PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Salesman jailed for calling President Duterte "buang" on Facebook; human rights lawyer Chel Diokno condemns PNP action

Cybercrime operatives in Agusan del Norte arrests netizen allegedly posting swear words against President Duterte.
by Rachelle Siazon
Published May 15, 2020
Human rights lawyer Chel Diokno on illegal warrantless arrest of salesman in Agusan del Norte: "Ano, aarestuhin ng PNP itong salesman na minura ang Pangulo kung Pangulo nga mismo e minura ang senador, Santo Papa, ang Simbahan, at napakarami pang iba?"
PHOTO/S: Caraga Pulis PIO Facebook

Kulong ang inabot ng isang 41-anyos na salesman dahil sa mainit na pambabatikos nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang personal Facebook account, tinawag ng salesman na "gago" at "buang" ang Pangulo.

Ang kabuuang Facebook post ng suspek, ayon sa pulisya:

"ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG GAGO. BUANG SI DIGONG."

["Alam na pattern. Gagagawa si Go ng scripted demand sa buang na Pangulo, Digong gago. Buang si Digong."]

Kinilala ng awtoridad ang salesman bilang si Reynaldo Orcullo.

Kinumpirma ng Caraga Police Information Office na na-trace ng cybercrime operatives ang Facebook post ni Orcullo.

Bandang 3:00 P.M. noong Miyerkules, May 13, inaresto ang suspek sa bayan ng Nasipit sa Agusan del Norte.

Ayon pa sa mga awtoridad, kinumpiska ang cellphone ni Orcullo.

Nitong 9:10 P.M. ng May 13, sinasasabing nasa kustodiya ng
Regional Anti-Cybercrime Unit 13 ang salesman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilathala rin ng Caraga Police Information ang mug shot ni Orcullo, na sinampahan ng reklamong cyber libel o paglabag sa Section 4c4 ng Republic Act 10175.

Sabi pa ng pulisya, magsilbi itong aral sa netizens na huwag abusuhin ang freedom of expression sa social media.

Ito ang paalala ni PNP Caraga director, Brigadier General Joselito T. Esquivel:

"Again I remind our social media users to think thrice before posting on any social media platform.

"Be responsible netizens.

"We do enjoy the blessings of democracy but never go beyond from what you think is right without minding you violate the provisions of the law."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A PRESIDENT THAT CUSSES OUT

Kinondena naman ng human rights lawyer na si Chel Diokno ang tingin niya'y ilegal na pag-aresto at pagkulong kay Orcullo.

Katakataka raw na sampahan ng reklamong libel ang isang ordinaryong mamamayan na minura ang Pangulo.

Dahil mismong ang Pangulo ay kilala sa pagmumura sa mga high-profile personalities at mga organisasyon sa public speeches nito.

Sunud-sunod ang tweets ni Diokno noong Huwebes ng hapon, May 14:

"Ano, aarestuhin ng PNP itong salesman na minura ang Pangulo kung Pangulo nga mismo e minura ang senador, Santo Papa, ang Simbahan, at napakarami pang iba?

"Hindi trabaho ng PNP protektahan ang Pangulo sa opinyon ng taumbayan.

"Ang trabaho nyo e protektahan ang taumbayan."

ILLEGAL WARRANTLESS ARREST?

Hindi rin daw katanggap-tanggap na basta na lang inaresto si Orcullo na wala man lang warrant of arrest.

Iginiit ni Diokno na tanging ang hukuman ang may kapangyarihang magdesisyon kung maituturing ngang libel ang isang insidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag pa ng abugado, maaari lamang mag-aresto ang pulis sa mga krimeng personal na nasaksihan ng mga ito.

"The limited authority given to the police to arrest without warrant is only for crimes that occur in their presence.

"Crimes like libel (specially those where no complaint is filed) were never meant to be the subject of warrantless arrests.

"Only judges are equipped with the knowledge and impartiality to decide if a person should be jailed for libel."

Ngayong Biyernes, May 15, muling nilinaw ni Diokno na dapat ay may pormal na reklamo bago isyuhan ng warrant of arrest ang isang kaso ng libel.

"Ang warrantless arrest e hindi para sa libel, lalo na kung wala namang isinampang complaint.

"Judge lang ang may sapat na kaalaman at patas na pag-iisip para magpasya kung tama at ayon ba sa batas na arestuhin ka dahil sa libel."

Si Atty. Chel Diokno ay tumakbo sa pagka-senador noong huling eleksyon. Anak siya ng ginagalang at kilalang senador, justice secretary, at human rights lawyer na si Jose W. Diokno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Human rights lawyer Chel Diokno on illegal warrantless arrest of salesman in Agusan del Norte: "Ano, aarestuhin ng PNP itong salesman na minura ang Pangulo kung Pangulo nga mismo e minura ang senador, Santo Papa, ang Simbahan, at napakarami pang iba?"
PHOTO/S: Caraga Pulis PIO Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results