Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

ABS-CBN went off the air 7:52 tonight, May 5, 2020 

by Arniel C. Serato
May 5, 2020
ABS-CBN officially goes off on air at exactly 7:52 P.M., May 5: "We trust that the government will decide on our franchise with the best interest of the Filipino people in mind, recognizing ABS-CBN’s role and efforts in providing the latest news and information during these challenging times."
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News Online

Nitong 7:52 ng gabi, May 5, 2020, tumigil ang TV at radio broadcast operations ng ABS-CBN.

Ang makikita na lang sa telebisyon ay black screen.

Sa inilabas na pahayag ng network ngayong hapon, sinabi nitong tatalima ito sa Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Napaso ang prangkisa ng broadcast giant kahapon, May 4.

Hindi binigyan ng NTC ng provisional authority ang ABS-CBN upang mag-operate habang ang franchise renewal nito ay nakabinbin sa Kongreso.

Ayon sa pahayag ng network, ito ay sa kabila ng mga senyales na karapat-dapat bigyan ang Kapamilya network ng provisional authority. Kasama rito ang isang Senate resolution, ang sulat ng committee on legislative franchises ng Kongreso, ang rekomendasyon ng Department of Justice, at ang sworn statement ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Binanggit din ng pahayag na noong nakaraang linggo lamang ay nagbigay ng assurance si House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang radio interview na walang hakbang upang ipasara ang network.

Continue reading below ↓

Ayon pa rin sa pahayag, mawawalan ng source of information ang milyun-milyong Pilipino sa gitna ng dinaranas na COVID-19 pandemic sa mundo.

Dala raw ng krisis ay nakikipagtulungan ang ABS-CBN sa local governments at private sectors sa pagbibigay ng pagkain at basic goods sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng "Pantawid ng Pag-ibig" campaign nito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nananalig pa rin daw ang ABS-CBN na dedesisyunan ng pamahaalan ang kanilang prangkisa "with the best interest of the Filipino people in mind, recognizing ABS-CBN’s role and efforts in providing the latest news and information during these challenging times."

Sa huli, tiniyak ng ABS-CBN na mananatili itong "committed to being in the service of the Filipino and we will find ways to continue providing meaningful service to them."

FULL STATEMENT of abs-cbn

Narito ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN:

"Millions of Filipinos will lose their source of news and entertainment when ABS-CBN is ordered to go off-air on TV and radio tonight (5 May 2020) when people need crucial and timely information as the nation deals with the COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

"This is in compliance with the cease and desist order issued by the National Telecommunications Commission (NTC) today that prohibits ABS-CBN from continuing its broadcast operations effective immediately.

"Despite Senate Resolution No. 40, the House of Representatives’ committee on legislative franchises’ letter, the guidance of the Department of Justice, and the sworn statement of NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, the NTC did not grant ABS-CBN a provisional authority to operate while its franchise renewal remains pending in Congress.

"In an interview with DZMM last week, House Speaker Alan Peter Cayetano even gave an assurance that there is no move to shut down the network.

"ABS-CBN has been providing comprehensive news coverage on the public health crisis and working with local governments and the private sector in providing food and basic goods for those in need through its 'Pantawid ng Pag-ibig' campaign.

"To date, it has delivered over P300 million worth of goods for the benefit of over 600,000 families affected by the enhanced community quarantine.

Continue reading below ↓

"We trust that the government will decide on our franchise with the best interest of the Filipino people in mind, recognizing ABS-CBN’s role and efforts in providing the latest news and information during these challenging times.

"ABS-CBN remains committed to being in the service of the Filipino and we will find ways to continue providing meaningful service to them."

Continue reading below ↓

MALACAÑANG TO ABS-CBN: EXHAUST ALL LEGAL REMEDIES

Naglabas naman ang Malacañang ng pahayag ngayong gabi tungkol sa pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN, sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakasaad sa statement na may kalayaan ang ABS-CBN management gamitin ang lahat ng kaparaanang legal upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamamahayag.

Nagpasalamat din ang Palasyo sa serbisyong inihatid ng Kapamilya network sa bansa.

Gayunpaman, kailangan pa rin daw ng ABS-CBN ng legislative franchise upang makapagpatuloy sa pagbu-broadcast.

Narito ang buong pahayag ng Malacañang:

"The Palace notes that the National Telecommunications Commission (NTC) has issued a Cease and Desist Order against ABS-CBN Broadcasting Corporation for lack of a valid legislative franchise.

"ABS-CBN is free to exhaust all legal remedies available to it.

"President Rodrigo Roa Duterte, as a matter of record, accepted the apology of the network and left its fate to both houses of Congress.

"Let the public be informed that broadcast franchises are within the authority of Congress.

Continue reading below ↓

"It has discretion on what to do with the legislative franchise of ABS-CBN and other broadcasting companies similarly situated.

"We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19.

"But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely the NTC’s decision."

ULTIMATELY, IT goes back to MALACANANG

Bagamat sinasabi ng Malacañang na nasa NTC ang desisyon tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN, noon pa mang 2017 ay may pahayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang prangkisa ng network.

Ito ay nag-ugat sa sinasabi ng Pangulo na panggagantso sa kanya ng ABS-CBN, nang hindi nito inere ang kanyang campaign ads noong 2016 preidential elections kahit bayad na ang mga ito.

Sinundan ito ng pagsumite ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN noong February 2020, o mahigit dalawang buwan bago mapaso ang franchise ng network.

Continue reading below ↓

Si Solicitor General Jose Calida—na tumatayong abugado ng administrasyong Duterte at tinawag ng presidential spokesperson na "alter ego ng Presidente"—ang personal na nagsumite ng petition.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN officially goes off on air at exactly 7:52 P.M., May 5: "We trust that the government will decide on our franchise with the best interest of the Filipino people in mind, recognizing ABS-CBN’s role and efforts in providing the latest news and information during these challenging times."
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results