PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas's realization in this time of crisis: “Hindi porke’t marami kang pera, hindi ka mamamatay.”

Ai-Ai delas Alas reveals that she has also worries in this time of crisis.
by Bernie V. Franco
Published Apr 24, 2020
Kapuso star Ai-Ai delas Alas talks about her realizations about the COVID-19 pandemic. “Hindi naman natin alam na mangyayari ito."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / Facebook

Napag-isip-isip daw ni Ai-Ai delas Alas, ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, mas matimbang talaga ang pamilya kesa sa pera.

“Importante talaga yung family. Importante yung pagmamahalan,” pahayag ng 55-year-old Comedy Queen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong April 21.

“Kasi ngayon, wala namang pinipili yung COVID-19, e.

"Mayaman, mahirap mamamatay ka..."

Dahil wala pang nadidiskubreng bakuna kontra virus, puwedeng mahawa at manganib ang buhay ng kahit sino—anuman ang estado nito sa buhay.

Ayon kay Ai-Ai, “Kahit mayaman, mamamatay sa COVID-19.

“Hindi naman porke’t marami kang pera, hindi ka mamamatay, e.

"So, yun ang lesson sa akin.”

Nilinaw ni Ai-Ai na mahalaga ang pera sa tao, pero hindi ito ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay.

“Importante siyempre para mabuhay tayo, pero hindi talaga yun ang essence ng buhay mo.

“Wala namang nagawa yung yaman mo laban sa COVID, e.

“Ang daming mga mayayamang namatay."

Hindi raw garantiya na kapag may pera ang isang tao ay hindi ito tatamaan ng virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala pang gamot,” sabi pa ni Ai-Ai.

Paalala niya, “Siguro let’s be nice na lang to everyone.

“Always pray, and kumbaga mag-ano na lang tayo sa desisyon ni Lord.

“Please, sana huwag na tayong magpasaway at sumunod na lang tayo sa gobyerno.”

Dahil hindi pa rin nasusupil ang COVID-19 crisis sa bansa, inanunsiyo ng Palasyo na extended ang enforced community quarantine (ECQ) sa maraming bahagi ng Luzon hanggang May 15.

Ipatutupad pa rin ang ECQ sa National Capital Region (NCR), Region III, Region IV-A, at iba pang "high-risk" areas.

AI-AI ADMITS HAVING HER WORRIES

Pagpapakatotoo ni Ai-Ai, may mga pangamba rin naman siya ngayong panahon ng krisis.

“Hindi naman natin alam na mangyayari ito, pero kahit papa'no masaya, kumpleto naman kami dito sa bahay.

“Pero siyempre, struggling din…”

May mga ikinakatakot din si Ai-Ai.

“Ayoko namang magpaka-plastic, pero ang worry ko lang, baka may magkasakit sa amin na isa.

“Kasi yun ang worry ng lahat. Tapos baka magkahawahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yun lang naman.”

AI-AI HOPEFUL TO GET BACK TO WORK

Kumpiyansa naman si Ai-Ai na pagkatapos ng krisis, magtutuloy-tuloy pa rin ang kanyang showbiz career.

Nabanggit nga niyang kaka-renew lang ng kanyang kontrata sa GMA Network.

Sa katunayan nga raw, magti-taping na sana siya noong Marso, pero inabot na ng ECQ.

Pero masaya siyang may naghihintay sa kanyang trabaho.

“After naman nito, meron akong work... kasi, unang-una, kakapirma ko pa lang.

“Meron pa akong pa-surprise sa pagbabalik ng normal natin.

“May mga ganoon kaya okay naman ako, parang tuluy-tuloy pa rin ang career ko kasi bagong pirma lang ako sa GMA.

“Dapat magti-taping na ako ng March.

“Hindi natuloy kasi nga nag-total lockdown nga tayo.

“Hindi ko alam kung kelan ulit ako magti-taping, but hoping pa rin ako for the best.

“Tsaka sana lahat, na matapos na sana, lahat tayo makabalik na sa normal.”

Kaugnay naman sa pagbabalik-normal ng lahat, may pakiusap si Ai-Ai sa publiko:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga pasaway, sana huwag na silang magpasaway para matapos na.

“Siyempre kasi lahat tayo gusto nating magtrabaho.

“Hindi naman tayo sanay na umaasa lang tayo sa gobyerno.

“And I think, the upper middle class, hindi rin naman nabibigyan [ng parehong ayuda].

"So, sana, yung mga nakakatanggap, huwag na silang magpasaway.

“Stay at home na lang [para] matapos na rin ito at bumalik na tayo sa normal.

"And tayong mga ibang nasa middle class, makapagtrabaho na at bumalik na sa normal.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Ai-Ai delas Alas talks about her realizations about the COVID-19 pandemic. “Hindi naman natin alam na mangyayari ito."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results