Congress approves bill granting provisional franchise to ABS-CBN

by Jojo Gabinete
May 13, 2020
ABS-CBN will be able to resume operations until October 31, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Magbabalik sa ere ang ABS-CBN hanggang October 31, 2020.

Ito ay matapos aprubahan ng Kongreso ang panukalang magbibigay ng provisional franchise para sa Kapamilya network.

Pero kailangan pa rin itong maaprubahan sa isang plenary session.

Ngayong Miyerkules ng hapon, May 13, nagtipon ang mga miyembro ng 18th Congress.

Tinalakay nila ang isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN, na ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) noong May 5, o isang araw pagkatapos mag-expire ang 25-year legislative franchise ng network noong May 4.

Si House Speaker Allan Peter Cayetano ang sponsor ng House Bill 6732 na naglalayong bigyan ng provisional broadcast franchise ang ABS-CBN hanggang October 31, 2020.

"Through this measure, we hope to strike a balance between the immediate needs of the people amid this crisis and the duty of the Congress to ensure accountability to our presents laws," bahagi ng sponsored bill ni Cayetano.

Naniniwala ang House Speaker na kailangang pagtuunan muna ng pansin ng Kongreso ang coronavirus crisis.

Continue reading below ↓

Si Muntinlupa House Representative Ruffy Biazon ang isa sa mga unang nagbalita na inaprubahan ng Kongreso ang sponsored bill ni Cayetano.

Aniya, “House Committee of the Whole approves HB 6732, and the committee report will now be prepared for the Plenary."

Angv bill ay co-sponsored nina Representatives Neptali Gonzalez, Raneo Abu, Roberto Puno, Dan Fernandez, LRay Villafuerte Jr., Ferdinand Romualdez, at Jose Antonio Sy-Alvarado.

ABS-CBN STARS, EMPLOYEES REJOICE

Ikinatuwa ng mga empleyado, artista, at supporters ng ABS-CBN ang magandang balita.

Hinihintay na lamang nila ang abiso ng management tungkol sa muling pagbabalik sa ere ng Kapamilya Network.

“Maraming Salamat sa Kongreso!!!!! Malaking bagay po ito. Maraming salamat ulit!!!!” reaksiyon ni Vice Ganda nang malaman nito ang desisyon ng mga miyembro ng House of Representatives.

Continue reading below ↓

Nagpakatotoo naman ang ABS-CBN broadcast journalist na si Ces Oreña-Drilon sa kanyang nararamdaman tungkol sa provisional franchise na ipinagkaloob ng Kongreso.

"House of Congress approves provisional franchise for ABS-CBN until October 31, 2020.

"The bill was sponsored by the House Speaker himself after sitting on the franchise for many many long months," tweet ni Ces ilang minuto matapos aprubahan ng Kongreso ang provisional broadcast franchise ng Kapamilya Network.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN will be able to resume operations until October 31, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results