Former PBB housemate Karen Reyes makes big revelation: “Ako po ay ganap nang isang mommy.”

by Bernie V. Franco
May 10, 2020
Karen reyes emotional
Former Pinoy Big Brother teen housemate Karen Reyes sheds tears of joy after announcing that she already has two children.
PHOTO/S: YouTube (Karen Reyes)

“Ako po ay ganap nang isang mommy.”

Ito ang anunsiyo na ginawa ni Karen Reyes, 23, na former Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 housemate.

Itinaon ng aktres ang kanyang announcement sa YouTube ngayon mismong Mother’s Day, May 10, 2020.

Siya ay ina ng dalawang bata: sina Olivia, two years old, at Lucas, nine months old.

Hindi binanggit ni Karen kung sino ang ama ng kanyang mga anak, pero ang huling napaulat na boyfriend niya ay ang vocalist ng bandang Silent Sanctuary na si Raymund “Sarkie” Sarangay.

Si Karen ang second placer sa PBB edition na umere noong 2012.

Ka-batchmate niya sina Myrtle Sarrosa, ang itinanghal na grand winner, Kit Thompson, ang twins na sina Joj at Jai Agpangan, Tom Doromal, at Yves Flores.

karen reyes blue

Continue reading below ↓

KAREN: “Natakot ako kaya hindi ko nasabi agad."

Napaiyak si Karen habang inilalahad kung paano siya naging nanay.

“2016, I got pregnant habang ginagawa namin yung [My] Ex and Whys. Nabuntis ako sa first baby ko.

"Yes, may second baby ako…” ang pag-amin ng aktres.

Ang My Ex and Whys ay ang pelikulang pinagtambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil na ipinalabas noong February 2017.

“And yun, first baby ko si Olivia, ginagawa ko yung Ex and Whys. Ginagawa ko yung buong movie na iyon, natapos ko siya.

“Actually, nakapag-presscon pa ako noon nung fifth month ko yata iyon, second quarter [ng pregnancy].”

Pero kahit pa alam niyang nagdadalantao na siya noong presscon ay natakot daw siyang ipaalam ito.

“Natakot ako kaya hindi ko nasabi agad.

“Natakot ako dahil hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ng mga tao, kung may babalikan pa ako sa showbiz,” ang naluluhang kuwento ni Karen.

Continue reading below ↓

“Sobrang hindi ko alam noon kung ano ang gagawin ko. Natakot ako sa judgement.

“Hindi ko maiwasan [maiyak]."

At kung umiiyak man siya sa video announcement niya today, paglilinaw ng Kapamilya star, "Tears of joy, kasi finally nasabi ko na siya."

Nagkataong sunud-sunod ang kanyang mga proyekto kaya pinili niyang huwag ipaalam ang kanyang pagbubuntis.

Sa pagpapatuloy ni Karen, “Natakot kasi ako noon na baka dumating yung panahon na baka wala na akong babalikan sa showbiz.

“Nung time na iyon, yung ginagawa ko yung [My] Ex and Whys, sunud-sunod ang projects ko noon.”

Pero hindi lang sa publiko itinago ni Karen ang kanyang pagbubuntis. Maging ang mommy niyang si Claire Reyes ay clueless.

Dugtong ni Karen, “Expected naman din na magbubuntis ako, kaya lang hindi ko alam na ganun pala siya kahirap for me, dahil unang-una, tinago ko yung pregnancy ko, unang-una sa nanay ko...

“Wala talaga akong makausap, wala akong masabihan ng nararamdaan ko, puwera na lang sa ate ko at best friend ko.”

Continue reading below ↓

Isinilang niya ang kanyang firstborn noong June 16, 2017.

Pagkatapos nito ay hindi muna niya isinapubliko ang kanyang panganganak, bagkos ay ipinagpatuloy lang ang pagtatrabaho.

Naging bahagi si Karen ng afternoon teleseryeng Asintado, na pinagbidahan ni Julia Montes.

Natapos niya ang teleserye, at muli siyang nabuntis, na sinabi niyang “unexpected.”

Ipinanganak niya ang kanyang ikalawang anak noong July 28, 2019.

karen reyes smile

Continue reading below ↓

KAREN: "bakit kailangan ko pang matakot?"

Ngayong panahon daw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay maraming napagtanto ang aktres.

Isa na rito ay hindi raw niya kailangang itago ang dalawang taong nagpapaligaya sa kanyang buhay.

“Ang dami kong realizations ngayong quarantine,” lahad niya.

“Siguro na-realize ko lang na bakit kailangan ko pang matakot, andito na yung lakas ko, nandinto na yung mga nagpapalakas sa akin.

“Natatakot kasi ako noon na may mga judgment.”

Pero ngayon daw ay proud siya sa kanyang mga supling at kaya na niyang ipagsigawan sa lahat na isa na siyang ina.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother teen housemate Karen Reyes sheds tears of joy after announcing that she already has two children.
PHOTO/S: YouTube (Karen Reyes)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results