PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz laughs off reported tiktik sighting in Malabon: "Ghostbusters po ang kailangan sa ganyan."

Angelika dela Cruz: "Natawa nga ako ng bongga."
by Rachelle Siazon
Published Apr 20, 2020
Barangay captain Angelika dela Cruz finds comic relief in letter of complaint from a resident worrying about a scary mythical creature roaming around Barangay Longos, Malabon City at night.
PHOTO/S: @angelikadelacruz Instagram

Idinaan ni Angelika dela Cruz sa biro ang kakatwang reklamo ng isang residente sa Barangay Longos, Malabon City.

Si Angelika, 38, ang kapitana ng Barangay Longos.

Nitong Lunes ng umaga, April 20, ibinahagi ni Angelika ang screenshot ng mensahe sa kanya ng isang residente sa nasasakupang lugar.

Nabahala raw ang residente sa kumakalat na bali-balitang may namataang tiktik sa Barangay Longos.

Diumano, isang saksi ang nakakitang "sumilip" sa bubong ng bahay nito ang tiktik, na "mahaba ang dila" at "may pakpak."

Ayon pa rin sa residente, "nagsisigaw" raw ang kapitbahay niya sa sobrang takot dahil may buntis daw sa bahay nito.

Minabuti raw ng residente na i-report iyon kay Angelika bilang kapitana ng Barangay Longos.

Sabi ng residente (published as is): "may kumakaLat na baLita sa barangay Longos daw mam. if im not mistaken kau po Brgy. Capt."

TIKTIK IS JUST A MYTH

Pero iginiit ni Angelika na walang katotohanan ang tiktik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tiktik ay isa sa mga sikat na mythical creature sa Philippine folklore na ang hitsura ay kahalating tao at kalahating ibon.

Sa horror films, karaniwang lumalabas ang tiktik sa gabi upang manginain ng laman ng tao.

Sabi ni Angelika, "Pag Kapitana ka lahat ng uri ng tao makaka salamuha mo at lahat ng reklamo maririnig mo."

Hindi raw napigilan ng Kapuso actress na matawa sa kakaibang reklamong natanggap niya.

Kalakip ng laughing emojis, hirit ni Angelika, "ang sagot ko nlng sa kanya... kuya ghostbusters po ang kailangan sa ganyan... Goodmorning everyone."


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TOTAL LAUGH TRIP

Sa comments section, isa sa mga nag-react ay si Jessa Zaragoza na nag-iwan ng emoji na napatapik ng noo.

Sabi naman ni Angelika, "ang cute nila diba? in fairness napasaya niya ako."

May iba ring kakilala si Angelika ang nagtanong kung "legit" na reklamo iyon ng residente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ulit ng aktres, "yes natawa nga ako ng bongga."

Napatawa rin ni Angelika ang kanyang followers sa hirit niyang "ghostbuster" ang katapat ng umano'y gumagalang tiktik.

Ang ghostbusters ay sikat na fictional characters sa supernatural comedy film noong 1984 at 1989.

Nagkaroon ito ng TV adaptation na cartoon series mula 1986 hanggang 1991.

Ipinalabas naman ang live action film na Ghostbusters noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barangay captain Angelika dela Cruz finds comic relief in letter of complaint from a resident worrying about a scary mythical creature roaming around Barangay Longos, Malabon City at night.
PHOTO/S: @angelikadelacruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results