Andi Eigenmann cool to people saying she's flaunting a "fake" sexy body

by Rachelle Siazon
May 4, 2020
Andi Eigenmann takes doubter's criticism as a compliment: "want to say na i just used my iphone for this but i got too excited, so thank you nalang!"
PHOTO/S: @andieigengirl Instagram

Inakusahan si Andi Eigenmann na "fake" ang litratong nakabilad ang kanyang sexy mom body figure.

Kaugnay ito ng Instagram post ng 29-year-old noong Sabado, May 2.

Side view ang anggulo ng shot ni Andi na nakasuot ng black crop top at body-hugging leggings.

Marami ang nakapansing slim na ang tiyan ni Andi siyam na buwan mula nang ipanganak nito ang anak nila ng partner niyang si Philmar Alipayo.

Halos walang puson ang aktres sa litrato.

Continue reading below ↓

Pero isang netizen ang kumontra sa mga papuri kay Andi.

Halata raw na edited ang waistline at butt ni Andi sa litrato, dahil hindi raw proportioned ito sa mga braso niya.

Sabi ng netizen (published as is): "It looks so fake to some degree sry Andie [peace emoji]

"Notice the wood near her butt and too slim waistline which makes her arm bigger."

Hindi natigatig si Andi.

Isang simpleng "thanks" ang paunang sagot niya sa batikos sa kanya.

Continue reading below ↓

SISTERS TO THE RESCUE

Ipinagtanggol naman siya ng kanyang elder half-sister na si Max Eigenmann.

Ama nina Andi at Max ang yumaong aktor na si Mark Gil, aka Raphael John Gil Eigenmann.

Si Andi ay anak ni Mark kay Jaclyn Jose, habang si Max ay anak ni Mark kay Bing Pimentel.

Namangha si Max na hindi mapaniwalaan ng netizen ang magandang pangangatawan ni Andi.

Singit ni Max, "I didn't realize strong arms matched with a toned body and firm butt was considered fake na pala."

Sabi pa niya patungkol kay Andi (published as is), "Good, job baby.. you look amazing!"

Sagot ni Andi, "thanks ats!!!"

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol din si Andi ng kanyang younger half-sister na si Stevie Eigenmann.

Si Stevie ay anak ni Mark sa wife of 18 years nitong si Maricar Jacinto.

Sabi ni Stevie, hindi raw tech-savvy ang Siargao-based actress para maisip pa nitong mag-edit ng litrato.

Eksaktong sagot ni Stevie sa bumatikos kay Andi, "sry too. she aint techy enough to understand what ur saying but das ok ty for ur tym.

Waring tinukoy pa ni Stevie ang sarili na "personal editor" ni Andi.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon naman si Andi at nagsabing alam na alam talaga ni Stevie na hindi siya tech-savvy.

Pahayag ni Andi (published as is), "want to say na i just used my iphone for this but i got too excited, so thank you nalang!"

MORE REACTIONS

May iba namang netizens na nagsabing posibleng pinigil ni Andi ang paghinga para natural na pumayat ang kanyang tiyan sa picture.

Continue reading below ↓

Puwede rin naman daw na pumayat talaga ang aktres, na bukas tungkol sa kanyang regular workout routine at healthy eating habits.

Continue reading below ↓

May iba pang pumuri sa kapansin-pansing pagkawala ng post-partum weight ni Andi.

Sabi nila, "body goal" at "parang hnd man nanganak" ang aktres.

Umasa naman ang iba na "sana all" ay magkaroon din ng epektibong pagbabawas ng timbang.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Minsan, maiisip mo talagang masyadong mahigpit—hindi, malupit—ang mga babae sa kapwa babae. Ginagawang napakalaking isyu ang timbang at hugis ng katawan.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann takes doubter's criticism as a compliment: "want to say na i just used my iphone for this but i got too excited, so thank you nalang!"
PHOTO/S: @andieigengirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results