Ivana, "Bahala kayo! Bahala kayo..."

NOT-SO-SECRET VIDEO CALL

Maya-maya pa ay inamin ni Ivana na sinubukan niyang ilihim ang video call nila ni DJ Loonyo.

Magkakasama raw silang mag-iina nang biglang lumayo siya sa mga ito.

Ani Ivana, "I went to the room. Nagtago ako. Nag-video chat ako. 'Hello...' Ganun-ganun pa ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawala sa isip niya na naka-on ang bluetooth connection ng kanyang mobile phone, at naka-pair ito sa speaker na nakalagay malapit kina Mommy Fatima at Mona.

Natatawang dagdag ni Ivana, "Biglang yung tunog napunta kina mama! Nag-bluetooth! Sabi ni Loonyo, 'Hello, ang ganda mo ngayon.'"

Biro naman ni Mommy Fatima, parang siya raw tuloy ang kausap ni DJ Loonyo.

"Thank you. Ang ganda ko," pang-aasar pa ni Mommy Fatima.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NETIZENS TEASE IVANA AND DJ LOONYO

Kinilig nang husto ang mga tagasuporta nina Ivana at DJ Loonyo.

Baka raw nagkakapalagayang-loob na ang dalawa.

April 7 nang gawin nila ang "boyfriend prank" video—o panloloko nila kay Mommy Fatima na magkarelasyon na sina Ivana at DJ Loonyo.

Mula noon ay nabuo ang tambalang "LooVana" o "IvaNyo" sa social media.

Narito ang tweets nila:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng iba, mukhang "proud" daw si DJ Loonyo na ipinakita pa ang video call nila ni Ivana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo tells Ivana Alawi during their video call: "Hello. Ang ganda mo ngayon."
PHOTO/S: Cove Manila via @djloonyo / @ivanalawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results