“Can you imagine our country without ABS-CBN? I cannot.”
Ito ang hinagpis ni Sharon Cuneta sa Instagram Live niya kagabi, May 5, 2020, ilang oras matapos mag-sign off sa himpapawid ang ABS-CBN.
Hindi napigilan ng Megastar na maiyak nang maglabas siya ng saloobin tungkol sa pamamaalam sa ere ng kanyang home network.
“My heart is breaking,” himutok ni Sharon.
“Thirty years na ako sa ABS-CBN. It’s my home.”
Ang mas pinangangambahan daw niya: “There are tens and thousands of employees who are gonna lose their jobs. And I cannot take that.”
Tinatayang may 11,000 empleyado sa ABS-CBN ang maaapektuhan sa pagsasara ng network.
Ayon pa sa 54-year-old singer-actress-host, mali ang tiyempo ng pagpapatigil sa operasyon ng network giant, lalo pa’t may kinakaharap na health crisis ngayon ang bansa.
“There’s so much going on na, there is COVID thing, this virus… parang wrong timing.
“Kasi ang daming natutulungan ng Kapamilya.
“Tapos yung staff namin mismo at crew, sila yung mawawalan ng trabaho,” umiiyak na sabi ni Sharon.

Nagawa pang magbiro ni Sharon sa gitna ng kanyang pagiging emosyonal.
“Ako, okay lang. Alam niyo naman, ng lahat, milyonarya na ako.
"Okay lang… pero sila, [ang] sakit.”
Nag-aalala raw siya sa mga staff and crew na mawawalan ng kabuhayan.
“Na-shock lang kami kasi biglaan.”
Napaso ang 25-year broadcast franchise ng ABS-CBN nitong May 4, 2020.
Kahapon, May 5, nag-isyu ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN.
Diin ni Sharon, “Okay na kaming mga artista, yung staff and crew lang ang inaalala namin, kasi hirap na nga ngayon dahil sa health crisis na ito.
“Bakit naman damay pa yung trabaho, di ba?"
Hindi rin nagpaawat ang Megastar sa sunud-sunod na pag-post sa social media tungkol sa isyu.
Ni-repost niya ang social media posts ng mga kapwa Kapamilya artists at Kapamilya employees.
Samantala, nagbahagi naman ang mga anak ni Sharon na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan ng kanilang magandang alaala sa ABS-CBN.
Masasabing sa ABS-CBN na rin sila lumaki dahil sa mga programa ng kanilang ina sa network.
KC CONCEPCION
Sa kanyang Instagram post, nabanggit ni KC, 35, na sa compound ng ABS-CBN nagsimula ang kanyang pangarap maging artista.
Natupad naman ito nang magkaedad siya.
Pagbabalik-tanaw ni KC, “You’ve been home since I was a child.
"At 6 or 7 years old, running up and down your hallways, rollerblading around the studio lot, I would wait for my mom to finish recording and taping her show.
“I’d be peeping into the studio doors to watch artists film on set, always wishing I was one of them.
“And at 23, after intense acting/dance workshops and language training, officially, that dream happened.
“I grew up with you behind the scenes, even helping writers make their ‘idiot boards’ with the scent of markers that filled the room, and eventually you gave me my own wings and trusted me with your shows as an artist-tv host...”
Inisa-isa rin ni KC ang mga TV shows na ginawa niya sa ABS-CBN.
Kabilang dito ang pagiging host ng X Factor Philippines, The Buzz, Simply KC, at ASAP.
Umarte naman siya sa mga teleseryeng Lovers in Paris, Ikaw Lamang, at Huwag Ka Lang Mawawala.

Pinasalamatan din ni KC ang kanyang naging home network sa pagbibigay ng pagkakataong matupad ang pangarap niyang maging bahagi ng showbiz.
Gayunpaman, hindi pa rin daw siya makapaniwala sa sinapit ng ABS-CBN.
“I can’t imagine Philippine TV without you and our Kapamilya on camera and production teams, show runners and crews that make up the machine.
“It blows my mind how we literally woke up one day and everything changed.
FRANKIE PANGILINAN
Hindi nalalayo sa karanasan ni KC ang alaala ni Frankie, 19, sa ABS-CBN.
Sabi ni Frankie, natagpuan niya ang pangalawang tahanan sa compound ng ABS-CBN.
Ani Frankie (published as is): “those simple memories were enough for my heart to find a home there. i can’t even imagine the deep pain for those who’ve been working there tirelessly to give filipinos joy and bravery and solace, some for even longer than i’ve been alive.”
Nagsilbi rin daw niyang playground ang mga lugar sa ABS-CBN noong kanyang kamusmusan.
Nagbahagi pa si Frankie ng mga larawan niya na kuha sa ABS-CBN.
“i put on makeup for the very first time there. i used to hide in the dressing room closets to surprise mama.

“i learned to run in heels there, dashing between the ELJ building and the broadcasting center.”
Nakisimpatiya rin si Frankie sa pinagdadaanan ngayon ng mga empleyado ng network na mawawalan ng trabaho.
Aniya, “to everyone, the marshalls, the artists, the staff, i’m so so deeply sorry.”
Bukod sa kanyang ina, binanggit din ni KC na halos isang dekadang naging radio commentator sa ABS-CBN ang ama niyang si Senator Kiko Pangilinan.
Pagbabahagi ng dalaga: “i used to take my scooter there after school and just roam around the hallways saying hi to the guards. dad was a radio commentator there from ‘92-‘01. and mama’s photo was always up on the wall - even when she briefly left, it stayed.
“there’s a part of the heart that‘s empty,” pagtatapos ng tweet ni Frankie.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)
