BB Gandanghari feels neglected by brother Robin Padilla: "Inilalaglag ako sa ere."

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2020
BB Gandanghari on brother Robin Padilla: " Ito ang naparamdam niyo sa akin sa lockdown, 'No amount of lockdown can make us call you. You call us!'"
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube / @robinhoodpadilla Instagram

Hindi pa tapos si BB Gandanghari sa paglabas ng sama ng loob sa kawalan ng suporta ng kanyang pamilya.

Himutok ni BB, na solong naninirahan sa Los Angeles, California, ni hindi raw siya makuhang kumustahin ng mga kaanak.

Ito raw ay kahit pa kumalat noong April 25 ang walang katotohanan pero nag-trending na balitang pumanaw siya.

Si BB Gandanghari ang bagong legal na pangalan ni Rustom Padilla, na unang nakilala bilang aktor sa Philippine movies. Recognized ang pangalang BB at ang kanyang female gender ng American courts.

Sa Instagram live niya noong Martes ng gabi, April 28, muling nagsalita si BB tungkol sa mga hinaing sa pamilya.

NOT FOR THE SAKE OF DRAMA

Nanindigan si BB na hindi drama ang paglabas niya sa social media ng ganitong mga saloobin.

Pahayag niya, "Hindi ako nagsasalita dahil nagpapaawa ako.

"Ito talaga ang pinagdadaanan ko, that’s why I can’t stop talking about it.

"At ang pinagdadaanan ko ay may kinalaman talaga sa pamilya.

Continue reading below ↓

"Wala akong magagawa, so tamaan na kung sino ang tatamaan, di ba?

"Ano, mananahimik ako sa pinagdadaanan ko?

"E, ang problema ko talaga, pamilya."

Sana man lang daw ay tinulungan siyang klaruhin sa mga tao na hindi totoo ang balitang patay na siya.

Patuloy ni BB: "O, sige, huwag mo na akong tawagan, baka busy ka, sige na.

"Kanya-kanya tayo ng dalahin, pero alam niyo kung may nagpapanggap.

"O, sige, huwag mo na akong tawagan, huwag ka nang mangumusta. Huwag mo nang tanungin kung anong nangyari.

"Pero yung hindi niyo ba ako tulungan to also inform people na, 'Don’t worry, nakausap namin siya.' Walang ganoon.

"So, nalilito ako. Parang am I getting it wrong?"

BB ON ROBIN PADILLA

Sa puntong ito ay nabanggit ni BB, 52, ang nakababatang kapatid na si Robin Padilla, 50.

Ayon kay BB, wala raw pakialam si Robin sa kalagayan niya.

"Halimbawa, si Robin, kung may mangyari sa kanyang ganito, naging trending, I will go out of my way and say, 'Okay, [it’s a] hoax.'

Continue reading below ↓

"Pero hindi. Yun talaga ang ugali.

"Pinababayaan ako. Inilalaglag ako sa ere. Yun ang pakiramdam ko."

Sa oras ng kagipitan, tila wala raw siyang maaasahang pamilya.

Emosyonal na sabi pa ni BB: "Paano kung totoo?

"Ito ang naparamdam niyo sa akin sa lockdown, 'No amount of lockdown can make us call you. You call us!'

"Hindi ba biglang napaisip na, 'Oo nga, baka nangyari ito kay BB, tawagan na nga natin.' Mabuti na nga’t hindi nangyari.

"Wala rin ganoon."

Masakit daw ang realization niyang iyon.

"Okey ako, pero nagpapakatotoo ako sa pinagdaraanan ko.

"Na hindi lahat gimik... Hindi lahat for the sake of… Hindi ako nagpunta dito sa Amerika para pagtripan ng ganitong balita."

Dagdag niya, "Yun lang, yun ang mga dala-dala ko sa dibdib ko, aside from galít talaga ako sa balitang yun.

"Galít talaga ako kasi... basta galít ako. Walang explanation. Galít ako!"

BB WANTS MEME TAKEN DOWN

Naalarma rin si BB kung paanong kumalat sa social media ang death hoax sangkot siya.

Continue reading below ↓

Sabi ni BB: "Kung sinuman ang gumawa nun, aba’y nagtagumpay at my expense.

"At ganoon lang sa Facebook, ganoon lang?

"Kasi sa YouTube, mag-iingat ka, kasi meron talagang protocol.

"So sa Facebook, ganoon pala?"

Sana raw ay hindi na kumalat sa Facebook ang malisyosong balita.

"This is death! Pinatay or namatay! Malisyosong balita!

"Dapat from their own end, i-take down nila yun.

"Magrereklamo pa ba ako? Ako pa ba ang mag-i-stress na kumontak sa kanila at magreklamo?

"Aba, Facebook, marami rin kaming ginagawa para tumawag sa inyo at magreklamo.

"Aba, ako pa? Yung namatay na ang nagreklamo pa?

"Take it down!"

THE MALICIOUS MEME

Kung susuriin ang malisyosong meme, halatang peke ito dahil kung sinuman ang may gawa nito ay mali-mali ang headline ng balita.

Nakasaad doon (as is): "BB Gandang Hari o Rustom Padilla Natagpunag Patay sa Kanyang Apartment sa U.S. Panoorin ang video report."

Pinagmukhang legit ang balita sa pamamagitan ng paggamit ng litrato ni Vicky Morales, anchorwoman ng GMA primetime newscast na 24 Oras.

Continue reading below ↓

Base sa screenshot, makikitang tila na-share ang meme sa Facebook account ng "cnnupdates.ml."

Pero peke rin ang "cnnupdates.ml" na sinasabing online news site na nagbalita ng pagpanaw ni BB.

Lumalabas na pakana lang iyon ng kung sinumang nag-edit ng meme para magoyo ang netizens.

THE TROUBLE OF BEING ON HER OWN

Sa pagpapatuloy ng himutok ni BB, hindi na niya napigilang mapaiyak dahil lubha raw siyang naapektuhan ng death hoax.

Continue reading below ↓

Hindi na raw siya komportable sa kanyang apartment dahil sa malisyosong balitang natagpuan siyang patay rito.

"So ngayon, sa palagay niyo, nakakatulog ako sa apartment ko?

"Sa sinumang nagmamalasakit sa akin, sa palagay niyo, madaling matulog sa apartment ko?

"Kung sa pagpikit mo, ang iniisip mo ay yung maling balita...

"Di ba, parang double-edged sword, dinadala mong mag-isa yung balita?"

Nakadagdag pa raw dito ang "kawalan" ng mga kapamilyang sana'y may malasakit sa kanya.

"Kasi ngayon, ang tinatawag mo, pamilya. Kahit sinong tao, ang unang maiisip, sino ang makakapitan.

"Kaya pagod ako emotionally. Kaya apektado ako. Yung ayaw mong mag-isip, pero napapaisip ka.

"It’s really just the sincere support, yung sincerity, and empathy—that could have been enough."

Sa huli, sabi na lang ni BB, "Alam ko naman, walang makakatulong sa akin dito kundi ako lang naman."

waiting for ROBIN PADILLA

Kapansin-pansin namang naka-like si Robin sa Instagram posts ni BB noong April 22 at April 28.

Continue reading below ↓

Ang April 28 post ni BB ay tungkol sa pag-alma niya sa fake news na natagpuan siyang patay sa kanyang Los Angeles apartment.

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng pahayag si Robin kaugnay ng inihayag na sama ng loob ni BB sa mga kapamilya.

Ipinarating namin ito noong Lunes, April 27, sa pamamagitan ng mensahe sa talent manager ni Robin na si Betchay Vidanes.

Nagpadala rin ang PEP.ph ng direct message sa Instagram ni Robin noong Sabado, April 25.

Agad naming ilalathala sa oras na maglabas ng pahayag ang kampo ni Robin ukol sa isyu nila ni BB.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari on brother Robin Padilla: " Ito ang naparamdam niyo sa akin sa lockdown, 'No amount of lockdown can make us call you. You call us!'"
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube / @robinhoodpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results