Korina Sanchez takes on trolls, bashers pitting her against Jessica Soho

by Bernie V. Franco
May 13, 2020
korina sanchez off shoulder
jessica sanchez pink
Korina Sanchez (left) burns bashers throwing invectives at her and pitting her against Jessica Soho (right). Both women have made a name as broadcast journalists and anchors, Korina in ABS-CBN and Jessica in GMA-7.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment , GMA Public Affairs)

Patuloy ang paglipana ng bashers at trolls sa Instagram account ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez, 55.

Pero hindi nagpapatinag ang Rated K host at binabara ang mga ito.

Nitong mga nakaraang araw ay naging aktibo si Korina sa pagpu-post sa social media ng may kinalaman sa pagpapasara sa ABS-CBN noong May 5.

Kasabay ng pagbuhos ng suporta ng mga tagahanga ni Korina ay ang pag-atake sa kanya ng bashers at trolls.

Hindi lamang pang-aalipusta sa kanyang propesyon ang inabot ni Korina, kundi pati below-the-belt na komento tungkol sa kanyang pagkatao.

KORINA PITTED AGAINST JESSICA SOHO

May mga kritiko rin si Korina na pilit siyang ikinukumpara kay Jessica Soho ng GMA News and Public Affairs.

Bukod sa pagkakaroon ng sarili nilang news magazine programs—Rated K ni Korina at Kapuso Mo Jessica Soho ni Jessica—ay pareho ring news anchors ang dalawa.

Si Korina ay dating anchor ng ABS-CBN primetime news program na TV Patrol at ng late-night newscast na Bandila.

Continue reading below ↓

Si Jessica naman ang anchor ng State of the Nation With Jessica Soho sa GMA News TV, at pansamantalang anchor sa Kapuso primetime news program na 24 Oras.

Pareho ring humakot ng pagkilala at awards ang dalawa, sa loob at labas ng bansa.

Hindi pinatulan ni Korina ang pagkukumpara sa kanila ni Jessica.

Pero palaban ang mga sagot niya sa pangmamaliit ng mga kritiko sa kanya at sa kanyang propesyon.

May nagkomentong hindi raw maaaring maging “top notch broadcaster” si Korina kagaya ni Jessica.

Sagot ni Korina: “So what are you doing in my page? Secret fan? Couldn’t help yourself?

“Pahiram ko sayo mga trophy ko sabit mo sa leeg mo para makuba ka? Halika.”

Komento naman ng isa, pipiliin pa rin nito ang TV-magazine program ni Jessica na Kapuso Mo, Jessica Soho kesa sa programa ni Korina sa ABS-CBN na Rated K.

Buwelta ni Korina: “Gawin mong kuwintas ang mga awards namen para makuba ka at mapaluhod sa harap namen buysit.”

Continue reading below ↓

Ang isa naman, kinuwestiyon ang integridad ng ABS-CBN at sinabihang husayan pa ang kanilang reporting.

Banat ni Korina: “But you like being on my page? Duuuuuhhhh. Youre kinda halatang big fan ko hah! Im flattered [laughing emoji]”

May isa namang sinabihan si Korina na puro pagpapaganda ang alam niya, pangit daw ang ugali niya, at wala raw siyang binatbat sa CNN anchor na si Anderson Cooper.

Sagot ni Korina: “Kawawa ka naman. Parang give na give ang pananakit mo.

“Pero baket wa epek? Ah alam ko na.

“Kasi nag iisa ka sa milyon na nega.

"I sige na nga di kita erase para mapagmalaki mong naka post ka ng kabobohan."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

KORINA REPLIES TO BELOW-THE-BELT COMMENTS

Hindi rin nakaligtas si Korina sa personal na pag-atake ng trolls at bashers.

May mga tumawag sa kanyang “frustrated First Lady.”

Buwelta niya: “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave.

“Sakapang bruha. Out!”

Ang mister ni Korina na si Mar Roxas ay tumakbo sa pagkapangulo noong 2016 presidential elections.

Continue reading below ↓

Pero pumangalawa lamang si Mar sa nanalong si Rodrigo Duterte.

Ito pa ang isinagot ni Korina sa isa pang basher: “More like… frustrated na naghintay ng announcement. Na walang announcement. Laos na ang banat mo loser.”

Ang "announcement" na tinutukoy ni Korina ay ang naka-schedule na report ni Pangulong Rodrigo Duterte, tuwing Lunes, tungkol sa kinahaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.

Continue reading below ↓

Kung anu-ano pang mga pamba-bash ang ibinato kay Korina, pero hindi pa rin nagpatinag ang broadcaster:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May netizen namang nakapansin sa pagdagsa ng trolls sa Instagram account ni Korina.

Pansin din daw ito ni Korina.

Aniya, “Oo nga. Hirap kumita. Kelangan ibenta ang kaluluwa.”

Dito ay pinariringgan ni Korina ang mga trolls at bashers na binabayaran para mag-post ng kung ano-ano sa social media accounts ng isang target personality.

May isa ring nakapansin na dahil sa tapang ng pagsagot ni Korina sa mga troll, unti-unti nang nababawasan ang mga ito sa paglipas ng mga araw.

“Oo nga napansin ko hahaha!” ani Korina.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez (left) burns bashers throwing invectives at her and pitting her against Jessica Soho (right). Both women have made a name as broadcast journalists and anchors, Korina in ABS-CBN and Jessica in GMA-7.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment , GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results