"I feel naked!" ang sabi raw ng asawa niyang si Nico Bolzico kinaumagahan matapos ipakita sa wakas ni Solenn Heussaff ang mukha ng baby nilang si Thylane Katana.
Ito ang naikuwento ni Solenn sa interview sa kanya ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Nag-post kasi si Solenn ng litrato nila ni Thylane sa Instagram nung Huwebes, April 29.
Mula nang ipanganak si Thylane ay ingat na ingat sina Solenn at Nico na makita ng publiko ang itsura nito.
Sa panayam sa Kapuso actress, sinabi niya ang tunay na dahilan kung bakit ayaw nilang ipakita si Thylane at paano sila nagdesisyong ipakita na ang mukha nito sa wakas.