Supalpal kay Chie Filomeno ang mga bashers na pilit siyang hinihila pababa.
Si Chie ay 23-year-old member ng GT o dating GirlTrend, isang all-female group na nakilala sa It's Showtime, ang daily noontime show ng ABS-CBN.
Napanood din siya sa Love Thy Woman, ang ABS-CBN primetime series na pinagbidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion.
Madalas puntiryahin ng bashers ni Chie ang kanyang pisikal na pangangatawan.
Sabi raw sa kanya, "wala ka naman dede."
Pero hindi tinablan si Chie ng mga insulto.
Buwelta nga niya: "Oh ano naman? Tell me something I don’t know.
"19 kopong kopong na yang insulto na yan hahaha!
"Untog kita sa malapader kong chest eh."

"FEELING SIKAT"
May isa pang nakasagutan si Chie na sinabihan siyang walang saysay ang pagdepensa niya sa ABS-CBN.
Sa dahilang wala naman daw impluwensiya si Chie para ipaglaban ang Kapamilya network na paso na ang prangkisa.
"Feeling sikat hndi nga Kita kilala hahahaha," saad ng netizen sa Instagram post ni Chie noong May 7.
Kinuwestiyon naman ni Chie kung bakit pina-follow siya ng kanyang basher kung minamaliit pala siya nito.
Sabi niya sa di kilalang female netizen, "it's a tie mamiii!!"

"ATTITUDE" PROBLEM
Nagkapalitan pa ng direct messages si Chie at ang babaeng Instagram user.
Pinuna ni Chie ang umano'y pagpapalit ng display photo at handle ng netizen matapos siyang batikusin.
Sabi pa ni Chie, "Tanda tanda mo na ganyan ka pa din.
"Awww wawa huhu! Or muka ka lang luma?"
Sagot ng netizen, "Hahahaha Luma?"
Sagot ni Chie, "Ayaw ko english baka di mo maintindihan google mo na lang."
Nagbabala ang netizen na ipo-post nito ang messages ni Chie "para Makita Lalo meron ugali mo attitude gurl hahaha"
Sabi ni Chie, "E di go!"
Pero si Chie na rin ang nag-post sa kanyang Twitter account ng sagutan nila ng basher.
Hindi raw niya maintindihan kung bakit ang basher pa ang may ganang manakot gayong ito raw ang kung anu-ano ang iniiwang comment sa feed niya.

Hanggang sa ang basher na ang sumuko kay Chie.
Natatawang tweet pa ng GT member, "Nakakalungkot pag yung basher nag private ng profile at dinelete comment after mo sagutin no?
"Naiiyak ako.
"HAHAHAHA NOT!"

May isa pang sinagot si Chie na hindi pabor sa pagsagot niya sa bashers.
Sabi naman ni Chie, "Pinag tanggol ko lang sarili ko, masama na ATTITUDE ko?! Uy okay ka lang? Kape gusto mo?"
Pinili raw niyang sagutin ang ilang bashers para masampolan ang mga ito at maturuan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagawa nilang mang-insulto nang walang balik.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
