PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former Senator Jinggoy Estrada arrested for alleged violation of social distancing

Jinggoy Estrada invited to the police station as he distributed bangus.
Published May 3, 2020
Inimbitahan ng mga awtoridad si dating Senator Jinggoy Estrada dahil sa paglabag diumano nito sa ipinatutupad na social distancing. Dinakip si Estrada kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon sa Barangay Salapan habang namimigay ng mga bangus sa mga residente roon.
PHOTO/S: Jinggoy Estrada Facebook

Inaresto si former Senator Jinggoy Estrada ngayong Linggo ng hapon, May 3, dahil sa paratang na paglabag sa enforced quarantine.

Ito ay matapos niyang mamigay ng relief goods sa kanyang mga kababayan sa San Juan City.

Bukod sa diumano’y paglabag sa social distancing, pinararatangan si Estrada na walang quarantine pass.

Wala rin daw permiso ng local government unit ang pamamahagi ng relief goods ni Estrada.

Ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora, desisyon ng police authorities na dakpin ang dating senador.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INVITED TO THE POLICE STATION

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang supporter ni Estrada na si Rhomel Cisneros habang nasa presinto sila ng San Juan City ngayong gabi.

Ayon kay Cisneros, dinakip si Estrada kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon sa Barangay Salapan dahil sa paglabag umano sa social distancing.

"Apparently, yung evidence na pinakita kay Senator earlier is yung video footage nung first time siyang namigay ng bangus sa Lt. Artiaga St. Barangay Corazon de Jesus,” kuwento ni Cisneros sa PEP.ph.

"In the middle of the distribution, bigla pong dumating ang dalawang police mobile car, kasama na po si Chief of Police.

"Tapos dire-diretso kay Senator, he was being invited.

"Tapos, kinuha po yung ibang mga boxes na may mga bangus pa, and then, ipinasok [ang bangus] sa isa sa mga police car nila.

"Sumama naman nang maayos si Senator."

Agad na dumating sa San Juan Police Station si former President Joseph Estrada nang malaman nito ang pag-aresto sa panganay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ng dating Pangulo ang anak na si Jude Estrada, ang asawa ni Jinggoy na si Precy, at ang apo na si former San Juan Vice Mayor Janella Estrada.


Si Eastern Police District Chief Police Brigadier General Johnson Almazan ang nakipag-usap kay dating Senator Estrada tungkol sa mga violation na ibinibintang sa kanya ng San Juan Police.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Live na napanood sa Facebook ang imbitasyon ng police authorities kay Estrada.

Nakunan ito ng video ng mga supporters ng dating senador, na nanghihinayang dahil hindi natapos ang pamimigay sa kanila ng bangus.

At press time, nasa closed-door meeting si Jinggoy at si General Almazan sa presinto ng San Juan City.

ESTRADA VS ZAMORA

Ang pag-aresto kay Estrada ay lalo pang nagpaigting sa hidwaan nila ni Mayor Zamora dahil sa pulitika.

Inakusahan noon ni Estrada si Mayor Zamora ng panghaharang sa pagtulong ng Estrada family sa mga mamamayan ng San Juan.

Kabilang na rito ang kanilang rolling stores na nagbebenta ng mga produkto sa murang halaga, na ipinahinto raw ng incumbent mayor.

Ayon naman sa mga awtoridad sa San Juan, ipinatutupad lamang nila nang patas ang rules ng enforced quarantine sa panahon ng COVID-19.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inimbitahan ng mga awtoridad si dating Senator Jinggoy Estrada dahil sa paglabag diumano nito sa ipinatutupad na social distancing. Dinakip si Estrada kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon sa Barangay Salapan habang namimigay ng mga bangus sa mga residente roon.
PHOTO/S: Jinggoy Estrada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results