PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin’s fiancé Neil Arce calls NTC officials “evil”

Neil Arce: "NTC you are evil. How dare you take away 11,000 jobs."
by Arniel C. Serato
Published May 6, 2020
Neil Arce on Angel Locsin after ABS-CBN halted all broadcast operations yesterday: "She’s been crying non stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs.”
PHOTO/S: Courtesy: @neil_arce on Instagram / Jerome Ascano

Halatang masyadong apektado si Angel Locsin sa pamamaalam sa ere ng ABS-CBN kahapon, May 5.

Eksaktong 7:52 ng gabi kahapon, tuluyang namaalam sa ere ang broadcast giant matapos iutos ng National Telecommunications Commission (NTC) na itigil muna ng network ang pagbu-broadcast.

Makailang beses nang nag-post kahapon din si Angel sa Instagram ng kanyang hinanakit at himutok sa biglaang pagsasara ng ABS-CBN.

Napaso na kasi ang 25-year legislative franchise ng istasyon noong Lunes ng 11:59 ng gabi, May 4.

Hindi naman binigyan ng NTC ang network ng provisional authority to operate, na kaya nitong gawin kung gugustuhin.

Kinagabihan, nag-post ang fiancé ni Angel na si Neil Arce sa Instagram din tungkol sa kalungkutan ng Kapamilya actress.

Ayon sa businessman-producer, hindi daw tumigil sa kakaiyak si Angel matapos malaman sa balita ang sinapit ng network na matagal din siyang naging kabahagi.

Labis daw kasing nabahala si Angel sa mahigit sa labing-isang libong empleyado at talents na maapektuhan sa shutdown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Neil, “Breaks my heart seeing her like this.

“Angel didnt renew her contract So technically she did Not lose her job.

“She’s been crying non stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs.”

NEIL: “NTC YOU ARE EVIL”

Himutok pa ni Neil, halos dalawang buwan na daw silang tumutulong upang makapagsalba ng buhay ngayong may COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng kanilang #UniTentWeStandPH campaign.

Bakit daw inuna pa ng NTC ang pagpapasara ng network gayong may pandemyang kinakaharap ang bansa at ang mundo.

Tinawag niyang "evil" ang mga namumuno ng nasabing Komisyon.

Dagdag niya, “We’ve been under ecq for 2 months now trying to save lives.

“Wala pang 10000 ang may covid dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyong milyon na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick Information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito.

“NTC you are evil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“How dare you take away 11,000 jobs.

“We Will remember this.”

Inaabangan na ngayon ng mga Kapamilya viewers ang magiging aksiyon ng mga abugado ng ABS-CBN upang makakuha ng temporary restraining order (TRO) laban sa Cease and Desist Order (CDO) na inilabas ng NTC laban sa network.

Tumalima ang pamunuan ng ABS-CBN Corporation sa order ng NTC kahapon na itigil ng network ang kanilang broadcast operations sa lahat ng kanilang mga TV at radio stations nationwide.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Apektado rito ang 42 TV stations, 5 AM, at 18 FM stations sa buong PIlipinas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neil Arce on Angel Locsin after ABS-CBN halted all broadcast operations yesterday: "She’s been crying non stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs.”
PHOTO/S: Courtesy: @neil_arce on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results