PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Babajie's family denies death rumors: "Buhay na buhay pa si Babajie!"

Babajie's mother denies report that the comedian has passed away.
by Jerry Olea
Published May 1, 2020
Babajie's mother on comedian's health condition: “Hindi pa niya kayang umupong mag-isa. Hindi pa niya maitayo ang kanyang katawan. Pero awa ng Diyos, nakakausap na namin siya, at naigagalaw na niya ang kanyang kamay.”
PHOTO/S: Facebook

Matapos mapabalitang pumanaw ang indie director na si G. A. Villafuerte noong Abril 29, Miyerkules ng tanghali, ipinost ng isang showbiz reporter sa social media na pumanaw na rin daw ang comedian na si Babajie Cornejo.

Maya-maya ay binawi ng reporter ang kanyang post. Buhay pa raw si Babajie.

Kasalanan daw ng isang "Divine Mercy" ang fake news.

Makalipas ang ilang oras, kumalat ang balitang natuluyan na si Babajie.

Kinumpirma raw iyon ng isang mainstay sa GMA-7 gag show na Bubble Gang, kung saan lumalabas-labas si Babajie.

Abril 30, Huwebes ng 6:27 p.m., ipinost ng kapatid ni Babajie sa Facebook account na Queen Babajie Cornejo—na buhay pa ang comedian na kilala dahil sa kanyang matulis na baba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alfredo Cornejo ang tunay na pangalan ni Babajie.

Tatlumpo’t limang (35) taong gulang siya, at nakatira sa Malibay, Pasay City.

SUDDEN WEIGHT LOSS

Mahaba-habang kuwento kung bakit sa San Lazaro Hospital ng Maynila siya naka-confine ngayon, sa halip na sa alinmang ospital ng Pasay.

Ang maliwanag...

“Buhay na buhay pa si Babajie!” bulalas ng ina niyang si Minda.

Ano ba ang nangyari kay Babajie?

Bakas sa boses ni Aling Minda ang hinagpis at pag-aalala niya nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes ng gabi, May 1.

Lahad niya, “Last week ng Pebrero, napansin kong namamayat si Babajie, kaya pina-laboratory ko na.

“Inabot ng lockdown, hindi ko na nakuha ang resulta ng lab test.

“Hindi ako mapakali. Inilapit ko siya sa ospital sa Pasay.

"Ayaw siyang tanggapin dahil nakakalakad pa raw. Malakas pa raw.

“Tatlong ospital ang pinuntahan namin, hindi siya tinanggap. Kaya sa bahay na lang muna siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hihintayin na lang sana namin na matapos ang lockdown sa April 15.

"E, na-extend hanggang April 30 ang lockdown.”


Patuloy na nanghina si Babajie habang nasa bahay.

“Pinapakain ko siya ng Ensure at lugaw, pero dire-diretso ang panghihina niya,” pagpapatuloy ni Aling Minda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko matiis, kasi bagsak na talaga ang katawan niya. Hindi niya maidilat ang kanyang mga mata.

“Kaya noong April 25, nagpatulong na ako sa barangay para dalhin si Babajie sa ospital. Tricycle ng barangay ang sasakyan namin.

“Dinala namin si Babajie sa ospital ng Pasay.

"Dahil ang service naming tricycle ay sa barangay, alam ko na hindi na kami tatanggihan.

“Ayun nga, pinapasok kami sa kuwarto. Pinaalis ko na ang tricycle. Akala ko, ia-admit na si Babajie.

“Kinausap ako ng doktor. Dalhin daw namin si Babajie sa San Lazaro [Hospital].”

FROM PASAY TO MANILA

Walang nagawa si Aling Minda kundi tawagin muli ang tricycle na service ng kanilang barangay.

“Naka-tricycle kami mula Pasay papuntang San Lazaro,” salaysay ni Aling Minda.

“Lockdown kasi, wala kaming ibang masakyan.

"Pagdating namin sa San Lazaro, in-admit si Babajie.

“Tanong ng doktor, ‘Bakit ganyan na siya kapayat saka mo dinala sa ospital?’

“Ipinaliwanag ko na noong una pa man ay tatlong beses nang tinanggihan si Babajie sa ospital ng Pasay... dahil puno na sila ng mga pasyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hindi pa talaga bagsak na bagsak ang katawan, hindi nila tatanggapin.”

Iyong dalawang litrato raw ni Babajie noong Abril 28, Martes, sa San Lazaro Hospital ay maayus-ayos na ang hitsura ni Babajie kumpara noong bago ito tanggapin ng ospital.

Nag-improve pa ang hitsura ni Babajie sa litratong pinost sa FB nitong Abril 30, Huwebes nang gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa niya kayang umupong mag-isa. Hindi pa niya maitayo ang kanyang katawan,” matamang sambit ni Aling Minda.

“Pero awa ng Diyos, nakakausap na namin siya, at naigagalaw na niya ang kanyang kamay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Babajie's mother on comedian's health condition: “Hindi pa niya kayang umupong mag-isa. Hindi pa niya maitayo ang kanyang katawan. Pero awa ng Diyos, nakakausap na namin siya, at naigagalaw na niya ang kanyang kamay.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results