Tuluy-tuloy pa rin ang #mumbod series ng 32-year-old Cebuana actress na si Ellen Adarna sa Instagram.
Kahapon ng tanghali, April 29, nag-upload si Ellen ng pitong larawan niyang naka-two piece.
Whole body ang mga kuha ng larawan at malayo sa camera.
Kinagabihan, muli siyang nag-upload ng dalawang larawan niyang naka-two piece.
Sa pagkakataong ito, medium shots na ang anggulo.
Sa bago niyang post, nilagyan niya muli ito ng caption na “#mumbod.”
IS THIS ELLEN'S CURRENT STATUS?
Sa comments secton, isang kaibigan ni Ellen na may handle name na @jwvw ang tila naglarawan ng estado ngayon ng sexy star sa pamamagitan lamang ng isang salita.
Komento ng kaibigan ni Ellen: “#freedom”
Sagot dito ni Ellen “howd u know ?”
Tugon ni @jwvw: “if you know, then you know”
Tawa lang ang sagot ni Ellen dito.

WHERE’S ELIAS?
Isang follower ni Ellen ang sumingit sa usapan ng magkaibigan.
Tanong nito kay Ellen: “How come you're not wd your son?”
Ang kaibigan ng aktres ang sumagot para sa kanya.
Pambabara ni @jwvw sa netizen: “sorry can you pls make your own thread?”
Isang face with tears of emojis lamang ang reaksiyon dito ni Ellen.

Giit ng netizen, walang masama sa kanyang tanong, o kung hindi, okay lang din naman.
Pambabara muli ng kaibigan ni Ellen: “sure but can you pls not hijack my thread? A bit rude hey... thanks!"

Dagdag pa ng kaibigan ni Ellen, “and actually yes, there is something wrong with it.
"Since you asked me, first of all you have no idea what the situation is and secondly and more importantly it’s none of your business anyway.”
Sumang-ayon naman dito si Ellen.
Sabi niya: “i see and hear you clearly saying this hahahahah. hello from the other side”
Tugon ni @jwvw kay Ellen: “hahaha! But it’s true right?
"Don’t people have enough in their own lives to worry about? I know I do!”
Tila marami raw alam si @jwvw tungkol sa buhay ng sexy star.
Kaya sabi tuloy ni Ellen: “sure i know you do! Ahahahhahahhahaha”

CO-PARENTING STATUS
Nauna nang inamin ni Ellen na co-parenting na lamang ang estado ng relasyon nila ng dating kapartner na si John Lloyd Cruz.
Base ito sa tugon niya sa isang netizen na nagtanong kahapon tungkol sa setup nila ng aktor pagdating sa kanilang anak na si Elias Modesto.
Ayon kay Ellen, nasa poder niya ang anak.
Pero dalawang beses kada isang linggo ay nag-i-stay si Elias sa ama nito.
Sabi ng aktres (published as is): "he stays with me. He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”
SEXY ELLEN
Samantala, marami ang namamangha sa kaseksihan ngayon ni Ellen dahil parang hindi raw ito nanganak.
Ito ang mga komento ng ilang netizens tungkol kay Ellen:

May ilan ding celebrities na nagkomento sa bikini photos ni Ellen:

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
