PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Frontliner na ama ni Baeby Baste, balik-trabaho matapos maka-recover sa COVID-19

Balik sa PNP Crime Lab ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol.
by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Published Apr 24, 2020
Baeby Baste with donations for frontliners (right). Baste with father Papa Sol and brother Samsam.
Kaliwa: Ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol, kasama sina Baste (nakadilaw) at Samsam (nasa likod ni Papa Sol). Kanan: Si Baste hawak ang mga nalikom na donasyon para sa frontliners.
PHOTO/S: @iambaebybaste instagram

Balik-trabaho na sa crime laboratory ng PNP (Philippine National Police) ang tatay ni Baeby Baste na si Papa Sol matapos na magpositibo sa COVID-19 kamakailan.

Video: GMA News.

Napagtagumpayan ni Papa Sol ang kinatatakutang sakit kaya labis ang pasasalamat ng pamilya ni Baste at lahat ng nakiisa sa pagdarasal para sa ama ng Eat Bulaga Dabarkid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula nang magkaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), isa ang ama ni Baeby Baste sa mga frontliner na pulis na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo.

Hindi nakakauwi si Papa Sol sa kanilang bahay, kaya sa video conference call daw nakakausap nina Baste ang ama.

Miss na miss na nga raw nina Baste at kapatid niyang si Samsam ang kanilang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Miss na miss na po namin si Papa," sabi ni Baste sa panayam sa kanya ni Cata Tibayan ng 24 Oras.

"Ako din miss na miss ko na din siya po," sabi naman ni Samsam.

"Pero si Papa, hindi pa maka-go home kasi isa siya sa frontliners at pulis. E, to serve and protect," patuloy ni Baste.

Habang naka-isolate at nagpapagaling si Papa Sol noon, nagsagawa ng donation drive sina Baste at kanyang Mommy Shiela para sa frontliners.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod dito, panay rin daw ang dasal ni Baste na matapos na ang krisis na dulot ng COVID-19.

"Please lang po, Lord, i-protect nyo po sila [frontliners], kasi po, sobrang-sobrang-sobrang dami pong naghihintay sa kanila."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaliwa: Ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol, kasama sina Baste (nakadilaw) at Samsam (nasa likod ni Papa Sol). Kanan: Si Baste hawak ang mga nalikom na donasyon para sa frontliners.
PHOTO/S: @iambaebybaste instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results