PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Makati cop files complaint vs expat in Dasma scuffle

Bureau of Immigration warns: "Aliens who disregard the law may face deportation.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 28, 2020
Spanish national Javier Parra Salvador is facing multiple charges filed by Police Master Sergeant Roland Madrona at the Makati Prosecutor's Office today, April 28.
PHOTO/S: Screenshot from Facebook

Pormal nang naghain ng patung-patong na reklamo si Police Master Sergeant Roland Madrona laban sa nakaengkuwentro nitong dayuhan sa Dasmariñas Village, Makati City, noong Linggo, April 26.

Isinampa ni Madrona ang kanyang reklamo laban kay Javier Parra Salvador sa Makati Prosecutor’s Office ngayong Martes, March 28.

Kabilang sa mga reklamong kinakaharap ni Salvador, isang Spanish national, ay resistance and disobedience to a person in authority.

Nahaharap din ang Dasma resident sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at sa Makati City Ordinance 2000-089 dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask.

Maliban dito, sinampahan din ito ng reklamong unjust vexation at direct assault.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng GMA News kay Makati City Police Chief Colonel Rogelio Simon ngayong araw, sinabi nitong ang paghahain ni Sgt. Madrona ng reklamo laban kay Salvador ay isang babala sa lahat ng "abusadong foreigners."

Pahayag niya, “Hindi puwedeng binabastos ang mga pulis nang ganun-ganun lang.

"Sa ibang bansa, pag sinagot mo lang ang pulis ay posas na ang kasunod.

"This is a warning to all abusadong foreigners.”

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang kanilang opisina sa Bureau of Immigration (BI) tungkol sa pangyayari.

THE APRIL 26 INCIDENT

Nagkaroon ng komosyon sa pagitan nina Madrona at Salvador dahil sa pagsita ng pulis sa kasambahay ng residente na nagdidilig ng halaman nang walang suot na face mask.

May ordinansa ang siyudad ng Makati na kailangang magsuot ng face mask sa labas ng bahay at pampublikong lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas ng bahay si Salvador at kinumpronta si Madrona at ang kasama nitong Bantay Bayan personnel.

Sinigawan at pinagmumura ni Salvador ang dalawang law enforcers, na pinaaalis din niya dahil nasa private property raw niya ang mga ito.

Dahil sa pagmumura sa kanila ng dayuhan, nagdesisyon ang pulis na arestuhin ito.

Sinunggaban ni Madrona si Salvador para sana arestuhin.

Pero pinakawalan din ng pulis ang dayuhan matapos paulit-ulit na sinabi ng asawa ng huli na hindi dapat arestuhin si Salvador.

Nang natapos ang engkuwentro nila, nag-file ng blotter report si Madrona tungkol sa insidente.

Ipinagtanggol naman ng barangay captain ng Dasmariñas Village na si Rossana Hwang si Madrona, pati na ang Bantay Bayan personnel nilang si Esteban Gaan.

Pinaiimbestigahan din ng pamunuan ng Philipine National Police (PNP) ang insidente.

REGIONAL INTERNAL SERVICE AFFAIRS (RIAS) PROBE

Ayon naman kay Police Major General Debold Sinas, ang chief ng National Capital Region Police Office, sinimulan na ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Layon nitong mapaunlad pa ang mga police operations sa mga susunod nilang pagkilos.

Saad ni Sinas sa panayam ng GMA News, “Ongoing po yung investigation ng RIAS namin... just check ano yung pagkukulang ng pulis para ma-i-correct po natin..."

Malalaman din daw sa resulta ng gagawing imbestigasyon kung pati si Madrona ay mapapatawan ng parusa.

“It's the RIAS that will do the administrative sanction,” sabi ni Sinas.

BI: FOLLOW ECQ RULES, FOREIGNERS TOLD

Nagbabala naman ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang lalabag sa enhanced community quarantine rules habang nandito sila sa Pilipinas.

Sa inilabas nilang pahayag ngayong araw, sinabi ni BI Commisioner Jaime Morente na ang hindi pagsunod ng mga dayuhan sa quarantine rules ay maaaring maging mitsa ng kanilang pagkaaresto at deportation.

Nakalagay sa statement: “The ECQ guidelines were placed to promote public health and safety among members of the society.

"That means everyone, including foreign nationals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Aliens who disregard the law may face deportation.”

Dagdag pa ni Morente, nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act Section 6 na ang mga dayuhang lalabag dito ay mapaparusahan at mapapalayas sa bansa.

Ikinadismaya raw ni Morente ang nangyari sa Makati noong Linggo, at tiniyak niya sa publiko na ang mga dayuhang susuway ay maparusahan.

Banta ng Immigration commissioner, “This is not just about the utter disrespect towards our laws.

"It is more importantly about putting everybody else’s health at risk.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OVERSTAYING ALIEN

Ayon naman kay Makati Mayor Abby Binay sa panayam ng DZMM ngayong hapon, “overstaying” na si Salvador sa Pilipinas.

Sabi ng alkalde, "Based po dun ha, sa initial report sa Immigration, because he arrived February 15, and he only has 30 days lang ho, yung nakalagay na puwede lang siya dito sa bansa."

Dapat daw hanggang March 15 lang si Salvador sa bansa.

Hindi naman sigurado si Mayor Binay kung ano ang hawak na visa ng dayuhan, at dahil sa ECQ mahihirapan ding magbiyahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEREK RAMSAY REACTS ANEW

Muli namang nag-react ang aktor na si Derek Ramsay sa development ng balitang ito.

Isa si Derek sa labis na nagalit sa pambabastos na ginawa ng dayuhan kahapon sa uniformed frontliner.

Sa kanyang post sa Facebook ngayong araw, tanging "Hay nako" ang nasabi ng Kapuso actor sa balitang overstaying na si Salvador sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spanish national Javier Parra Salvador is facing multiple charges filed by Police Master Sergeant Roland Madrona at the Makati Prosecutor's Office today, April 28.
PHOTO/S: Screenshot from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results