Aware si Derek Ramsay sa impression sa kanya ng marami na hindi siya naniniwala sa kasal.
Sa edad kasi niyang 43, hindi pa rin lumalagay sa tahimik ang Kapuso actor.
Ito ay sa kabila ng long-term relationships niya sa kanyang mga naging girlfriends.
Ayon kay Derek, “People think I don’t believe in marriage.
"People always say, ‘Si Derek hindi naniniwala [sa kasal]."
Pero paglilinaw ng Filipino-British actor, “I do. I believe in marriage.
"Kasi my parents are married and happily married."
Halos 50 years na raw kasal ang kanyang mga magulang na sina Remedios, isang Pinay, at si Derek Arthur Ramsay Sr., isang Briton.
Gusto raw niyang gawing ehemplo ang pagsasama ng mga ito.
“My parents have been married for almost 50 years, so I have the perfect marriage to follow.”
“But the whole point of marriage is dapat ‘til death do us part,” saad niya.
Bahagi ito ng pahayag ni Derek sa interview sa kanya ni Pops Fernandez na ipinost sa Facebook page ng singer noong April 3.
DEREK RAMSAY’S STRING OF CELEBRITY GIRLFRIENDS
Karamihan sa mga nakarelasyon ni Derek ay taga-showbiz, at taon ang itinagal ng mga ito.
Naging girlfriend niya si Solenn Heussaff. Naghiwalay sila noong 2006 matapos ang apat na taon.
Sumunod niyang naging girlfriend si Angelica Panganiban, na nauwi rin sa hiwalayan noong 2012 pagkatapos ng anim na taon.
Nakarelasyon din ni Derek si Cristine Reyes noong 2013, pero ilang buwan lang ang itinagal nito.
June 6, 2019 naman nang kumpirmahin ni Derek ang paghihiwalay nila ni Joanna Villablanca pagkatapos ng anim na taong relasyon.
Bago ito, ikinasal ang aktor sa Filipino-Indian model na si Mary Christine Jolly, noong 2002.
Pero nauwi ito sa paghihiwalay pagkatapos lamang ng limang buwan.
Sa ngayon, karelasyon ni Derek ang Kapuso actress na si Andrea Torres, 29.
Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong September 2019.

DEREK GETTING READY TO GET MARRIED ANY TIME SOON
Sa interview sa kanya ni Pops, sinagot ni Derek ang tanong kung kailan niya balak magpakasal.
“Alam mo, the great thing about quarantine is you can reflect and you can do so much thinking,” saad ng Kapuso actor.
“Most of the time, I’m thinking about so many things and that is probably in the top three."
Paliwanag ni Derek kung bakit hindi niya minamadali ang kasal: “I just don’t want to make mistakes.”
Pero paniniyak niya, bilang pagtukoy sa relasyon nila ni Andrea, “Right now, I’m in a very happy place.
"And she and I think [alike].
“She would make a beautiful wife, like, we get along in so many ways.
"We connect in so many ways.
“And during the quarantine period, I’ve been thinking a lot about having kids and settling down.”
Sabi pa ng actor-athlete, patapos na ang kanyang dream house kung saan niya ititira ang kanyang pamilya.
“I’m finishing my house, my dream house, where I plan to live for the next 20 years, in Alabang.
“Unfortunately, the quarantine happened.
“I was just about to move in, actually.
"But everyone says, ‘Derek, you’re all by yourself. Why did you build a big house like this?’
"And I’m, like, because I plan to fill it up. Hahaha!
“I plan to start my family, so fingers crossed, it will be very soon.”
Ibinahagi rin ni Derek ang pangarap niyang kasal.
“I want only a small wedding.
"But again, if Andrea wants something bigger, then we have to give her that.”

Ang pahayag na ito ni Derek ay tugma sa kanyang naging pahayag sa interview niya sa DZRH radio noong April 12.
Dito ay sinabi ng aktor na si Andrea na ang babaeng pakakasalan niya.
"Huwag na natin gamitin yung sana—siya na,” ani Derek.
“Confident ako, with the 100 percent of my heart, na sabihin kong siya na.
"Yun na ‘yon!" paniniyak niya.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
