PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin on posh Taguig condo incident: “Wag po tayong privileged.”

Angel Locsin slams residents of high-end condo units in BGC for breaking rules.
by Bernie V. Franco
Published Apr 23, 2020
Angel Locsin reacts to news that residents of a high-end condo building allegedly broke enforced quarantine rules: “You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”
PHOTO/S: @lalaflores16 on Instagram (Angel)

Ang batas ay dapat sinusunod ng lahat. Walang mayaman, walang mahirap.

Ito ang mensahe ni Angel Locsin, 35, tungkol sa isyung sangkot ang ilang pulis at mga residente ng isang high-end condominium building sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Ayon sa mga lumabas na ulat, sinita ng mga pulis ang mga residente at unit owners na tumatambay sa common area ng Pacific Plaza Towers.

Diin ng Taguig government, lumabag ang mga residente sa utos na iwasan ang mass gathering ngayong ipinatutupad ang enforced quarantine dahil sa COVID-19 crisis.

Nagbanta naman ang pamunuan ng Pacific Plaza Towers na gagawa sila ng legal na hakbang laban sa apat na nakaunipormeng pulis na sumita sa mga residenteng naabutang tumatambay sa pool area.

Giit ng management, trespassing ang ginawa ng mga pulis at sinigawan pa umano ang mga residente.

Bilang tugon sa banta, idiniin ni Taguig Mayor Lino Cayetano na dapat sumusunod ang lahat sa mga ipinapatupad na enforced quarantine rules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL LOCSIN: “RULES ARE RULES.”

Panig si Angel sa mga pulis at sa Taguig government.

Miyerkules ng gabi, April 22, ipinost ni Angel ang screenshot ni Mayor Cayetano habang ini-interview sa isang news program hinggil sa isyu.

Sa mensahe ng Kapamilya actress, na nakatira sa BGC area, walang sinuman ang exempted sa mga alituntunin ngayong may enforced quarantine.

Aniya, kahit sino ay puwedeng tamaan ng virus anuman ang estado sa buhay, at posibleng maging dahilan pa ito para kumalat lalo ang virus.

“I live in BGC and I support the PNP and Mayor Cayetano,” bungad ni Angel sa kanyang Instagram post.

“Rules are rules.

“Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool porket may common area sa high end condo ninyo.”

Diin ni Angel: “Wag po tayong privileged.

“Wala pong diplomatic immunity ang virus.”

Pagsita pa niya: “You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STATEMENT OF PACIFIC PLAZA TOWERS

Kumalat sa social media ang video ng pagsita ng mga pulis sa dinatnang mga residenteng tumatambay sa pool area ng Pacific Plaza Towers.

Nangyari raw ang insidente noong Linggo, April 19.

Maririnig sa video ang pasigaw na pagsita ng isa sa mga pulis sa mga residenteng nasa may pool area.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inutusan ng pulis ang mga residente na pumasok sa kanilang mga unit at sundin ang alituntuning huwag gumamit ng common area.

Kinabukasan, April 20, naglabas ng statement ang pamunuan ng Pacific Plaza Towers.

Nagbanta itong gagawa ng legal action laban sa apat na pulis na pumasok sa compound "without some form or warrant or authorization, which would be trespassing."

Diin pa sa statement, ang 6-8 kataong nadatnan ay "all practicing social distancing, none of them using the pool facilities, and just walking or sitting away from each other.”

Kinilala rin ang nanigaw na pulis bilang si Major Joseph Austria.

Binanggit din sa statement na hindi raw ito naka-face mask.

Ang ginawa raw ng mga pulis "were extremely upsetting, clearly inappropriate, and possibly illegal."

MAYOR LINO CAYETANO DEFENDS POLICEMEN

Sa panayam naman ni Mayor Lino Cayetano sa ANC kahapon, ikinatwiran nitong ang batas na ipinatutupad sa naturang building ay ipinatutupad sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, kailangang tiyakin ng mga awtoridad na ipinatutupad ang enforced quarantine rules hindi lamang sa mga palengke at kalsada, kundi pati na rin sa mga high-end establishment.

“We've been receiving a lot of complaints about the use of common areas, yung iba bukas daw ang pool, bukas ang gym.

“Parte lang ng trabaho ko bilang chief executive is to implement community quarantine," paliwanag ng Taguig mayor.

Katwiran pa niya, apat hanggang limang building ang ininspeksiyon ng mga pulis noong araw na iyon.

Tiniyak naman ni Cayetano na iimbestigahan ang pangyayari kung bakit sumigaw ang pulis.

Depensa pa ng mayor, hindi ipinakita sa video na pangatlong beses nang pinuntahan ang naturang building dahil hindi umano sumusunod ang ibang residente sa enforced quarantine rules.

Umalma rin si Cayetano sa banta ng management ng Pacific Plaza Towers.

"That is something we're not accepting dahil nagsalita na ang PNP, ang NCRPO ang DILG—karapatan at obligasyon namin na siguraduhin na safe ang lahat ng buildings," mariing pahayag ng Taguig mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin reacts to news that residents of a high-end condo building allegedly broke enforced quarantine rules: “You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”
PHOTO/S: @lalaflores16 on Instagram (Angel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results