Sa kabila ng pananatili sa bahay dahil sa home quarantine, nag-aalala naman si Tom Rodriguez para sa kanyang pamilya sa Estados Unidos.
Isa kasing frontliner ang kapatid niyang babae bilang nurse.
Mas matindi ang pag-aalala ni Tom para sa kanyang pamilya na nasa Arizona at California sa Amerika.
Ang U.S. na kasi ang may pinakamaraming cases at deaths dulot ng COVID-19.
Sa interview kay Tom ni Nelson Canlas ng 24 Oras, "They've been staying at home ever since na I myself started quarantining here.
"Sila din for the most part, I tried to do that na, except I have a sister who's in the health care industry. So, she has to work kasi essential siya.
"My mom is with her, helping her take care of my nephew. Kasi hindi niya mayakap.
"She has to really take change clothes before she enters the house, sanitize..." saad pa ni Tom tungkol sa kanyang kapatid na nurse.
Ganito rin ang pag-iingat na ginagawa ni Tom sa kanilang tahanan.
Siya kasi ang in-charge sa pagtanggap ng delivery ng mga pagkain at iba pang essentials.
Sa gitna ng interview nila ni Nelson, nag-excuse muna siya para harapin ang dumating na delivery.
Ipinakitang nagsusuot muna si Tom ng face visor at may gloves nang suot bago humarap sa nagde-deliver.
Samantala, abala naman ngayon si Tom sa pagsuporta sa fund drive na sinimulan ng kanyang girlfriend na si Carla Abellana, ang Guhit Pantawid.
Mahusay ang kamay ni Tom sa pagguhit sa pamamagitan ng digital art.
Sa minimum donation na PHP500, makakakuha na ng digital portrait ang nag-donate mula kay Tom o sa ka-partner nilang si Gab Garcia ng Fluffi Comics.
Layunin ng fund drive na ito na matulungan ang mga driver, market vendors, at construction workers na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 crisis.
Sa ngayon, nakakalap na raw sila ng nasa PHP100,000.
Bukod sa paggawa ng commissioned portraits para sa mga tumugon sa Guhit Pantawid, tuloy pa rin ang paggawa nila ni Carla ng content para sa kanilang YouTube channel.
Ang pinaka-latest nga ay ang "Boyfriend does his Girlfriend's makeup challenge Glam Edition."
Pasado ba si Tom sa pagme-makeup niya kay Carla?
"Comment lang niya, kailangan isang kamay lang ang gamitin, because I tend to switch," sagot ni Tom.
"So pag kabilang side, I use my other hand. Kaya medyo yung eyeliner minsan, naaano. E, walang undo.
"Hindi katulad sa photoshop or sa digital art, may Control Z. Dun, wala," banggit pa ni Tom sa computer command sa photoshop para bumalik sa dati ang isang gawain kapag nagkamali.