Subject of a death hoax, BB Gandanghari says of her family: "Wow, naibalita na akong patay, walang DM." 

by Rachelle Siazon
Apr 25, 2020
Despite death hoax saying she was found dead in her Los Angeles home, BB Gandanghari says her family has not bothered to give her a call. In a PEPTalk episode in 2015, BB (left) is flanked by brothers Robin and Rommel Padilla.
PHOTO/S: PEP File / @gandangharibb Instagram

Nagulat si BB Gandanghari sa kumalat na fake news na pumanaw na siya.

Lumitaw sa Facebook ang screenshot ng isang TV newscast na may lamang ganitong headline: "BB Gandang Hari o Rustom Padilla Natagpunag Patay Sa Kanyang Apartment."

Sa title pa lamang, mali na ang spelling ng Gandanghari, na naging Gandang Hari; at ang Natagpuan ay naging Natagpunag.

Hindi malinaw kung sadyang barubal lang kung maglatag ang gumawa. Ang malinaw ay peke ang buong screenshot.

May nakalagay na litrato ni BB at logo ng GMA News upang magmukhang legit na balita.

Kasama rin sa screenshot ang 24 Oras anchorwoman na si Vicki Morales.

At sa bandang ibaba ng screenshot, pinagmukha pang ibinalita ito sa website na cnnupdates.ml, na peke rin.

Continue reading below ↓

Sa Instagram feed ni BB, makikitang naalarma ang kanyang followers na nag-iwan ng comments para kumustahin ang lagay niya.

BB GOES ON INSTAGRAM LIVE

Lumabas si BB at nagsabing walang katotohanan ang balita.

Bago pumasok sa trabaho ng umaga ng April 24 (U.S. time), nag-Instagram Live ito habang sakay ng kotse.

Continue reading below ↓

Noong mga oras na iyon ay humigit-kumulang walong oras nang kumakalat ang fake news.

Siniguro ni BB sa publiko na maayos ang kundisyon niya.

Masayang pagbati ni BB sa netizens, "Yes, I am okay. I know you all got worried.

"I appreciate all the comments, yung mga nag-DM just to make sure I'm okay.

"Yes I'm okay... in the grace of our Lord."

STILL NO message OR CALL FROM FAMILY

Ang ikinamamangha raw ni BB ay ang kanyang pamilya, na wala man lang pangungumusta sa direct messaging sa Instagram, kung saan siya maaabot.

"What's really amazing—and I'm not saying this to spite anyone, honestly.

"But yun ang question sa mind ko: Aren't these the reasons why you call family abroad? To make sure..."

Pero tanging followers daw niya sa social media ang nagtanong kung nasa mabuti siyang kalagayan.

"Yun ang naapektuhan ako. Hindi ako nagdadrama, pero sinasabi ko, merong automatic effect yun, e.

Continue reading below ↓

"You would kinda think... Di ba mapapaisip ka... 'Wow, naibalita na akong patay, walang DM.'

"Paano nga? What if?"


FACING ALONENESS WITH PRAYER

Pero mas lalo raw niyang napagtanto na dedma ang mga ito sa existence niya.

Solong naninirahan si BB sa Los Angeles, California.

Prankang pahayag niya, "Kung may mangyari sa akin dito, walang makakaalam.

Continue reading below ↓

"Again, I'm not saying they have to care. This is coming from my perspective.

"Coming from a person na ang akala niya meron siyang pinanggalingan. Hindi ko na nga sinasabing pamilya, e. Pinanggalingan na lang."

Kalmado si BB habang inilalarawan ang kawalan umano ng pakialam ang kanyang mga kapatid.

"So, I don't know. That's why I'm praying. Kasi yun ang mas nakakasakit sa akin ngayon, truthfully.

"But looking at it—just to appease me honestly—baka they have a strong feeling na fake news that's why nobody even cared.

"Malungkot yun, kasi life and death na yun."

Dagdag niya, "Ang dami napapa-realize nitong mga negative na nangyayari na ito, at a point na everything is uncertain, at a point when everyone is insecure."

Malinaw na ang tinutukoy niyang insecurity ay ang killer virus na nagbibiktima ng kahit sino, anuman ang estado at posisyon sa lipunan.

BB'S PADILLA FAMILY

Si BB ay unang nakilala bilang Rustom Padilla, isang leading man sa pelikula.

Continue reading below ↓

Anak siya ng dating aktres na si Eva Cariño sa yumaong si Roy Padilla, dating vice governor ng Camarines Norte.

May tatlong kapatid si BB na pawang lalaki: Robin, Rommel, at Royette Padilla.

Umamin si BB sa national television na siya ay gay noong 2006.

Inaprubahan naman ng isang U.S. court ang identification niya bilang BB Gandanghari na may female gender noong November 2016.

Hindi malinaw kung bakit may alitan sila ng kanyang pamilya ngayon.

Noong January 2015 ay magkakasama pang mag-guest sa PEPTalk sina BB, Robin, at Rommel.

Ikinuwento pa ni Robin na noong Rustom pa si BB ay "matinding kalaban" niya ito sa chicks.

Continue reading below ↓

Nito na lang April 21, 2020 binanggit ni BB sa kanyang vlog ang sama ng loob niya sa pamilya.

Parang ipinararamdam daw sa kanyang siya ay "walang kuwentang tao."

Ni hindi raw siya kinukumusta kahit ngayong may COVID-19 pandemic sa buong mundo.

ASKING FOR PRAYERS FROM FOLLOWERS

Sa pagpapatuloy ng Instagram Live ni BB, hiniling niya sa kanyang followers na tulungan siyang magdasal.

"When I read it, just the headline alone, yung natagpuan akong patay sa apartment, parang oh my god!

"Natakot ako dun sa balita. Parang nakakapraning... May nag-iisip na para sa 'yo na ganun.

Kung minsan ay nag-aalala rin daw siya na posibleng may mangyari sa kanyang hindi maganda.

Pero may security cameras daw sa tinitirhan niya kaya napapanatag din siya.

"The truth of the matter is part of my fear is yun. Kahit kanino puwede mangyari iyon, e, especially sa taong nag-iisa.

"But you know, all these things, you make me pray hard. Diyos ko tulungan mo ako.

Continue reading below ↓

"So, please pray for me also."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite death hoax saying she was found dead in her Los Angeles home, BB Gandanghari says her family has not bothered to give her a call. In a PEPTalk episode in 2015, BB (left) is flanked by brothers Robin and Rommel Padilla.
PHOTO/S: PEP File / @gandangharibb Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results