"Mamatay kayo sa inggit sa taba ko!"
Ito ang panabla ni Iwa Moto sa netizen na pinuna ang kanyang pangangatawan sa isang dance video.
Suot ang pambahay na T-shirt at shorts, sumayaw si Iwa ng "Banana Chacha" ng K-pop girl group na Momoland.
Kasama ni Iwa na masayang nagsasayaw ang anak nila ni Pampi Lacson.
Ibinahagi ni Iwa ang video sa kanyang Instagram noong April 20.
Sa comments section, isang netizen ang nag-iwan ng mensaheng "taba mo na iwa."
Hindi nagustuhan ni Iwa ang bitaw ng salita ng netizen.
"Yes i am fat. But is it really necessary to body shame me?" saad ni Iwa.
Patuloy niya, "Kesa taba ko ang pag diskitahan nyo.
"Find something productive to do rather than stalking someone else’s instagram."
"Nakikitingin ka nalang dami pang hanash. Hahaha."

Umapela rin si Iwa na tigilan na siya ng iba pang bashers.
"Utang na loob. Sa lahat ng troll dyan na walang magawa pls unfollow me. I really dont mind. Magiging masaya pa ako."

Kalakip ng litrato ng isang troll doll, patutsada pa ni Iwa: "Sa lahat ng troll. Eto kamukha niyo!!!"

HEALTH CONDITION
Sa sunud-sunod niyang Instagram Stories kahapon, April 21, seryosong ipinaliwanag ni Iwa na siya ay maituturing na "person with disability."
Mayroon daw siyang health condition na hindi niya kayang kontrolin ang kanyang emosyon.

Upang ma-correct ito, may reseta raw siya ng dalawang uri ng anti-depressants at dalawang uri ng mood stabilizers mula sa doktor.
Tila isang epekto raw sa kanya ng anti-depressants ay "weight gain."
Paliwanag ni Iwa (published as is): "I DIDN'T WANT TO POST ALL THIS PERO HONESTLY I GOT SO AFFECTED.
"I KNOW I SHOULDN'T BUT I DID.
"AND SADLY ONE OF MY ILLNESS IS THAT I CANNOT CONTROL MY FEELINGS. I WISH I COULD CONTROL IT BUT I CANT.
"AND I DONT WISH THIS TO HAPPEN EVEN SA MGA TAONG GALIT SAKIN BECAUSE IT IS REALLY HARD."

NO LONGER ACTIVE IN SHOWBIZ
Si Iwa ay itinanghal na First Princess sa StarStruck Season 3, ang reality show ng GMA-7 noong 2005.
Nakilala siya sa kanyang kontrabida roles sa Kapuso drama series tulad ng Marimar, Kung Mahawi Man ang Ulap (2007), Magdusa Ka (2008), at Luna Mystika (2008).
Tumigil na siya sa pag-aartista mula nang isilang niya ang anak nila ni Pampi noong 2013.
Si Pampi ay anak ni Senator Ping Lacson at estranged husband ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

