PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban reacts to ABS-CBN shutdown: “Sukdulan ng kasamaan ito.”

Angelica Panganiban praises ABS-CBN's "silence" after cease-and-desist order of NTC.
by Arniel C. Serato
Published May 6, 2020
Angelica Panganiban: "Alam mo kung ano nakakaiyak? Yung pagiging well mannered ng ABSCBN. Niyakap nila. Dun natapos. Walang gyera. Walang gulo. Kaya, nakakadurog yung silence. Kaya, hindi tayo dapat manahimik."
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram / Jerome Ascano

“Hanggang sa muli.”

Ito ang maikling mensahe ni Angelica Panganiban tungkol sa shutdown ng broadcasting operations ng TV at radio arm ng ABS-CBN Corporation kahapon, May 5.

Kalakip ng kanyang Instagram post ang black-and-white na larawan ng ABS-CBN Presdient at CEO Carlo Katigbak.

Naka-deactivate ang comments section ng post ng 33-year-old actress kaya walang komentong mababasa sa kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEIL ARCE'S POST

Sa hiwalay na Instagram post ni Neil Arce tungkol pagsasara ng ABS-CBN, isa sa mga nagkomento rito si Angelica.

Si Neil ang fiancé ng aktres na si Angel Locsin, na nalungkot daw nang labis dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Ayon kay Neil, hindi nag-renew ng kanyang kontrata si Angel kaya, technically, hindi siya nawalan ng trabaho.

Pero labis daw ang pagdadalamhati ng aktres dahil alam nitong 11,000 katao ang mawawalan ng trabaho.

Tinawag pang "evil" ni Neil ang National Telecommunications Communication (NTC) dahil sa utos nitong ipasara ang ABS-CBN

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“SUKDULAN NG KASAMAAN ITO”

Sabi ni Angelica sa kanyang komento sa post ni Neil, dapat daw ay hindi sila manahimik sa mga nangyayari.

Saad ni Angelica: “Alam mo kung ano nakakaiyak? Yung pagiging well mannered ng ABSCBN.

“Niyakap nila. Dun natapos. Walang gyera. Walang gulo.

“Kaya, nakakadurog yung silence.

“Kaya, hindi tayo dapat manahimik. Wow."

Biro pa niya, “Dami ko nanaman alam. Hi bashers.”

Sabi pa ng aktres sa isang komento, “Sukdulan ng kasamaan ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkahalo naman ang naging reaksiyon ng followers ni Neil sa komento ni Angelica.

May mga sumalungat at mayroon ding sumang-ayon sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, wala pang balita kung maghahain na ng temporary restraining order (TRO) ang mga abugado ng ABS-CBN sa korte.

Kapag magkataon, korte na ang magdedesisyon kung pagbibigyan nila ang network na muling makapag-broadcast habang pending pa sa Kongreso ang franchise renewal nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban: "Alam mo kung ano nakakaiyak? Yung pagiging well mannered ng ABSCBN. Niyakap nila. Dun natapos. Walang gyera. Walang gulo. Kaya, nakakadurog yung silence. Kaya, hindi tayo dapat manahimik."
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results