PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez to critics of ABS-CBN: "Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin?"

Regine Velasquez post a long message for critics who support ABS-CBN shutdown.
by Bernie V. Franco
Published May 7, 2020
regine velasquez make up
Regine Velasquez to critics rejoicing over ABs-CBN shutdown: “Hindi mo na ba alam kung pano makiramay??...Kabawasan ba sa pagkatao mo kung makisimpatiya ka??”
PHOTO/S: YouTube (Regine Velasquez)

“Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin??"

Ito ang simpleng pananalita na ginamit ni Regine Velasquez, 50, para sa mga taong ikinatutuwa ang pagsasara ng ABS-CBN.

Nag-sign off ang Kapamilya network nitong May 5, 2020, Martes, kasunod ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Nag-expire ang legislative franchise ng network noong May 4, at nabigong makakuha ng provisional o temporary franchise mula sa NTC.

May long-standing hidwaan sa pagitan ng ABS-CBN at ni President Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes ng umaga, May 7, walang partikular na pinatutukuyan si Regine.

Pero malinaw na ina-address nito ang mga taong ipinagbubunyi ang pamamaalam sa himpapawid ng kanyang home network.

Si Regine ay lumipat sa ABS-CBN noong October 2018, matapos ang 20 taon sa GMA-7.

regine velasquez white

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REGINE worries over CRITICS' lack of compassion

Katuwiran ng Asia’s Songbird, higit pa sa trabaho ang nawala sa kanila.

Pagtatanong nito sa mga kritiko (published as is):

“Bakit ka nagbubunyi na maraming mawawalan ng trabaho??? Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin??

“Sayo trabaho lang to sa amin kabuhayan to. Maraming pangarap na hindi matutupad dahil dito.”

Tinatayang 11,000 manggagawa ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho dahil sa nangyaring pagsasara.

Pagpapatuloy ng actress/singer/performer/host: “Pero ang saya saya mong pinagdiriwang ang pagdadalamhati namin.

"Ano na ba ang nangyari sayo?? Hindi mo na ba alam kung pano makiramay??”

Ayon pa kay Regine, sana manahimik na lamang ang mga kritiko kung wala rin lang magandang sasabihin.

“Oo may opinyon ka tungkol dito, may mga hindi ka gusto sa palakad dito, bagamat hindi ka naman naging parte ng pamilyang ito at hindi mo naman alam ang totoo.

“Pwede naman sigurong manahimik muna diba??

“Kabawasan ba sa pagkatao mo kung makisimpatiya ka??”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naniniwala rin si Regine na makakabangon pa sila.

“Sa totoo lang ang pagkawala namin sa ere pwede pang hanapan ng sulusyon.

“Ang mga mawawalan ng trabaho pweding humanap ng ibang pagkakakitaan mahirap pero kaya naman.

“Pero Ikaw na hindi na marunong makiramay, ikaw na hindi na alam kung pano pa maging mabuting tao, ikaw na napuno nalamang ng puot,ikaw na nalimutan nang MAGPAKATAO.......”

Nagbitaw rin siya ng salita na makakabalik sila sa himpapawid.

“Pagkatapos ng mga pagsubok na ito mag babalik kami na mas maningning.”

Panghuling mensahe ni Regine sa mga kritiko: “Pero ikaw hangang dyan ka na lang.

“Sa katulad mong walang awa, sa katulad mo na ikinatutuwa ang paghihirap ng iba WALA KA NANG PAGASA!!!

“Naaawa ako sayo dahil pinili mong manatili sa mundo mong maliit pinili mong mag pakain sa sistema.

“Gayun paman ipagdadasal parin kita na sana mahanap mong muli ang iyong puso. God bless Po”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa cease-and-desist order na may sampung araw ang ABS-CBN, mula nang ilabas ang order, para magpaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang nakatalaga nitong frequency.

Inaantabayanan ng publiko kung ano ang sasapitin ng ABS-CBN, kasunod ng panawagan ng maraming matataas na opisyal at iba’t ibang sektor—pribado at gobyerno—na nag-uudyok sa Kongreso na mabigyan ng provisional license ang network mag-operate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay habang hindi pa rin nari-renew ang franchise ng network.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez to critics rejoicing over ABs-CBN shutdown: “Hindi mo na ba alam kung pano makiramay??...Kabawasan ba sa pagkatao mo kung makisimpatiya ka??”
PHOTO/S: YouTube (Regine Velasquez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results