ABS-CBN asks Supreme Court for TRO against NTC shutdown order

by Arniel C. Serato
May 7, 2020
ABS-CBN asks the Supreme Court to grant a temporary restraining order (TRO) against the cease- and-desist order issued by the National Telecommunications Commission (NTC) last Tuesday, May 5.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Dumulog ang mga abugado ng ABS-CBN sa Supreme Court ngayong hapon ng Huwebes, May 7, upang maghain ng petition para makakuha ng temporary restraining order (TRO).

Layon ng petisyon na ipawalang-bisa ang cease and desist order (CDO) na ipinataw ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Martes, May 5.

Sa 46-pahinang petition for certiorari at prohibition, hiniling ng media giant sa Korte Suprema na ibasura ang CDO ng NTC at magdeklara ng permanent injunction sa pagpapatupad ng NTC order.

Ayon ito sa ulat ng ANC, ang cable channel ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga abugado ng network, inabuso raw ng NTC ang kapangyarihan nito nang maglabas ng cease and desist order.

Dapat daw ay sinunod nito ang utos ng Kongreso at Senado na bigyan ang istasyon ng provisional authority to operate kahit mapapaso na ang kanilang prangkisa.

Nakasaad din dito na ang pag-isyu ng NTC ng cease-and-desist order ay kontra sa dating ikinilos ng NTC.

Sabi ng mga abugado, NTC “deviated from past practice and violated [ABS-CBN's] right to equal protection of the law as well its right to due process, because it was issued without due notice and hearing.”

Dagdag pa sa petition, ang NTC cease-and-desist order “violates the right of the public to information and curtail freedom of speech, as well as cause serious and irreparable damage on ABS-CBN and thousands of its employees if its implementation is not halted.”

Inisa-isa rin sa petisyon ang mga pagkakataong nagpatuloy ang ibang broadcast stations ng pagbu-broadcast kahit napaso na ang prangkisa at habang tinatalakay pa ang franchise renewal nila sa Kongreso.

Continue reading below ↓

May 4, 2020 nagtapos ang 25-year legislative franchise ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon, hindi pa natatalakay sa House Committee on Legislative Franchises ang labing-isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng panibagong prangkisa sa istasyon.

Umaasa ang ABS-CBN na kaagad maikalendaryo ang kanilang petisyon sa special en banc session ng Supreme Court bukas, May 8.

Kung mabigyan ng mga mahistrado ang ABS-CBN ng TRO at premiliminary injunction laban sa cease-and-desist order ng NTC, maaaring magbalik sa ere ang Kapamilya network.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN asks the Supreme Court to grant a temporary restraining order (TRO) against the cease- and-desist order issued by the National Telecommunications Commission (NTC) last Tuesday, May 5.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results