Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bea Alonzo teases John Lloyd Cruz about Sarah Geronimo being his “great love”

by Bernie V. Franco
Apr 28, 2020
In an Instagram Live this Monday, August 27, Bea Alonzo (left) teases John Lloyd (center) about Sarah Geronimo (right) being his "GL."
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / @vhiongX44 Instagram / Juan Sarte

Hindi nakalusot sa mga netizens ang biro ni Bea Alonzo, 32, kay John Lloyd Cruz, 36, na si Sarah Geronimo, 31, ang kanyang “GL” o great love.

Trending ngayon sina John Lloyd at Bea dahil sa pag-uusap ng magka-love team sa Instagram Live ng aktres, Lunes ng gabi, April 27.

Nakapukaw sa atensiyon ng ibang netizens ang bahagi kung saan saglit na napasok sa usapan nila si Sarah.

BEA quips ABOUT SARAH BEING JOHN LLOYD’S “GREAT LOVE”

Sa diskusyon nina John Lloyd at Bea, napag-usapan ng dalawa ang 18 years na pagiging magkatrabaho at magkaibigan nila.

Binalikan nila ang kauna-unahang teleserye na kanilang pinagsamahan—ang Kay Tagal Kang Hinintay noong 2002.

Nang mga panahong iyon, 13-anyos pa lang si Bea at 19-anyos naman si John Lloyd.

Sa puntong iyon ng kanilang pagbabalik-tanaw, nagpalitan ang dalawa ng memorable lines mula sa kanilang pinagsamahang acting projects.

Nauna si John Lloyd na nagbitaw ng linya mula sa role niya bilang Yuri sa Kay Tagal Kang Hinintay.

Continue reading below ↓

Sinagot naman ito ni Bea ng linya bilang Katrina sa naturang Kapamilya teleserye.

Isinunod ni Bea ang linya niya bilang Basha mula sa 2007 blockbuster movie nila ni John Lloyd na One More Chance.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nag-recite din ng linya ang aktor mula sa parehong pelikula, kung saan gumanap siya bilang si Popoy.

Continue reading below ↓

Biglang nagsingit si John Lloyd ng ganitong linya: “I don’t get jealous, I’ve never been jealous. Ngayon lang…”

Paglilinaw ni Bea: “Taray! Hindi ako kasama diyan. Ibang pelikula 'yan. Nakakabuwisit. Hindi ako yun.”

Linya ito ni John Lloyd sa pelikulang A Very Special Love (2008), kung saan si Sarah ang kapareha niya.

Hirit ni John Lloyd kay Bea: “Why? Are you jealous?"

Malutong na tawa ang isinagot ni Bea.

At saka niya hiniritan si John Lloyd: “Hindi, 'no. Wala akong laban dun, GL yun, e. [Anong] laban ko dun?”

Ang "GL" ay millennial term bilang pagtukoy sa “great love.”

Napahalakhak si Bea, habang ngiting-ngiti si John Lloyd at napapailing sa hirit ng aktres.

“Hayop…” komento ni John Lloyd, na tila na-conscious.

At saka siya luminya para ilihis ang usapan.

NETIZENS REACT

Pero ang ilang segundong asarang ito sa halos 35-minute virtual conversation nina John Lloyd at Bea ay nahagip ng ibang netizens.

Continue reading below ↓

Sa Twitter, may mga nagkomento tungkol sa tila pambibisto ni Bea kay John Lloyd na “great love” nito si Sarah, na ngayon ay si Mrs. Matteo Guidicelli na.

Narito ang ilan sa commets ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD-SARAH ROMANCE THAT COULD HAVE BEEN

Dahil sa tagumpay ng tambalan nina John Lloyd at Sarah sa A Very Special Love, nasundan ito ng sequel—ang You Changed My Life (2009), na naging big hit din.

Nakatakda sana silang magtambal sa third sequel noong 2010, pero hindi ito natuloy.

Na-disappoint ang kanilang fans.

Sa March 2011 issue ng YES! Magazine, tinalakay ang usap-usapang may pagtatangi si John Lloyd kay Sarah.

Sa report, binanggit na si Sarah mismo ang umayaw na gumawa pa sila ni John Lloyd ng pangatlong pelikula.

Dahilan ni Sarah, nais niyang mag-focus sa paggawa ng ibang proyekto at mag-grow bilang artist.

Umugong naman ang usap-usapang natunugan umano ng ina ni Sarah, na si Divine Geronimo o Mommy Divine, na may pagtingin si John Lloyd sa anak.

Sinasabing may kinalaman ito kaya’t hindi natuloy ang pagsasama nina Sarah at John Lloyd sa pelikula sa ikatlong pagkakataon.

May reputasyon si Mommy Divine ng pagiging overprotective kay Sarah, lalo na sa mga lalaking umaaligid sa anak.

Continue reading below ↓

Sarah Geronimo pink dress
john lloyd cruz smile

Sa March 2011 issue rin ng YES!, nagbigay ng pahayag si John Lloyd tungkol sa hindi natuloy na third installment ng pelikula nila ni Sarah.

“Hindi ko alam kung personal decision kasi at that time halos hindi na naman kami nakakapag-usap no’n, e," anang aktor sa YES!

"Siguro at that time naisip nila that was the pinaka-best for her career. Wala kang magawa but to respect that.”

Continue reading below ↓

Sa June 2010 issue naman ng YES!, kung saan naging cover si John Lloyd, natanong siya kung bakit hindi niya niligawan si Sarah.

Ayon sa aktor, kung sa tingin niya ay hindi uubra ang panliligaw sa isang babae, hindi na niya ito itutuloy.

Paliwanag noon ng aktor: “It really depends, like, right now if you ask me personally, I would tell you parang bago ako pumasok sa isang bagay, like, pursuing a woman or a girl, andami mo nang kino-consider, di ba? Like kung paano ka naa-attract.

“I could be attracted to someone pero pag feeling ko it’s not gonna work, it’s not gonna happen, paano ko pa ipe-pursue?

"I’m not sure kung pagiging practical ’yong tamang term, di ba?

“Ang pino-point out ko, kung hindi naman puwede ’yong tao, ba’t mo ipipilit? Nakuha mo?”

Pagdating ng 2013, natuloy rin ang third installment ng kanilang pelikula—ang It Takes A Man And Woman.

Continue reading below ↓

Gaya ng inaasahan, naging big hit din ito.

Noong mga panahong iyon, committed si John Lloyd kay Angelica Panganiban at single naman si Sarah.

Pero pagsapit ng September ng parehong taon, naging magkarelasyon na sina Sarah at Matteo.

March 2016 nang kumpirmahin ni John Lloyd na break na sila ni Angelica.

Pero pagpasok pa lang na 2016, maugong na ang balitang hiwalay na sila matapos ang apat na taong pagsasama.

Pagsapit naman ng 2017, gumawa uli ng pelikula sina John Lloyd at Sarah—ang Finally Found Someone.

Apat na taon nang magkarelasyon noon sina Sarah at Matteo, habang maingay na ang pagkaka-link ni John Lloyd kay Ellen Adarna.

Sa press conference ng Finally Found Someone noong July 2017, sinagot ni John Lloyd ang tanong kung bakit hindi niya niligawan si Sarah.

Sarah Geronimo white
sarah geronimo smile
john lloyd cruz black t shirt
john lloyd cruz interview

Continue reading below ↓

Ani John Lloyd: “Parang for the past ten years, ten years daw...

“The past four films, kasama ‘to [Finally Found Someone], parang it has always been like that. Ganun na kami nag-adapt sa aming mga buhay.

“There’s beauty in distance.

“Siguro… Puwede kong sabihin yun, at pwede kong sabihin na it just didn’t happen.

“The timing…

“Siguro yung choices namin individually.

"Madaming puwedeng dahilan.”

August 2019, napaulat ang paghihiwalay nina John Lloyd at Ellen Adarna pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

February 20, 2020, ikinasal sina Sarah at Matteo pagkatapos ng higit sa anim na taong relasyon bilang magkasintahan.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram Live this Monday, August 27, Bea Alonzo (left) teases John Lloyd (center) about Sarah Geronimo (right) being his "GL."
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / @vhiongX44 Instagram / Juan Sarte
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results