PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pops Fernandez, Bong Revilla, ekstrang-ingat sa kani-kanilang magulang ngayong may COVID-19 pandemic

Nag-alala raw si dating senador Ramon Revilla Sr. nang minsang lagnatin.
by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Published May 4, 2020
dulce lukban with pops fernandez. ramon "bong" revilla, jr. with ramon revilla sr.
Mga lumang larawan nina Pops Fernandez (kaliwang litrato, nakatali ang buhok) at ang inang si Dulce Lukban; at Senator Ramon Revilla Jr., (nakatayo) at ang amang si Ramon Revilla Sr.
PHOTO/S: Instagram: @dulcelukban / @bongrevillajrph

Ekstrang-pag-iingat ang ginagawa ngayon nina Pops Fernandez at Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kani-kanilang mga magulang.

Video: GMA News.

Ngayong may COVID-19 pandemic at wala pang vaccine para rito, sinasabing ang mga bata at matanda ay kailangang pakaingat.

Si Pops, hindi raw pinapalabas ng bahay ang inang dating artista rin, si Dulce Lukban, 74.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng Concert Queen, "We keep in touch, siguro mga three, four times in a day...

"Siyempre, hindi ko siya pinapalabas. Bawal po. Yung mga elders po should be staying home. It's safer.

"So pinapadalhan na lang ng food. Bawal na bawal po talaga silang lumabas, and I think it's better."

Si Senator Bong, dinalaw kamakailan ang amang si dating senador Ramon Revilla Sr. sa bahay nito sa Imus, Cavite.

Pero hindi raw sila lumalapit dito, at nasa labas lang sila ng bahay, dahil ingat na ingat sila para sa kalusugan nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kamakailan nga raw ay nilagnat ang 93-year-old niyang ama.

"Medyo nagka-fever siya, pero nakuha naman sa anti-biotics.

"Kinabahan din siya, ang feeling niya kasi baka tinamaan din siya ng Covid. Awa ng Diyos, hindi po."

Kaya nga raw pag dinadalaw nila ang ama, sinisilip na lang nila ito sa bintana ng bahay at kumakaway sila mula sa labas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga lumang larawan nina Pops Fernandez (kaliwang litrato, nakatali ang buhok) at ang inang si Dulce Lukban; at Senator Ramon Revilla Jr., (nakatayo) at ang amang si Ramon Revilla Sr.
PHOTO/S: Instagram: @dulcelukban / @bongrevillajrph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results