Iniyakan ni Heart Evangelista ang pagkamatay ng kanyang huling foster puppy.
Ang tuta ay pinangalanan ni Heart ng Linda.
April 21 nang pumanaw si Linda, isang Aspin o asong Pinoy
Nang araw na iyon, ipinost ni Heart sa kanyang Instagram Stories ang tungkol sa pagpanaw ng tuta.
Kalilipat lang noon ni Linda sa foster care ng 35-year-old actress-fashion icon.
May sakit ang tuta bago pa man ito kupkupin ni Heart.
Mababasa sa post ng aktres na halos maghapon niyang nakapiling si Linda bago niya ito dinala sa veterinarian.
Nais daw sanang ampunin ng aktres si Linda.
Sa unang pagkakataon daw kasi, “I felt a spark with my foster pup.”
Kinausap na nga rin daw ni Heart ang isa pa niyang pet dog, si Panda, tungkol sa plano niyang tuluyan nang kupkupin si Linda.
HEART HAS BEEN FOSTERING ANIMALS FOR 22 YEARS NOW
Sa isa pang litrato sa Stories ng aktres, sinabi niyang ito ang unang beses na namatayan siya ng foster animal.
Thirteen years old pa lang daw si Heart nang sinimulan niya ang foster caring sa mga shelter animals.
Post ni Heart: “I’ve had cases of unhealthy dogs but they always seemed to survive.
“Never lost a pup.”
Ayon kay Heart, may paniwala ang ama niyang si Rey Ongpauco na si Linda "was sent to save a loved one."
Pero dinamdam daw talaga ng aktres ang pagkamatay ng tuta dahil “I knew she was going to end up with us.”
HEART CRIES FOR LINDA
Ibinahagi rin ni Heart ang malungkot na balita sa kanyang latest vlog nitong Martes, April 28.
Ang vlog ay part two ng “Stay at Home: Lockdown Diaries” ng aktres.
Sa isang bahagi ng video, makikitang umiiyak si Heart habang ibinabalita ang tungkol sa pagpanaw ni Linda.
Bungad ng aktres: “So today I woke up with really, really bad news.
“The puppy, Linda, that I'm fostering died.
“I was only with her for half a day but I've never been so attached to a foster.”
Sinabi ni Heart na kahit maraming beses na siyang nag-foster ng hayop, “special” daw si Linda para sa kanya.
Ayon sa aktres, namatay si Linda dahil sa mga kumplikasyon ng sakit nito.
“I usually foster a lot but this one was extra special and I actually thought of keeping her, but she died.
“She had complications.”
“FOSTERING IS REALLY HARD”
Bibihirang pagkakataon na makikita ng publiko na umiiyak si Heart.
Pero gusto raw niyang ipaunawa sa lahat ang mga hirap na nararanasan ng mga pansamantalang nagkukupkop ng shelter animals.
“I don't really do this, I don't really share moments when I'm so freakin' ugly and I'm just so sad.
“I tried to stay very positive with my vlogs all the time but I just want to say that fostering is really hard.”
Sa kabila nito, patuloy raw na susuportahan ni Heart ang pansamantalang pagkupkop sa mga hayop.
“Despite the heartaches, I do still very much support the idea of fostering.
“It's just very, very hard because she was really such an angel,” ani Heart.
Ayon sa aktres, pakonsuwelo na lang daw para sa kanyang naipadama niya kay Linda ang pagmamahal sa mga huling oras nito.
“But you know, when I look back, I'm glad that even if I was with her for half a day, I was able to make her feel very loved.”
Karaniwang sumasailalim sa foster care ang mga rescued o shelter animals.
Pansamantala silang aalagaan ng kanilang foster families sa loob ng anim na buwan.
Foster caring ang alternatibo ng ilang indibiduwal o pamilya na hindi handa o walang kakayahang mag-adopt ng hayop.
Si Heart ay isang pet adoption advocate at kilalang animal lover.
Siya ang celebrity spokesperson ng animal rights organization na Philippine Animal Welfare Society (PAWS).
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)