Mocha Uson summoned by NBI over fake news on PPE donation 

by Bernie V. Franco
May 14, 2020
mocha uson white
Mocha Uson ready to face subpoena from National Bureau of Investigation over her fake news post: “Naniniwala ako na may gumaganang hustisya sa ating bansa."
PHOTO/S: YouTube (GMA News)

Ipinapatawag si Mocha Uson, 37, ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kaugnay ito ng fake news na inilabas ng sexy-entertainer-turned-government official noong Abril.

Si Mocha ang kasalukuyang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

NBI ISSUES SUBPOENA FOR MOCHA

Lumabas sa social media ang kopya ng subpoena ng NBI Cybercrime Division Miyerkules, May 13, kaugnay ng fake news sa Mocha Uson Blog Facebook page, na pinangungunahan ni Mocha.

Ipinapatawag ng NBI sa kanilang tanggapan ang controversial entertainer-blogger sa darating na May 18, ika-10:00 ng umaga.

Pirmado ang subpoena ni Vicente A. de Guzman III, NBI deputy director, investigation service, noong April 29, 2020.

Ang kopya ng subpoena ay ipinost ng ABS-CBN News reporter na si Nikolo Baua.

Isa umanong private citizen ang naghain ng reklamo laban kay Mocha.

Continue reading below ↓

Ayon Sa NBI, walang pa silang reklamong isinasampa kay Mocha, subalit iniimbestigahan na nila ang tungkol sa fake news.

April 2 nang i-post sa Facebook page ni Mocha ang larawan ng mga Personal Protective Equipment (PPE) na inaayos ng mga taong nakasuot ng PPE.

Nakasaad dito na 15,000 sets ito ng PPE na binili ng Department of Health para sa health workers upang harapin ang health crisis sa bansa.

Mabilis namang nag-react ang mga netizen. Nilinaw nilang ang mga larawan ay hindi mula sa DOH, kundi sa isang mall company na bumili ng PPEs bilang donasyon sa frontliners.

Kinabukasan, nag-post ng erratum si Mocha at humingi ng paumanhin sa kanyang pagkakamali.

Continue reading below ↓

VIOLATION OF BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT

Noong March 25, 2020, inaprubahan ang Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act 11469, na nagbibigay ng additional powers sa Pangulo ngayong panahon ng pandemic.

Isa sa mga ordinansang nakasaad sa Section 6 (f) ay ang pagbabawal sa mga indibidwal o grupo sa pagpapakalat ng maling impormasyon ngayong panahon ng krisis.

Nakasaad pa rito, “…such information having no valid of beneficial effect on the population, and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear, or confusion;

“[A]nd those participating in cyber incidents that make us or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails, or other similar acts.”

Kapag napatunayang nagkasala, ang ipapataw na parusa ay “imprisonment of two (2) months."

O kaya naman ay pagmumultahin sa halagang "not less than Ten thousand pesos (P10,000.00) but not more than One Million Pesos (P1,000,000.00)."

Continue reading below ↓

Depende rin daw sa korte kung ang ipapataw na parusa ay parehong pagkakakulong at pagbayad ng multa.

MOCHA’S OFFICIAL STATEMENT

Ngayong umaga, ni-repost sa Mocha Uson Blog Facebook page ang official statement ni Mocha hinggil sa isyu.

Aniya, handa itong sumailalim sa imbestigasyon at naniniwala sa “gumaganang hustisya.”

Ipinost niya ang larawan ng subpoena.

Caption nito: “Ako po ay papasailalim sa proseso ng ating batas.

“Hindi ako tutulad sa iba na porket napa sa ilalim sa imbistigasyon ay iiyak na ng press freedom.

“Naniniwala ako na may gumaganang hustisya sa ating bansa.

“Salamat po.”

Continue reading below ↓

MOCHA USON'S CONTROVERSIAL BLOG

Bago maging OWWA deputy administrator, si Mocha ay in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong 2017.

Pero nag-resign siya sa PCOO noong October 2018.

Bago siya magbitiw, nasangkot muna siya sa iba’t ibang kontrobersiya dahil sa mga posts sa kanyang Facebook page.

August 2018, naiulat ang matinding batikos kay Mocha ng netizens at ng mga kilalang personalidad dahil sa video blog na kinapapalooban ng kontrobersyal na jingle na nagsusulong ng pederalismo.

Kasama ang pro-Duterte blogger na si Drew Olivar, sinayaw nina Mocha ang “Pepedederalismo” jingle, na kinantang may malaswang gestures at salita.

Naglabas din ng report ang Rappler na may titulong “MOCHA USON: FAKE NEWS VICTIM OR FAKE NEWS PEDDLER,” na may petsang October 21, 2017, at updated noong January 28, 2018.

Tinalakay ritong “555 out of the 1,937 link posts” na ibinahagi ni Mocha sa kanyang Facebook page ay galing sa kuwestiyonableng website na Trending News Portal, na kinalaunan ay pina-ban ng Facebook.

Continue reading below ↓

Hanggang sa noong August 2018, mismong mga kasamahan ni Mocha sa PCOO na ang umapelang mapatalsik sa puwesto si Mocha dahil sa kanyang pederalismo jingle.

Bukod sa kanila, may government officials na naeskandalo rin ng malalaswang salita at sayaw na ginamit sa jingle.

Pag-abot ng September 2018, inisyuhan ng PCOO si Mocha ng memo na nagpapaalala ng professionalism at ng code of conduct para sa government officials.

Noong October 3, 2018, sa Senate hearing para sa proposed 2019 budget ng PCOO, inanunsiyo ni Mocha ang kanyang pagbibitiw bilang PCOO assistant secretary.

Nitong September 2019, muli siyang inappoint ni President Duterte kaya nakabalik sa government office, ngayon bilang deputy administrator ng OWWA.

RECENT SOCIAL MEDIA ISSUE

Nito lamang March, 2020, nasuspinde ang blog ni Mocha sa Facebook matapos itong i-mass report.

Nagalit ang maraming netizens nang i-repost ni Mocha ang komento ng isang netizen na bumabatikos kay Pasig Mayor Vico Sotto, na tinawag na “pabebe, madaming hanash, at sablay.”

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila ng magandang ehemplo at inisyatibong ipinamalas ni Vico sa pamumuno sa siyudad ng Pasig.

Ayon naman kay Mocha, hindi siya ang personal na bumatikos kay Vico dahil madaming humahawak na bloggers at admin sa Mocha Uson Blog Facebook account.

"So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin," saad ni Mocha.

Hindi naman katanggap-tanggap ang kanyang dahilan. Kung pangalan mo at blog mo ang naroon, at government official ka pa, hindi pwedeng ipasa sa iba ang kasalanan.

HOT STORIES


(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mocha Uson ready to face subpoena from National Bureau of Investigation over her fake news post: “Naniniwala ako na may gumaganang hustisya sa ating bansa."
PHOTO/S: YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results