Engaged na si Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann, 25, sa PBA player na si Von Pessumal, 27.
Inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement sa Instagram nitong May 11, Lunes.
Pero sa post ni Laura, binanggit niyang na-engage sila noon pang May 3.
Caption naman ni Von sa kanyang post: “Lockdowned for life.”
Limang taon nang magkarelasyon sina Laura at Von.
Pareho silang graduates ng Ateneo de Manila University.
Si Laura ay kumuha ng AB Psychology, samantalang si Von ay kumuha ng AB Communication at nagtapos noong June 2016.
Si Von ay dating player ng Ateneo Blue Eagles basketball team.
Naging player din siya ng Gilas Pilipinas noong 2016 at 2017.
Sa kasalukuyan ay naglalaro siya sa PBA para sa koponan ng San Miguel Beermen.
Si Laura naman ay courtside reporter para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Seasons 77 at 78.
Noong 2014 ay sumali siya sa Binibining Pilipinas, kung saan hinirang siyang first runner-up.
Noong 2017 naman ay sumali siya sa Miss World Philippines, kung saan napanalunan niya ang korona.
Ang nagputong ng korona kay Laura ay ang kanyang predecessor na si Miss World Philippines 2016 Catriona Gray.
Sumabak si Laura sa Miss World 2017 pageant sa Sanya, China. Umabot siya hanggang Top 40.
Pinasok na rin ni Laura ang pag-aartista, at nasa bakuran siya ng GMA-7.
BEAUTY QUEENS, CELEBS CONGRATULATE LAURA AND VON
Samantala, bumaha ang pagbati mula sa mga kaibigang artista at beauty queens ni Laura.
Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss World 2013 Megan Young, Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez...
Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves, Gretchen Ho, at Lovi Poe.

