Kinuyog ng Instagram followers ni Julia Barretto ang isang lalaking netizen na napakomento ng “yummy” sa latest selfie ng aktres.
Ang selfie ay ipinost ni Julia, 23, sa Instagram nitong Lunes, April 20.
Naka-focus sa picture ang OOTD (outfit of the day) ng young actress habang nasa loob ng bahay.
White shirt at gray jogger pants ang suot ni Julia, at may suot siyang gold necklace.
Caption ni Julia: “ootd and everyday”
Maraming Instagram followers ni Julia ang nakapansing wala siyang suot na bra.
Ang mga babaeng netizens, nagsabing gaya rin sila ng aktres na walang bra sa bahay ngayong may enforced quarantine.



Mas kumportable raw kasi talaga ito para sa mga babae.


JULIA IG FOLLOWERS RALLY BEHIND HER
Isa namang lalaking netizen ang napakomento sa selfie ni Julia: “Small but still soo yummy”
Tinuldukan ng lalaki ng dalawang face throwing a kiss emojis ang kanyang comment.

Hindi nag-react si Julia sa komento ng netizen.
Gayunman, mabilis ang naging reaksiyon ng iba pang Instagram followers ng aktres.
Nabastusan sila sa sinabi ng netizen, na tinawag nilang “baboy” at “manyak.”





Ang iba pa, sinabing dapat inirespeto ng lalaki si Julia, gaya ng pagrespeto sa mga kapamilyang babae.


Tutal ay parang anak na raw ng lalaki ang aktres, kung pagbabasehan ang agwat ng kanilang edad.

Hindi sinagot ng lalaki ang mga pamba-bash sa kanya.
FREE, CONFIDENT, AND SEXY JULIA
Sa nakalipas na mga buwan, confident nang magpa-sexy si Julia.
Sa katunayan, nang mag-celebrate ng kanyang 23rd birthday noong March 10, nagbahagi ang aktres sa Instagram ng kanyang topless photo.
Sa caption, binigyang-diin ni Julia na “FREE” na siyang gawin ang maraming bagay para sa kanyang sarili.
Post ni Julia: “In this chapter in my life, I am FREE.
“Free to speak. Free to act. Free to feel. Free to love.
“Because this time, I am choosing ME.”
At totoong malaya ngayong nakakapag-eksperimento ang aktres sa mga roles at projects na tinatanggap niya.
Sa katunayan, may intimate scenes siya kasama si Tony Labrusca sa iWant series niyang I Am U.
Napapanood ang I Am U sa iWant simula noong February 26.
Nakakagawa na rin ni Julia ng action scenes, gaya ng napanood sa pelikula niyang Block Z.
January 2020 ipinalabas ang Block Z, kung saan katambal ni Julia ang dating reel-and-real life partner niyang si Joshua Garcia.
