PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang wants to personally complain to Mark Zuckerberg over fake Facebook accounts

Pokwang: "Sabihin ko sa kanya mga ideas ko para matigil na pang gagamit sa mga kilalang indibidual."
by Bernie V. Franco
Published Apr 20, 2020
Pokwang fumes at netizens making fake accounts to cash in on popularity of celebrities: “Kawawa kming mga nagagamit para magka PERA sila lalo na mga anak namin na walang malay,"
PHOTO/S: @pornstar_roviel on Instagram

Gustong maaksiyunan ni Pokwang, 49, ang panggagantso ng ibang netizens sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang identity o pagkatao para kumita sa ilegal na paraan.

Gusto raw niyang makausap mismo si Mark Zuckerberg, ang co-founder at chairman ng social media platform na Facebook, para idulog ang kanyang hinaing.

Sabi ni Pokwang sa tweet niya ngayong Lunes, April 20:

“Kahit magdugo ilong ko gusto ko makausap ang May ari ng @Facebook na si mr @MarkZuc21770276 at sabihin ko sa kanya mga ideas ko para matigil na pang gagamit sa mga kilalang indibidual!”

Nagsimula ang isyu nang mag-post si Pokwang nitong weekend tungkol sa isang fake Facebook account na ginamit daw ang kanyang identity.

Ginamit ding larawan ng account ang family picture ng komedyana.

Halatang galit si Pokwang lalo pa’t ang naturang fake account ay mayroon nang higit sa kalahating milyong followers.

Caption ni Pokwang: “ALERT!!! Hindi po ako ito paki report NYO Lang po kasi pinagkakaperahan nya ang pamilya ko grabe sya!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“nananawagan po ako sa lahat ng nag follow sa Pokwang FB page paki unfollow at paki report kasi hindi po ako yan impostor!!”

FAKE ACCOUNT

Sa kanya namang Twitter account, naglabas ng hinaing si Pokwang laban sa Facebook.

Pinapayagan daw kasi nito ang pagkalat ng mga pekeng account, at biktima ang mga kilalang personalidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ng Kapamilya comedienne (published as is): “tanong, pwede ba idemanda ng isang kilalang indibidual kagaya halimbawa ng artista ang pamumuan ng Facebook dahil sa mga fake accnt na ginagamit ang name nila at tumatanggap ng Adsense mula sa FB?

“dba dapat I confirm muna ng FB kung ikaw nga iyon or impostor?

“tanong Lang nman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Google AdSense ay nagsisilbing matchmaker sa pagitan ng advertiser at publisher o yung may-ari ng account sa social media.

Halimbawa, kung ang publisher ay naglalabas ng mga content tungkol sa makeup, sa account na ito ilalabas ng AdSense ang patalastas ng isang makeup brand (advertiser).

Bilang kapalit, babayaran ng advertiser ang publisher.

Himutok ni Pokwang, pinagkakakitaan silang public figures ng mga netizen gamit ang kanilang identity.

Pati raw ang kanyang musmos na anak ay nadadamay.

Reklamo ni Pokwang (published as is): “kawawa kming mga nagagamit paramagka PERA sila lalo na mga anak namin na walang malay, mga videos na ninanakaw nila samin mga artista, binabayaran nmin ang bawat videos tpos sila ni singkong duling walang ginastos atnagkakapera pa!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Pokwang, kasama ang kanyang asawang si Lee O' Brian, ay may YouTube account at nagpoprodyus ng cooking videos.

May netizen na sumagot kay Pokwang, at sinabi nitong hindi kontrolado ng Facebook ang sinumang gumagawa ng account.

Katuwiran naman ni Pokwang, ang mga kilalang personalidad na kagaya niya ay madaling ma-contact para ma-verify.

Tweet niya: “pero kasi kpag kilala ang tao na ginagamit ang name madali na sya hanapin pata sulatan ng pamunuan ng FB kung talagang sya nga iyon o hindi?

"kesa nagbabayad sila ng Adsense sa fake na tao, edi parang kasabwat sila?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling tweet ni Pokwang tungkol dito: “Kahit magdugo ilong ko gusto ko makausap ang May ari ng @Facebook na si mr @MarkZuc21770276 at sabihin ko sa kanya mga ideas ko para matigil na pang gagamit sa mga kilalang indibidual! Hahahahhaa seryoso ako ha....”

FACEBOOK’S STAND ON TROLLS

Sa Troll Policy and Discussion Etiquette na nakapaloob sa guidelines ng Facebook, tinalakay rito ang mga pekeng account, gaya ng mga troll na nagpo-post para manggulo o naglalagay ng mga hindi kanais-nais na post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ginagawa raw ng Facebook ay hina-hide o dini-delete ang mga ganitong post.

“However, it is impossible for volunteer administrators to read everything posted and be here 24/7 as they do have a life," dugtong nito.

“As this page grows, it will become harder to do.”

Sinagot din ng Facebook ang isang netizen na nagrereklamo tungkol sa isang troll na account.

Sagot ng Facebook: “The best way to report content or people that don’t follow the Facebook Community Standards is by using the 'Report' link that appears near the content itself (whether it’s a photo, message, post or something else.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang fumes at netizens making fake accounts to cash in on popularity of celebrities: “Kawawa kming mga nagagamit para magka PERA sila lalo na mga anak namin na walang malay,"
PHOTO/S: @pornstar_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results