Inusisa ng veteran singer na si Pilita Corrales, 80, ang apong si Janine Gutierrez, 30, kung ang boyfriend nitong si Rayver Cruz, 30, na ang “the one” para sa kanya.
Tawa ang tanging isinagot ni Janine sa tanong ng kanyang lola.
Pagkatapos ay tinanong ni Janine ang Asia’s Queen of Songs kung gusto ba niya si Rayver.
Ipinost ni Janine sa kanyang YouTube account ang question-and-answer video niya kasama si Pilita nitong Linggo, April 26.
May titulo itong "Ask Mamita Anything! A Q&A With Pilita Corrales"
Sampung katanungan ang ibinato ni Janine kay Pilita.
Isa sa mga itinanong ng aktres ay kung ano ang payo nito sa mga NBSB o “no boyfriend since birth"?
Sagot ni Pilita: “They will come. Maybe for a long time you don’t have a boyfriend, and suddenly you meet someone, and you know he’s the one.”
Pagkatapos nito ay hinarap ni Pilita si Janine at inusisa: “Is that Rayver for you?”
Ngumiti lang si Janine, at isinunod ang follow-up question sa lola.
“Do you like Rayver?” tanong ng Kapuso actress.
“Yes, I do. I like Rayver very much,” sagot agad ni Pilita.
Inisa-isa ng veteran singer ang mga nagustuhan niya sa aktor.
“I also met the brother because I knew…
"Even before the mother died, which I don’t think I ever met the mother, but I know that they’re a very close-knit family."
Pumanaw ang ina nina Rayver at Rodjun na si Beth Cruz noong February 1, 2020, dahil sa pancreatic cancer.
Patuloy ni Pilita tungkol kay Rayver: “They’re Catholics, they go to church every Sunday, and things like that, so I liked him right away.
“But very respectful.”
Natuwa naman si Janine sa sinabi ng kanyang lola, kaya napa-thumbs up ito at nasambit ang mga katagang “Good job, Rayv.”
Ibinahagi rin ni Pilita ang kuwentuhan nila ni Rayver bago nasungkit ng binata ang matamis na "oo" ni Janine.
“He was telling me, ‘Mamita, finally! I think she’s gonna say yes to me now.'
“He’s very nice, very talented. He sings, he’s such a wonderful dancer.”
Sabi pa ni Pilita kay Janine, “And I think you make a nice pair together, you and Rayver.”

JANINE, THE FAVORITE APO
Tinanong din ni Janine ang kanyang Mamita kung sino ang pinakapaborito nitong apo.
Sagot ni Pilita, “You’re all my favorite, but right now, the little one…”
Binanggit ni Janine ang pangalang “Baby Jenny.”
Dugtong ni Pilita, “Because she’s still a little baby.”
Hindi tinukoy kung kanino apo ni Pilita si Baby Jenny.
Pero may tatlong apo si Pilita sa anak nitong si Jackie Lou Blanco—sina Arabella, Rikki Mae, at Kenneth.
Mga anak ito ni Jackie Lou sa aktor na si Ricky Davao.
Apat naman ang apo ni Pilita sa anak nitong lalaki, ang aktor na si Ramon Christopher—sina Janine, Maxine, Jessica, at Diego.
Sila ay mga anak ni Ramon Christopher sa dating asawang si Lotlot de Leon.
“But, of course, Janine… when she was growing up, they were all smaller pa,” pagtukoy ni Pilita sa mga nakababatang kapatid ng aktres.
“Imagine, she [Janine] even went on stage.
"So I knew already that she was going to be either in show business, marry a rich, a very rich [guy]…”
Ibinuking din ni Pilita na ayaw ni Janine pasukin ang showbiz noong una.
“She never wanted to be in showbiz, ‘I don’t want to be in showbiz.’
"And then, suddenly, one day, [she said] ‘I will just try.’
“When she tried, [she] didn’t want to leave anymore.
“Sometimes until you’re there... Just try.”
Taong 2012 nang pasukin ni Janine ang pag-aartista.
JANINE AND PILITA ON GOOD TERMS
Samantala, ang video na ipinost ni Janine ay pruweba na maayos ang relasyon nila ng kanyang Mamita.
Nito lamang Pebrero, napaulat ang pagtu-tweet ni Janine ng "Oh no" nang lumabas ang balitang magbabalik-telebisyon si Senator Bong Revilla.
Ang dalawang katagang ito ni Janine ay sapat na para matukoy ang kanyang sentimyento sa napipintong showbiz comeback ng senador matapos ma-acquit sa plunder charges noong 2018.
Nagkataon namang pareho ang kinabibilangang network nina Janine at Bong—ang GMA-7.
Pinag-usapan ng netizens ang simpleng tweet na ito ni Janine, na vocal sa pagpo-post ng kanyang political views.
Sa isang online show kung saan nag-guest si Pilita noong February 4, sinabi nitong pinagalitan niya si Janine dahil sa kanyang tweet.
Sinabihan umano niya ang apo na mali ang ginawa nito.
Lalong naging kumplikado ang isyu dahil nag-react ang ina ni Janine na si Lotlot kinabukasan, February 5.
Sa isang Facebook post, kinastigo ni Lotlot ang kanyang dating mother-in-law sa pahayag nitong pinagalitan niya si Janine dahil mali ang ginawa nito.
Bahagi ng post ni Lotlot (published as is): "Mabuti na lang marunong ako rumespeto sa ma tanda!!!
"Pero Minsan lang talaga may mga matanda na hindi ka resperespeto at walang pinagkatandaan!"
Hindi na sumagot si Pilita pagkatapos.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
