Napukaw ang atensiyon ng netizens ng halos topless photo ni Nikki Co sa Instagram at Twitter kagabi, April 20.
Si Nikki, 26, ay miyembro ng One Up, isang defunct all-male group sa GMA-7.
Napanood din siya sa mga Kapuso prime-time series kabilang ang That's My Amboy at Meant To Be.
Nakasuot si Nikki ng body suit na bukas ang front zipper hanggang sa bandang baywang, kaya kita-kita ang dibdib at abs niya.
Tweet niya, "fitting my PPE."

Ang suot niyang body suit o personal protective equipment (PPE) ay karaniwang ginagamit ng frontliners—o health workers na sumusugpo sa COVID-19.
May ibang humanga sa magandang pangangatawan ni Nikki.
NETIZENS CALL NIKKI "INSENSITIVE"
Pero mayroon ding netizens na tinawag na "insensitive" at "thirst trap" ang litrato ni Nikki.
Ang thirst trap ay tumutukoy sa mga selfie o litrato na layuning makapang-akit o makakuha ng atensiyon sa social media.
Ayon sa netizens, hindi raw tama na gamitin ang PPE sa walang kakuwenta-kuwentang bagay.
Hindi raw kaila na maraming doctors at nurses ang nahahawa ng COVID-19; at ang iba pa ay namamatay, dahil sa kakulangan ng sapat na protective gear.


NIKKI SAYS SORRY
Pormal na humingi ng dispensa si Nikki nitong hapon ng Lunes, April 20.
Sa kanyang Twitter account, pahayag ng binata, "It was never my intention to affect you people negatively.
"Sorry kung yun yung naparating ng post ko."
Ipinaliwanag din ni Nikki na totoong ginagamit niya ang suot na PPE kapag pumupunta siya ng ospital.
Sinasamahan daw kasi ni Nikki ang ina niya sa regular check-ups nito.
"Also, i need the PPE too: to protect myself and di mahawa pag pumupunta kami ng hospital for regular check ups ng mom ko.
"Again, sorry for showing insensitivity. God bless."

Binura na rin ni Nikki sa kanyang social media accounts ang pictures niya suot ang PPE.

