Ellen Adarna quickly moves on after discovering boyfriend's infidelity

by Arniel C. Serato
May 2, 2020
Ellen Adarna: "You shouldn't be chasing because you're a woman. The egg doesn't swim to the sperm, it doesn't work that way."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Trending sa Twitter si Ellen Adarna kagabi, May 1, dahil sa kanyang no-holds-barred na pagsagot sa maraming katanungan ng kanyang Instagram followers.

Samu’t saring mga tanong ang ibinato ng followers ng Cebuana actress—mula sa kanyang mga dating nakarelasyon, pagmu-move on, at mga payo sa love life. Maski inuulam niya ay naitanong din.

Karamihan ng mga tanong ay nasa wikang Bisaya, kaya sa Bisaya rin niya ito sinasagot.

CHEATERS AND EX-PARTNERS

Ang mga sumusunod ang mga sinagot ni Ellen, 32, sa kanyang “Ask me a question” session sa Instagram Stories:

Why do people cheat?

Continue reading below ↓

Diretsong sagot ni Ellen: “Simple, kay di sila kontento [hindi sila kuntento].”

Naranasan na ba niyang pagtaksilan ng dating karelasyon?

Tugon niya: "Yes ‘Day."

Kasunod nito ay ikinuwento ni Ellen kung paano niya nahuli ang karelasyon, at kung ano ang ginawa niya.

"Nagbakasyon siya unya nasakpan nako, so pag-uli niya sa among balay that time, wala na akong mga gamit [Nagbakasyon siya at nahuli ko, pag-uwi niya sa aming bahay noon, wala na ang mga gamit ko.]

Continue reading below ↓

“Wa ko mangaway niya, wa koy pangotana [Hindi ko siya inaway, hindi ako nagtanong].

“I just left. Guwapa ko [Maganda ako, e].”

Mabilis daw naka-move on si Ellen sa hiwalayang iyon.

“Nahibong kaayo tong akong ex, pag-uli niya asa kuno ko, aw, ka-move on naku pag abot niyas balay. [Nagtataka yung ex ko, pag-uwi niya, asan na daw ang mga gamit ko, ayun, naka-move on na ako bago pa siya dumating sa bahay].”

Ayon pa sa kanya, dapat daw ang mga babae ay hindi naghahabol sa mga lalaki.

Pahaging ni Ellen: “So, you know, he's not worth chasing. I never chase.

"And you shouldn't be chasing also, you know, because you're a woman.

"You shouldn't be chasing because you're a woman.

“The egg doesn't swim to the sperm, it doesn't work that way.

"It's not natural."

Continue reading below ↓

MANAGING HEARTBREAKS

Hindi na bago kay Ellen ang hiwalayan.

Ang pinakahuli ay ang pagtatapos ng relasyon nila ng aktor na si John Lloyd Cruz pagkatapos ng dalawang taon.

Nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang anak na lalaki, si Elias Modesto, na magdadalawang taon na sa Hunyo.

Simula nang naging sila ng matinee idol at kahit matapos ang kanilang relasyon, naging tampulan na ng media attention si Ellen.

May nagtanong sa kanya kung paano niya napapanatili ang pagiging "strong and independent woman" sa kabila ng kabiguan sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

Sagot ni Ellen, “Because heartbreaks are just temporary.

"If you work hard to be a strong and independent woman, it can be forever.

“Dili na nimo problema, that's their problem.

"You just have to deal with the pain and get through it with composure."

Paano naman niya hina-handle ang isang taong mahal na mahal niya pero iniwanan siya dahil nagsawa na?

Continue reading below ↓

Ayon kay Ellen, hindi pa siya iniiwan ng mga naging karelasyon.

“Hmp, wa pa man ko mabiyaan ani ‘Day, bat nabuwagan ko. [Hindi pa ako iniwan ‘Day, pero hiniwalayan na ako.]

“Bat nakigbalik niya di na ako, wa na nako dawata. [Pero nakipagbalikan siya, pero hindi ko na tinanggap].

“So wa pa ko nabiyaan. [So, hindi pa ako iniwanan.]”

THE IDEAL HUSBAND

Ano ang hinahanap na katangian ni Ellen sa ideal husband?

Continue reading below ↓

Tugon ni Ellen: “I think, you don’t need the perfect guy. You just need to find someone you’re compatible.”

Ano ang mas pipiliin niya: attitude or physical appearance?

“Both, kapoy namang settle day. Kung alanganin, di na lang. [Both, kapagod na mamili, ‘Day. Kung alanganin, huwag na lang.]”

Ano ba ang mas mahalaga sa kanya: common values or common interests?

“Values gyud ‘Day… non-negotiable gyud ng values. [Values talaga, ‘Day. Hindi ‘yan dapat pinag-uusapan pa.]

“It’s very important nga pareha mo. [Importante nga pareho kayo].”

True Love or Get Rich?

“Both. I’m not gonna give up until I find my true love and get rich.”

Holding on or letting go?

“Let it flow.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna: "You shouldn't be chasing because you're a woman. The egg doesn't swim to the sperm, it doesn't work that way."
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results