ABS-CBN executives assure employees no retrenchment for the next three months

by Nikko Tuazon
May 5, 2020
In a tweet Tuesday night, May 5, Bianca Gonzalez (left) said ABS-CBN executives assured its employees that no retrenchment will happen in the next three months. Meanwhile, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigabak (right) appeals to their viewers, "Ipadama, isaad, at ipadinig po natin ang ating nararamdaman sa pagsasara ng ating ABS-CBN."
PHOTO/S: @iamsuperbianca / Carlo Katigbak on Facebook

Sinigurado ng ABS-CBN executives sa kanilang mga empleyado na walang matatanggal sa trabaho sa loob ng tatlong buwan.

Ang magandang balitang ito ay ibinahagi ni Bianca Gonzalez sa kanyang Twitter account nitong Martes ng gabi, May 5, ilang oras pagkatapos mag-off the air ang ABS-CBN.

Bukod dito, matatanggap din daw ng mga empleyado ang kanilang benefits at maging ang kanilang health insurance sa mga darating na tatlong buwan.

Tweet ni Bianca, "Our bosses in a live chat with employees after broadcast ended:

"'For the next three months, wala pong mawawalan ng trabaho due to retrenchment'

"'Active ang lahat ng benefits, including medical, sa panahon na ito.' [emojis]

"Never been prouder to be a Kapamilya."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na tweet, ibinahagi rin ni Bianca na natatanggap ng ABS-CBN employees ang kanilang buong sweldo simula nang ma-implement ang enhanced community quarantine.

Ayon kay Bianca, boluntaryo ring nag-salary deduction ang mga ABS-CBN executives upang maipatupad ito.

Tweet ng TV host, "Para malaman din ng lahat: Magmula nang magsimula ang ECQ, buong sweldo na ang binibigay ng ABS-CBN sa mga empleyado.

"At ang mga boss namin ay nag-salary deduction sa panahon na ito. Grateful for our leaders."

Continue reading below ↓

ABS-CBN CEO APPEALS FOR HELP

Milyun-milyong Pilipino ang maaaring maapektuhan sa pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN.

Kabilang na rito ang mahigit 11,000 empleyado ng network.

Kaninang ganap na 7:52 P.M., itinigil ng ABS-CBN ang kanilang TV at radio broadcast operations alinsunod sa cease-and-desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Hindi binigyan ng NTC ng provisional authority ang ABS-CBN upang mag-operate habang nakabinbin pa ang franchise renewal nito sa Kongreso.

Kahapon, May 4, napaso ang prangkisa ng nasabing broadcast giant.

Bago mag-off the air ang network, umapela ng suporta ang President at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak sa mga nanonood.

Nagsalita si Katigbak sa pamamagitan ng primetime news program na TV Patrol.

Sa unang bahagi ng kanyang pahayag, nabanggit ni Katigbak ang "Pantawid Ng Pag-ibig" charity project ng ABS-CBN na nagbigay-tulong sa mahigit dalawang milyong Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Aniya, "Sa simula pa lang po ng epidemya ng COVID-19, ang atin pong News Team ay araw-araw, oras-oras na nalalagay sa peligro ang buhay para lang maihatid sa atin ang mahalagang impormasyon at balita para sa kaligtasan nating lahat.

Continue reading below ↓

"Marami po sa inyong mga Kapamilya ang pumasok sa opisina para hindi matigil ang broadcast at serbisyo ng ABS-CBN.

"Sa umpisa pa lamang ng lockdown, at maraming Pilipino ang maaring magutom dahil mawawalan ng hanapbuhay, inumpisahan po natin agad ang 'Pantawid ng Pag-ibig.'

"Sa atin pong pagtutulungan, nakapaghatid tayo ng pagkain at ayuda sa lampas dalawang milyon nating kapamilya.

"Sa lahat po ng nagdaang taon at sa lahat ng nagdaang kalamidad at trahedya, ganito na po ang lagi nating ginagawa.

"Ang ABS-CBN ay nangunguna sa paglikom ng mga donasyon para makatulong sa pag-ahon ang mga biktima.

"Bukod sa serbisyo publiko, ang atin pong ABS-CBN ay nakapagbigay din po ng pag-asa at inspirasyon sa pamamagitan ng mga palabas, tulad halimbawa ng inyong paboritong Ang Probinsyano.

"Ang makapaglingkod sa inyo ang aming misyon, at ang aming kaligayahan."

Kasunod nito, umapela si Katigbak sa mga manonood na iparating sa kinauukulan ang kanilang kahalagahan, lalo sa kalagitnaan ng COVID-19 health crisis.

Continue reading below ↓

Pahayag ng ABS-CBN executive, "Ngayon po, dumating ang araw na kami naman ang dumudulog at nanawagan sa inyo.

"Hindi po binigay ng National Telecommunications Commission ang lisensya para sa patuloy na paglilingkod ng ABS-CBN kaya mawawala na po sa ere ang ating ABS-CBN.

"Ginawa na po namin ang lahat ng requirement para sa renewal at wala rin po kaming nilabag na batas.

"Pati po ang Kongreso, na ayon sa batas ay may kapangyarihan na mag-utos sa NTC na magbigay ng provisional authority sa TV at radio stations, ay nagsabi po na bigyan na muna ang ABS-CBN ng provisional authority.

"Marahil, naintindihan ng ating mga mambabatas na mahalaga ang ating serbisyo lalung-lalo na sa panahong ito.

"Mga Kapamilya, kung naging mahalaga sa inyo ang ating ABS-CBN, hinihingi po namin na tayo ay patuloy na magtulungan para mapanatili ang serbisyong naidudulot ng ating istasyon.

"Alang-alang po sa mahigit labing isang libong nagtatrabaho sa ABS-CBN at sa kanilang mga pamilya na maapektuhan ang kabuhayan at maaring mawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

"Alang-alang po sa milyun-milyong Pilipino na kailangan ng serbisyo ng ABS-CBN lalung lalo na sa panahon ng pinakamatinding krisis sa Pilipinas at sa buong mundo, lalo na ngayon sa pinakamalalang panahon ng sakit at gutom.

"Ipadama, isaad, at ipadinig po natin ang ating nararamdaman sa pagsasara ng ating ABS-CBN.

"Sa oras na ito, kami naman po ang humihingi ng inyong pagdamay.

"Maraming salamat po, mga Kapamilya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a tweet Tuesday night, May 5, Bianca Gonzalez (left) said ABS-CBN executives assured its employees that no retrenchment will happen in the next three months. Meanwhile, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigabak (right) appeals to their viewers, "Ipadama, isaad, at ipadinig po natin ang ating nararamdaman sa pagsasara ng ating ABS-CBN."
PHOTO/S: @iamsuperbianca / Carlo Katigbak on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results