PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vico Sotto angered by ex-PBA player cussing and swearing at relief ops team leader  

Vico Sotto angered by ex-PBA player who cursed Pasig relief operations team leader.
by Rachelle Siazon
Published May 5, 2020
Pasig City Mayor Vico Sotto angered by sense of entitlement of ex-PBA player: "Nagpipigil lang ako, gusto ko banggitin pangalan niya, e... Idol ko pa naman yun dati."
PHOTO/S: Vico Sotto Facebook

Nagpuyos sa galit si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pambabastos ng isang ex-PBA player sa relief operation officers na namigay ng ayuda sa kanilang siyudad.

Sinabi ni Vico na residente ng Green Park subdivision sa Pasig City ang tinutukoy niyang ex-PBA player.

Nakarating sa alkalde ang insidente na minaliit ng ex-PBA player ang natanggap nitong ayuda.

"Eto may isang instance, taga-Green Park, siguro naliitan dun sa ano.

"Alam ko naman may kaya yung tao na yun, dating PBA player.

"Kakampi pa man din ng bayaw ko dati, kakampi ni Kuya Marc dati, minura-mura yung team leader natin. Bakit ganun lang daw pinamimigay."

Ang tinutukoy ni Vico na bayaw ay ang basketball player na si Marc Pingris. Si Mark ay asawa ni Danica Sotto, kapatid sa ama ni Vico.

Hindi raw maintindihan ni Vico kung bakit kailangang murahin ng ex-PBA player ang taong naatasan lang namang mamigay ng ayuda.

Seryosong pahayag ng alkalde: "E kung naliliitan siya dun sa pinamigay ng city, ibig sabihin hindi niya kailangan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko naman magkano suweldo niya dati. Hindi naman siya mahirap.

"Iilan lang naman ang dating PBA player sa Green Park, alam mo na kung sino sinasabi ko."

Inihayag ito ni Vico sa Facebook Live niya nitong Martes, May 5.

DISMAYED AT BASKETBALL "IDOL"

Aminadong galit talaga si Vico dahil, sa huling bahagi ng Facebook Live, nabanggit niya muli ang pambabastos ng ex-PBA player sa relief op officer ng Pasig.

"Alam kong may pera naman, ilan ang sasakyan, maganda ang bahay.

"Tapos magbibigay yung team namin ng ayuda—dahil yung homeowners naman ang nag-request na pumasok kami dun—tapos mumurahin yung team leaders natin.

"Yung sense of entitlement ng mga tao grabe talaga!"

Hindi man lang daw isinaalang-alang ang hirap ng frontliners, tulad ng mga namumuno sa relief operations, para lang magbigay ng serbisyo sa kanilang lungsod.

"Yung mga frontliners natin na nagpapagod over and beyond the call of duty, tapos mumura-murahin ng taong yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagpipigil lang ako, gusto ko banggitin pangalan niya, e.

"Alam ni Kuya Marc kung sino yun. Kayo na lang mag-usap. Siya na bahala sa 'yo. Idol ko pa naman yun dati."

Sana raw ay "ma-appreciate" ng mamamayan na ang relief op officers ay namimigay ng ayuda sa gitna ng init ng araw at sobra pa minsan sa walong oras kada araw ang serbisyo sa bayan.

Dagdag ni Vico, "Yung mga programa, hindi naman sila nag-design nun.

"Kung may reklamo kayo, puwede naman sabihin sa maayos na paraan, e. Di niyo kailangan magalit sa kanila."

A MATTER OF PRIORITY

Isa pang kinaiinis ni Vico ay ang mga nagrereklamo dahil may mga lugar na nauunang abutan ng tulong.

May gumagamit pa raw ng argumentong "Mayor Vico, taxpayer naman ako. Dapat tulungan mo rin ako. Nangangailangan din ako ng tulong."

Ipinaliwanag ni Vico na gusto ng local government ng Pasig na mag-abot ng tulong sa lahat ng Pasigueño, mahirap man o mayaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero giit niya, "Yung mga mayayaman, yung mga may kaya sa buhay, tanggalin niyo na po sense of entitlement ninyo.

"Yung ayuda na ibinibigay natin, uunahin pa ba natin yung maganda bahay at maganda ang sasakyan?

"Siguro kailangan unahin natin yung mga kung hindi makatanggap ng ayuda ay baka mamatay sa gutom."

APPEAL TO WELL-OFF CONSTITUENTS

Diniscuss din ni Mayor Vico na "lahat" ng households ng Pasig ay kwalipikado mabigyan ng cash aid galing sa budget ng local government—o tinatawag na Pasig supplemental SAP.

Nagsimula raw ang pamimigay ng cash aid nitong Martes, May 5.

Pero kung nakaluluwag naman daw sa buhay, sana ay boluntaryo nang i-waive ang cash aid.

Halimbawa raw ay tulad niya na residente ng Valle Verde, isang exclusive subdivision sa Pasig City.

Si Vico ay naninirahan sa bahay ng ina niyang si Coney Reyes.

Sabi ni Vico: "Maaaring merong taga Valle Verde na nangangailangan ng tulong. Kung kailangan niya ng tulong, pwede siya kumuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siguro, karamihan sa mga kapitbahay ko, hindi na sila dapat kumuha.

"Kung ang nanay ko kumuha ng supplemental SAP, mag-aaway kami."

Pati ibang Kapamilya ni Vico ay ayaw niyang tatanggap ng supplemental SAP.

"Kung ang ate ko na nakatira sa Valle Verde, si Ate Danica, si Kuya Marc, kilala niyo po sila. Kung sila po kumuha ng supplemental SAP, mag-aaway din po kami.

"Dahil alam ko nakakakain sila. Hindi ko sinasabing madali ang sitwasyon nila ngayon. Lahat tayo nahihirapan. Mayaman, mahirap, nahihirapan.

"Pero yung ayuda ng pamahalaan, kung di niyo kailangan, wag niyo na kunin."

FRUSTRATED VICO

Sa dami ng kinakaharap na isyu ni Vico, may bahagi sa Facebook Live na halatang naiinis na siya sa paulit-ulit na pagtatanong ng nasagot na niya.

May netizen kasing nagtanong kung mabibigyan din ng Pasig supplemental SAP ang households na nakatira sa condo.

Tila hindi naabutan ng netizen na sinagot na ito ng alkalde sa Facebook Live ring iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kulit... Gulo kausap. Kakasabi ko lang lahat nga kasama, e.

"Kung hindi ba naman mamuti buhok ko dito. Kakasabi lang, lahat kasama. Hindi malalampasan ang condo.

"Kasama po ang condo sa supplemental SAP. Comment nang comment, hindi muna makinig. So, lahat, kasama po."

Pagkatapos ng kanyang Facebook Live, nag-post si Vico sa kanyang Instagram Story ng inis niya sa makulit na netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost niya ang screenshot ng netizen na nagkomentong nakadama ito ng "gigil" ng alkalde.

Sang-ayon si Vico, "Ito yung muntikan ako masiraan ng ulo dahil pagkasabing pagkasabi ko na 'lahat kwalipikado,' may nag-comment 'ah so malalagpasan na naman kami na nasa condo.'"

Nilagyan ng alkalde ng lauging emojis, bilang pahiwatig na natawa na rin siya sa panggigigil niya sa Facebook Live.

Dagdag niya sa kanyang mensahe sa Instagram, "But kidding aside, our goal w PASIG SUPPLEMENTAL SAP is to help every Pasigueño in need."

Iba ito sa cash aid na PHP8,000 para sa piling households, na manggagaling sa budget ng Social Amelioriation Program (SAP) ng national government.

As of May 5 ay halos tapos na raw ang pamimigay ng SAP sa Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto angered by sense of entitlement of ex-PBA player: "Nagpipigil lang ako, gusto ko banggitin pangalan niya, e... Idol ko pa naman yun dati."
PHOTO/S: Vico Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results