Watch Now

Vice Ganda posts touching text message from mother after ABS-CBN shutdown

by Arniel C. Serato
May 7, 2020
Vice Ganda on mother Rosario Viceral's text to him after ABS-CBN went off the air: "Nadurog ang puso ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account ang nakaka-touch na text message sa kanya ng inang si Rosario Viceral kagabi, May 6.

Tungkol ito pagsasara ng kinabibilangang home network ni Vice, ang ABS-CBN.

Mababasa sa tweet ni Nanay Rosario na nag-aalala ito kay Vice at sa mga maliliit na manggagawa ng Kapamilya network.

Buong mensahe ni Nanay Rosario:

“Good morning anak. I didn’t sleep good last night about the sudden closing of ABS.

“I stayed until the sign off and I feel so sad even if I know that it won’t be long anak it’s just my heart goes with the small workers in this time of hardship.

“I want to hug you anak with all my hear and miss you so much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa comedian-TV host, nadurog ang puso niya nang mabasa ang mensaheng ito mula sa inang nag-aruga sa kanilang magkakapatid.

Sabi pa ng 44-year-old It’s Showtime host, ramdam niya ang kalungkutan ng kanyang ina, at lahat ng ina, sa pagsasara sa himpapawid ng ABS-CBN.

Aniya, “At alam kong di lang ang Nanay ko ang Nanay na malungkot ngayon.

“Kundi lahat ng Nanay na naapektuhan ng pagpapasara ng ABS-CBN.

“Mahigpit na yakap sa ating mga Nanay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating caregiver sa Amerika ang ina ni Vice.

THE ABS-CBN CLOSURE

May 4, 2020 napaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi nakakuha ng panibagong legislative franchise ang network sa 16th at 17th Congress dahil inupuan lamang ito ng mga mambabatas.

Nakatakda sanang talakayin ang franchise renewal ng network ngayong 18th Congress, ngunit tumama ang COVID-19 pandemic sa mundo.

Nangako si House Speaker Alan Peter Cayetano na tatalakayin nila iang franchise renewal ng ABS-CBN noong May 4 o May 5, ngunit hindi ito nangyari.

Hanggang nitong May 5, naglabas ng Cease and Desist Order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN upang ihinto ng istasyon ang kanilang pagbu-broadcast.

Sakop ng kautusan ang 42 TV stations, 5 AM station, at 18 FM stations ng ABS-CBN Corporation sa buong Pilipinas.

Inabangan din kahapon, May 6, ang pagsasampa ng Temporary Restraining Order (TRO) petition ng mga abugado ng istasyon sa korte ngunit hindi ito nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on mother Rosario Viceral's text to him after ABS-CBN went off the air: "Nadurog ang puso ko.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results