Matteo Guidicelli on married life with Sarah Geronimo: “The wife is always correct even though they’re not.”

by Bernie V. Franco
Apr 29, 2020
ashmatt toast
matteo guidicelli smile
Matteo Guidicelli on being married to Sarah Geronimo: “I’m in the beginning of my marriage, but it’s amazing to wake up, sleep beside the person you love the most. It’s amazing.”
PHOTO/S: @matteog on Instagram / Facebook (Sante Engage)

“Great. It’s amazing.”

Ganito inilarawan ni Matteo Guidicelli, 30, ang buhay may asawa nila ng misis niyang si Sarah Geronimo, 31.

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang ikasal ang actor-athlete sa Popstar Royalty.

Nangyari ang secret wedding nina Sarah at Matteo sa Victory Church sa Taguig City noong February 20, 2020.

Ayon kay Matteo, patuloy nilang kinikilala ang isa’t isa sa kanilang “extended honeymoon.”

Dahil sa enforced quarantine bunsod ng COVID-19 crisis, itinuturing ni Matteo na matagal-tagal na honeymoon ang pananatili nila sa bahay.

Lahad niya, “Being home, being with the family, ako, bagong kasal ako…

"Being with my wife, it’s also, in a way, a blessing in disguise, na we have an extended honeymoon, kumbaga.

“It’s a time we’re really locked in our place, and we’re getting to know more each other, every single day.

"That’s the interesting part.”

Ibinahagi ito ni Matteo sa special webinar, na sponsored ng health and wellness products na kanyang iniendorso, ngayong Miyerkules ng hapon, April 29.

Continue reading below ↓

Ang Kapamilya star ang resource person sa Facebook Live seminar, kung saan pinag-usapan ang pagkakaroon ng tamang attitude sa gitna ng nangyayaring krisis.

Kasama rito ni Matteo ang dalawang executives ng naturang brand, na nagtanong tungkol sa married life ng aktor.

matteo guidicelli mic

ADJUSTMENTS IN MARRIED LIFE

Kapansin-pansin ang magandang ngiti ni Matteo habang nagkukuwento tungkol sa kanyang buhay ngayon.

Continue reading below ↓

Kumusta ang adjustments sa buhay ngayong may asawa na siya?

“Great. It’s amazing. I recommend it to all my friends. Hahaha!” natatawa niyang sagot.

“I was talking to my other batchmates, ‘How’s married life?’ kumbaga."

Sagot naman daw ni Matteo sa kanila: “Bro, I think you should get married too, man.’

“I don’t know, maybe I’m just in my honeymoon stage.

“I’m in the beginning of my marriage, but it’s amazing to wake up, sleep beside the person you love the most.

“It’s amazing.”

Marami raw natututunan si Matteo sa pagsasama nila ni Sarah, at mas kinikilala rin nila ang isa’t isa.

“It’s a blessing and I found my partner, kumbaga.

“There’s so many things we could do together, and so many things we could achieve together.”

Maituturing ba niyang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay ang pagpapakasal?

“Of course! It also makes you learn about yourself so much more.

Continue reading below ↓

“You learn also about humility so much. You’re not always right.

"The wife is always correct even though they’re not. Hahahaha!” biro pa ni Matteo.

“On a serious note, you really learn how to balance, and how to just give in, and just how to agree, just to be patient, just these things…

"It’s a nice phase."

matteo sarah strangle
sarah geronimo engagement ring

Continue reading below ↓

MATTEO LEARNS TO REALLY READ THE BIBLE

Isa rin daw sa mga natutunan ni Matteo ngayong panahon ng health crisis ay ang pagbabasa ng Bibliya.

“I’ve been opening the Bible more often now, to be honest, to be very blunt, to be transparent,” natatawa niyang sabi.

“Dati kasi, sinasabi nila, ‘Basahin mo yung Bible, etcetera. You open and just read a page or so…’

“But now, it’s become part of the routine, kumbaga, to really open and read the word of God.

“So that’s one thing.

“I read more also different books etcetera, and I’m cooking more.

“There’s just so many things na nangyayari ngayon na dito lang tayo sa bahay.”

MATTEO ON IZA CALZADO

Habang nagkukuwento si Matteo kaugnay sa panganib ng COVID-19, nabanggit niya ang dalawang kaibigang dinapuan ng virus.

Isa rito ang aktres na si Iza Calzado, 37.

March 25, nag-post sa Instagram si Iza para ipaalam na naospital siya dahil sa pneumonia.

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng tatlong araw, March 28, kinumpirma ng kanyang manager na si Noel Ferrer na nagpositibo ang aktres sa COVID-19.

Ngunit makalipas lang ang dalawang araw, March 30, nagnegatibo na si Iza sa virus at pinayagan nang makauwi.

Pero dinamdam daw ni Matteo ang nangyari sa kaibigang aktres.

“When I found out that she was positive with COVID, I swear, my heart broke. I was in shock,” lahad niya.

“The closer it gets to home, parang the more real it gets, the more painful it gets.

“Sa umpisa lang, ‘Oh, may COVID. Okay, delikado.’

“Pero kapag lumalapit na, kilala mo na ang mga tao na naoospital, na nakakuha ng COVID, it hurts...

“With Iza, every other day or whatever, I was texting her, ‘Iza, how are you, ganito-ganito…’”

Sagot daw sa kanya ng aktres, “’Matt, I’m fighting, I’m fighting, etcetera.’

"Until the day she took the test again and yun, negative na siya, and she was able to go home.

Continue reading below ↓

“I mean, that's such a blessing.

"That shows there’s so much people out there with so much fighting spirit… to learn from.

“Never give up.

"Yes, you may be depressed, you may be sad, etcetera, etcetera, but there’s always a door there that you can open and can give you a brighter light for the future.”

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on being married to Sarah Geronimo: “I’m in the beginning of my marriage, but it’s amazing to wake up, sleep beside the person you love the most. It’s amazing.”
PHOTO/S: @matteog on Instagram / Facebook (Sante Engage)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results